🌘Moon 17: Another Adventure

675 42 0
                                    

Devon Solaire

Nagising ang diwa ko ng may tumamang liwanag sa mukha ko,ramdam ko iyon.

Agaran kong dinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang isang binatang akmang hahalikan ako.

"Anong.......ginagawa mo?" kahit medyo paos ang boses ay biglang napamulat ang binata saka nanlalaking matang tiningnan ako.

"Aaahhh!" sigaw niya at napaupo pa,inaalalayan ko ang sariling umupo. Suot ko pa rin ang nurse uniform ko and good thing,nasa akin pa rin ang I.D. ni Julliet pero wala na ang I.D. ko. Napabuntong hininga ako,kagagawa lang nun eh.Hayst.

"Sino ka? At bakit mo ginawa iyon? Nasaan ako?"  sunud sunod na tanong ko sa malumanay na tono.

"Ako si Nino,isang mangangaso. Pasensiya ka na dahil muntik na kitang halikan,nasa tahanan kita." pakilala niya na tila naiilang. Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng pagsabog at saglita na pagyanig.

Agad akong napatayo at napatingin sa labas sa munting bintana niya.

Maraming nagtatakbuhan at naglalaban. Tiningnan ko si Nino.
"Nakita kitang walang malay sa bukana ng kweba,kung saan namamahay ang nakakatakot na halimaw. Kaya iniligtas kita at dinala dito. Pinatingin kita sa matandang manggagamot para malaman kung anong nangyari sa'yo. Ang Sabi,nalason ka ng usok na nanggaling sa Moon Forest at isang halik ang gamot. Kaya tinangka kitang halikan kanina. Nakakagulat nga dahil nagising ka,siguro may humalik na sa'yo doon. At 'yang nangyayari ngayon,dito ginanap ang kompetisyon ng Moon Academy:Main,para sa kukuhaning Top 15,kaya pinalikas ang lahat sa ibang bayan muna."  mahabang paliwanag niya na ikinatitig ko sa kaniya. Marami siyang sinabi at may katanungan din ako. Bumuntong hininga ako.

"Salamat sa pagligtas sa'kin at pagtuloy mo sa akin dito sa bahay mo. May kasama ka ba dito? Mukhang nakaka istorbo ako."
malumanay kong litanya at umupo.Umiling ito.

"Mag-isa na lang ako sa buhay,at 'di ka nakakaistorbo."  aniya na ikinatango ko

"Sinabi mong nalason ako ng usok at halik ang pinakamabisang gamot."  tumango siya. "Kung ganon,nakita mo ba kung sino ang humalik sa'kin?" kalmang tanong ko. Utang ko ang buhay ko sa Lunaphile na 'yon.Umiling siya na ikinabuntong hininga ko. Ayos lang kung wala na ang unang halik ko,atleast niligtas niya ako.

"Kailan nagsimula ang kompetisyon?"
  tanong kong muli

"Ikatlong araw na ngayon,"
sambit niya na ikinakunot ng noo ko. "At dalawang araw kang tulog." dagdag pa niya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya,dalawang araw na akong tulog,it means,nung araw na nahimatay ako pinalikas na ang mga Lunaphiles at nagsimula pagkatapos ng paglilikas. Tumingin ako sakanya.

"Ba't ka nandito? Baka madamay ka."
saad ko na ikinangiti niya.

"Mangangaso ako at kaya kong mabuhay sa kompetisyong ito. Siguro,pagkatapos,hindi na maituturing na bayan ang lugar na ito." may pagkalungkot na aniya.

Biglang may kumatok sa pinto kaya nagkatinginan kami ni Nino. Naging alerto ito at kumuha ng sibat.

"Ang mga estudyante sa Main ay hangal minsan. Kumakatok sila sa bahay-bahay upang may matirhan at kukuha ng pagkain,at kapag may nakitang lunaphile na tulad ko ay pinapatay."  saad niya sa mababang boses at pinatahimik ako. Dahan dahan itong pumunta ng pintuan at dahan dahan ding pinihit.

