🌔Moon 31:Father

659 36 0
                                    

Devon Solaire


Ilang segundo pa kaming nagtitigan at pasimple ko namang iniwas ang paningin ko saka inilibot ang room na'to.

"Are these papers,properly arranged?" napalingon muli ako sa harap at sa'kin pala siya nakatingin. Bumuntong hininga ako at dahan dahang tumango.

Pero sa loob loob ko,kinakabahan ako ng todong todo. Kalma lang,Devon.

"Yes,boss" sagot nitong kasama ko at umupo sa isa sa mono block sa harapan ng table ni...Papa?

Feeling close din ang isang 'to.

Sinuri muna ni papa ang mga papeles at hindi ginalaw at kalauna'y nagtaas ng isang kilay.

"Are you sure?" parang masungit na tanong nito.

Nagdalawang isip muna si Crush at nagpoker face.

"I assure you,boss" hindi siguradong sagot ni Crush at tumingin sa'kin na parang humihingi ng tulong. Well,that's my father. He's really keen,kaya wala kang takas o makapagsinungaling.

Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa.

"Rate yourself,Mr. Schoenberg, 1-
10. "

Napalunok pa si Crush na ikinatawa ko ng mahina pero agad ding natahimik nang taliman ako nito ng tingin.

"7" sagot nito na ikinatango naman niya at tiningnan ako.

"Go back to your class,Mr. Schoenberg at may pag uusapan lang kami" maawtoridad na utos ni Papa na ikinalunok ko. Tumango si Crush at nginisihan ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Umalis na siya at naiwan akong kinakabahan,pinaglaruan ko pa ang mga daliri ko dahil hindi ako mapakali at naiilang sa presensiya ni Papa.

"Do you like him?"

"No!" napasigaw ako sa gulat saka agad na tinakpan ang bibig ko habang namimilog ang mga mata.

Kumunot ang noo nito at sinenyalesan niya akong umupo sa mono block sa kanan.

Agad akong umupo at tumungo.

"Then why are you shouting at me?"

"I-I apologize" pautal at mahinang sagot ko saka bumuntong hininga. Tumikhim ito kaya lumingon ako kay Papa. He's arranging those papers at paminsan minsan ay may pinipirmahan o binabasa.

"How are you? Hindi ka sumipot sa lunch" napalunok ako ng laway sa tanong niya.

"I'm fine and I....I slept" pagsasabi ko ng totoo

"I see" naginhawaan naman ang loob ko at nabawasan ang kaba. Para akong t-ngang takot sa terror lecturer ko,hayst.

"And your punishment?" nabalik agad ako sa reyalidad at tinitigan siya. Tiningnan niya rin ako.

"Tiring"

"Because you've done a big trouble to Elite Royalties. Kailan mo ibabalik ang Id's nila?"

Nakakalunok ng laway ang mga tanong niya. Diretsahan talaga.

"Ahm...."

"What?" naghihintay siya sa sasabihin ko,bumuntong hininga muna ako at tumitig sakaniya.

"Naibalik ko na..." sagot ko na ikinatikwas nito ng kilay. "Na hindi nila nahahalata" dugtong ko pa.

"And how is that?" parang hindi pa ito naniniwala. Napanguso ako at napakamot ng ulo.

"Believe me,Papa. Naibalik ko na at malamang na suot na nila ngayon" mabilis na sagot ko. Sumeryoso ang mukha nito.

"Tsk. Then finish your contract with that Old Hag. I don't want my daughter suffering with that st-pid punishments" naiinis na ani nito na Ikinatango ko at ikinangiti. Akala ko masesermon ako.

About the Id of theirs, nung first day of punishment ko pa naibalik. Thanks to my magic.

"Well,I should go" paalam ko at tumayo na. Tumango ito at inasikaso ang mga papeles.

Time flies..........

Another day at unang araw ko naman bilang healer. Sinusuri ko lang ang sarili ko sa full sized mirror. Inayos ko ang salamin ko at hindi na ako nag suot ng gloves pa. Tinali ko ang buhok into ponytail at hindi na nagbalak na maglagay ng kolorete sa mukha.Napabuntong hininga ako at ngumiti ng tipid.

Iba ang uniporme ko. Pang nurse din siya pero white t-shirt na ito at slacks na puti. White flat shoes at foot socks na puti din. May bulsa din siya. Nakyukyutan ako sa uniporme ko.

Ito talaga ang pinili ko at hindi yung pencil cut,naiinis ako dun. Madaling mabosohan at hapit na hapit.

Mas komportable ako ngayon,nakadepende sayo kung anong klaseng style ang uniporme mo basta magmumukha kang healer.

Umapaw na rin ang pangalan ko sa buong Campus at quits na kami ng mga nakuhanan kong Id's. Tinapos ko na ang punishment contract ko kay Prof. Gill at ayaw na raw akong makita ng mga nabiktima kong Id. Pity them,psh.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang malaking white sling bag ko na naglalaman ng dalawang libro tungkol sa healing.

Kabisado ko naman ang schedules ko dahil nabasa ko na kahapon.

At tutungo pa lang kami sa kantina upang mag umagahan. Hinihintay ko lang ang apat kong kasamahan na healer din. Iba iba ang subject namin at masasabi kong mababait,maiingay at friendly sila.

Umupo muna ako sa malambot kong kama at pinapanuod ang mga aligagang ka dorm mates ko. May kanya kanya pala kaming kabinet kaya todo hagis sila sa mga damitan nila.

"Devon,pasensiya ka na ha. Wait lang" mabilis na sambit ni Courtney na naglalagay na ng kolorete sa mukha. Nginitian ko lang siya.

To tell you,they're pure Healer kaya nakakahiya sa'king Ice user 'no.

"Ang bagal niyo mga sis,double time!" pabirong utos ni Emerald na ikinatawa Lang nilang tatlo. Napailing nalang ako sa kakulitan nila.

Pagkatapos ng pag aayos ay nasa elevator na kami pababa para kumain ng umagahan.

"Hayst. Ang aga palang oh!" maktol ni Savannah na hindi nakapa make up kaya todo ayos siya dito sa loob at ginawang salamin ang elevator.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at maaga palang nga. Ang rules kasi ng mga healers dito,mabilis ang galawan.

It's 6:30 am in the morning at may 30 minutes pa kami para mag umagahan at pumasok sa unang subject which is History Healing at the time of exactly 7:00 am.

Buti nga at itinour ako kahapon ng mga kasama ko sa 2nd floor.

*Ting!

Tunog ng elevator kaya naglabasan na kaming apat at tumungo pakaliwa kung nasan ang canteen.

Magkakapareho lang kami ng uniporme din, kase hindi daw bagay sakanila ang hapit na uniporme. Meron naman silang ipinagmamalaki kaso mas gustong itago.

Si Heaven na ang umorder since pare pareho lang kami ng kinakain sa umaga,tanghali at gabi.

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now