🌔Moon 29:Part of the Past

629 35 0
                                    

Devon Solaire



Khianna and Tita Desse are really family. Lahi na ata ng mag ina ang pagkamadaldal.

Nagluluto si Tita ng sinigang at ang bango ng amoy,nakakatakam.

"You know what,Devy dear-"

"Devon,Tita" pagputol ko sa sinasabi niya. Nagulat ito at kalauna'y tumawa ng malakas.

Nakunot ang noo ko at bumuntong hininga. Alam ko na kung anong sunod niyang sasabihin,trust me.

"You're really like your mother,dear. Napaka cute hmmp!!" aniya na ikinangiwi ko ng pisilin niya ang pisngi ko pero napabitaw din.

"Ang lamig mo" komento niya na ikinailing ko lang at bumuntong hininga.

"Since ang tatagal ng mga kasamahan ko,let me introduce them to you dear" aniya at pinatay ang apoy ng stove. Yun pala,tapos na.

Paghahanda nalang sa dining table ang kulang.

"First is Gievhone Arionne, or should I say Vhone or Vhony. Siya ang pinaka close ko sa aming lima dahil ang bait niya kalmado tulad mo. Napaka caring niya kaya nga nagustuhan siya ni Dennis" panimula nito at nag pout pa. Napailing na lang ako.

"Then si Klaus Evergreen,joker siya sa grupo. Naging close ko din yan kaso kaaway ko minsan,ang lakas mang asar eh. Akala ko siya na makakatuluyan ko,buti na lang hindi" sambit nito at natawa kaya napangiti na lang ako.

Sumandal kami pareho sa countertop table.

"Then yung papa mo. Si Dennis Solaire,gwapong gwapo ako sakaniya,pramis! Kaso ubod ng sungit at hindi naman ganun ka cold pero tinitipid yung pananalita. Ex-crush ko yan eh,nag confess pa nga ako kaso diniretso ako at sinabing 'Back off,desperate lady! Don't waste your wasteless time to me' kaasar" aniya at tinulad pa ang boses ni papa kaya natawa ako at saglit na bumuntong hininga.

"And last talaga,ayoko sa babaeng 'to" sabi niya.

"Nakikiagaw ng atensyon ni Dennis eh si Vhony na nga mahal eh.Hindi naman yan maghehealer kung hindi nag healer si Dennis" nakunot ang noo ko sa kwento.

"Who?" I calmly ask. She rolled her eyes first

"Maxine Radian. Patay na patay yan sa father mo. Kala mo kung sinong maganda,kairita! Tapos ang sungit,sungit! Kaso wala eh,hindi na kabogan yang mama mo" proud pa nitong sabi sa huling pangungusap. Napangiti naman ako dun.

"Tita,what is your real magic?" I ask of out nowhere. Ngumiti ito ng malungkot.

"I'm a nature user. Kaso mas pinili ko ang pagheheal" sagot niya.

"Why?"

"Dahil sa papa mo" natahimik ako sa sinagot niya. Hinawakan niya ang kamay kong may gloves.

"Ang mama mo ay isang healer dati at ang papa mo ay isang Ice User. Sikat ang papa mo dahil malakas siya at rank 1 sa buong academy" napasinghap ako sa sinabi niya.

"Pero nung nakilala niya si Gievhone,sinugal niya ang ranggo niya at ipinaglaban ang mama mo dahil mahal na mahal niya siya. He even chose to be Healer"

"Why?" tanong kong muli.

"Kasi gusto ni Dennis makasama ang mama mo at maprotektahan ito. Nakiusap din saming tatlo si Dennis na maging healer to protect your mother. Ganun ka obsessed ang papa mo. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba" she explained. Wala akong masabi dahil hindi ko alam kung anong irereaksyon ko. My parents didn't tell anything to me. I was innocent.

"I apologize" tanging sambit ko na ikinabigla ni Tita Desse.

"No dear. Don't be sorry. At tsaka masaya na kami sa trabaho naming ito" masayang sambit niya kaya ngumiti ako ng pilit.

"Malapit na sila. Maghanda na tayo" aya niya kaya tinulungan ko na siyang mag ayos sa hapagkainan.

"Btw,alam ba ng parents mo na nandito ka? Buti nahanap mo ang tinutuluyan nila?" sunud-sunod nitong tanong na ikinatigil ko sa pagbaba ng pitchel. Pumunta siya ng kitchen para kunin ang ulam.

Napakagat labi ako at bumuntong hininga. I'm surely dead kapag nalaman nila-o nalaman na talaga nila dahil sikat ang pangalan ko.

At dito ko lang napagtanto na ang parusa ko ay ang matinding sermon mula sa magulang ko. Ibang klase ka din,Professor Gill.

"Devon,dear.." nabalik ako sa reyalidad ng hawakan ni Tita ang balikat ko. "Your spacing out,any problem?" alalang tanong nito. Ibinaba nito ang basong hawak ko at inalalayan sa couch kung nasan ang backpack ko.

"Do you know Professor Gill,Tita Desse?" malumanay kong tanong ng ikinangiti nito.

"Of course,dear. Professor namin dati siya nung highschool kami" sagot nito. Napapikit nalang ako ng mariin at malalim na bumuntong hininga. Kung ganun,alam na nila mama at papa na nadetention ako.

"Well,He's the Guidance Professor nang mapunta ako sa Detention Class" kalmadong panimula ko na ikinasinghap nito.

"What?! Na detention ka?! What happened dear?" alalang tanong nito.

"Long story without ending,Tita. We just jump up to climax,so a bit complicated" malumanay kong sagot.

"Huh?"

Natawa ako sa ekspresyon ni Tita Desseri.

"'Long story' lang talaga naintindihan ko,dear. Ang complicated ng sinabi mo" naguguluhang sabi nito at natawa saka napakamot ng batok.

"My parents didn't know na nandito ako. Professor Gill tour me from here. At tsaka kararating ko lang dito,kaya may bagpack pa ako" kwento ko na ikinatango niya.

"Wait me here,dear" ani nito at tumayo. " Ano bang course ang kukunin mo?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako at tiningala siya. "Healing" malumanay kong sagot. Tumango ito at naglakad saka may tinawagan. Our communication here is through big shells.

Tinitingnan ko lang siya habang nakangiting kumakausap sa shell.

Kinabahan ako bigla. Is that my parents?

Pagkatapos nun ay lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko at hinila ako.

Mabilis kaming naglakad papalabas. Nakunot ang noo ko sa inasta niya

"Where are we going,Tita?" takang tanong ko habang hila pa rin ako sa kung saan.

"Sa dorm mo. Tumawag ako sa baba kung anong dorm number mo and here it is!"

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now