Akala ko susugurin niya pero napatigil ito at maluwag na binuksan ang pintuan. Isang naka gray cloak at may hawak na box.

"Sino siya,Nino?" tanong ko.Nagkibit balikat ito. "Utusan sa Main at mukhang ikaw ang sadya." saad niya at lumabas muna saka pinagsaraduhan kami ng pinto.

Hinanda ko ang sarili ko.

"Devon...." tawag niya at lumapit sa akin. He's a boy at namumukhaan ko ang boses niya.

"Crush......" ani ko at tinanggal naman nito ang hoodie ng cloak at sumimangot.

Inilapag niya sa harapan ko ang box. "Kailangan mong sumali sa kompetisyon,gagamitin mo yan." saad niya at dinuro ang box.

"Wala sa plano ko ang mapili sa top 15." malumanay at diretsahang sambit ko. Humangin kunti at natangay ang cloak nito. Dun ko napansin ang I.D. niya. Hmmmm.

"I know. But I'm telling you,you will need this."  he said and rolled his eyes on me. I smirked. It's because nakuha ko ang I.D. niyang walang kahirap hirap. Thanks to my helper,my clone.Uwu.

"Why?" I asked in amusement.

"Because you're one of the top 15. Target ka ng mga estudyante para makuha ang posisyon mo. Kuhaan ito,at maraming mamamatay,so...."  Napabuntong hininga ako at humalukipkip.

"How's my name on the list?" I asked.

"You're the most indemand of Prince Sockey,Princess Khianna and Queen Julliet. Dunno why." he said in amazement. Umiwas ako ng tingin at pasimpleng ngumisi.

"Pakisabi salamat. Sobra akong natutuwa." note the sarcasm there.

His eyes flashed in amazement and his lips arc in 'O' shape.

"The Devon-so-called-calm is now talking sarcastically. Well,message sent." inirapan ko si Crush.

"Pang ilan ako?" tanong ko,pertaining to top list 15

"Number 1. Hinahunting ka na ng mga estudyante ngayon."  Napasinghap ako sa sinabi niya.

"What? Top 1?!" sigaw ko at nanlulumong pumikit ng mariin,saka bumuntong hininga.

"Calm down,Devon."

"How can I calm down?!" inis na sigaw ko sakanya. Napataas naman ito ng dalawang kamay.

"Easy,Missy. Sinasabi ko sa'yo,get ready. Kahit ayaw mong sumali ha-huntingin ka pa rin nila dahil nga kasali ka sa top 15." sambit niya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ba't running for top 15?"

"Yes,at kayo yun. Gagawin nang iba ang lahat para maagaw ang posisyon mo,kung ayaw mong ilaban ang posisyon mo." sagot niya.

"I heal,not fight. I'm a healer not a warrior." pagpapakalma ko sa sarili ko the same as answer.

"Nah. Wala kang magagawa. You're on the list,Devon."  sabi niya at tumayo. Ngayon ko lang napansin na dark red na ang kulay ng buhok niya. "I'm going and take note,hindi ako utusan,napag-utusan lang. At napapanood kayo sa taas kaya kitang kita kayo dun,pwera na lang kung nasa loob ka ng bahay." I sighed in relief.

"Teka nga,paano mo natunton kung nasan ako ngayon?" Tanong ko ng mapagtantong alam niya kung saan ako nakatago  eh nasa loob ako ng bahay.

"Tsk. Someone told me,pinabigay lang din sa'kin yan para ibigay sa iyo." aniya.

"Say hello to them." pahabol ko na ikinatango nito at lumabas na. I smirk at inilabas ang I.D. niya. Magrereklamo ka din sa'kin Crush,uwu.

"Goodluck."

Tiningnan ko kung anong laman ng box,isang outfit na long sleeve at crop top na kulay black at see through pa. May tube pa ito at underwears,sa baba ay palda na itim at may kaiklian kaya napangiwi ako. May stilletos din at stocking. May beauty kit at healing aids. And also,I.D. na nakasulat ang #1 sa taas at Devon sa baba. May scroll din.

I have no choice but to fight.

I really hate troubles,hayst.

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now