🌘Moon 16: Beast

691 35 0
                                    

Devon Solaire

Gabi....

Napabuntong hininga na lamang ako habang dinadagdagan ng kahoy ang apoy na pinagigitnaan namin.

Tanging ako lamang ang gising at wala pang malay ang mga kasamahan ko,hayst.

Ang Ingredients ng Strength Potion ay ginawa ko na dahil may instructions ito sa scroll at makakatulong ito sa amin.

Sa ngayon,ito muna ang magsisilbing inumin namin at ang tanging nakita ko lamang na pwedeng kainin ay grapes. Hindi ako pwedeng lumayo dahil baka maligaw ako.

Sana may makatulong sa amin,'cause we're trapped behind this powerful midst. Nakakamatay pa ang usok,hayst.

Sampu na lang kaming natira at delikado din sa lugar na ito. Kase based on my observations,ang mga kalansay at hiwa hiwalay na parte ng mga buto at bungo ay hindi kagagawan ng isang Lunaphile o Magic Users

Something na kaya ka niyang patayin in one snap. Maybe a big creatures,a beasts or cyclops na tumitira dito. Kaya gusto ko nang makalabas,hayst

Napabuntong hininga ako at tumingin sakanila Kailan kaya magigising ang mga kaklase ko?

Napatigil ako sa pagnguya ng grapes ng makarinig yabag sa pinakaloob ng kweba. Nasa bukana lamang ang pwestohan namin.

Kumuha ako ng kahoy at isindi iyon,gumawa ako ng Ice cover sa bukana ng kweba, baka may pumasok.

Tiningnan ko muna sila at iniwan ko din ang gloves at salamin ko.

Nagsimula na akong maglakad papaloob. Luminga ako sa paligid at inilawan ang anumang makita ko.

Ilang minuto pa akong naglalakad at napatigil nang maapakan ang kahoy. Kinuha ko ito at nanlaki ang mata ko. Inilawan ko ang paligid at napapikit ng mariin saka bumuntong hininga.

Hindi kahoy ang napulot ko kundi buto,at nasa pamamahay kami ng isang halimaw.

I saw claw marks on the side of the cave at footprints sa baba. It's big.

We need to get out of here.

Pagkaharap ko napatigil ako at napatitig. Napalunok ako ng wala sa oras.

It's red eyes was shining brightly,it's sharp fangs and it's saliva's flowing down the ground. He's hungry.

May malaki itong sungay at Ngayon ko lang napansin na putol ang isa. Bumuntong hininga ako at nagtitigan kami ng mga segundo.Napa atras ako ng wala sa oras kaya umabante ito.

"Ahh!" daing ko nang mapaupo ako,yun pala natapakan ko yung bungo.

*Grrrooooaaaaaaarrrr!!!

He growled and roared infront of me, inside this cave. Napatakip pa ako ng mukha gamit ang braso ko ng tumalsik ang laway nito. Geez.

Para siyang werewolf pero mas malaki nga lang at itim ang balahibo nito.

Napaiwas ako ng mukha ng lumapit ito sa akin. I thought he's going to eat me,but not. He just sniffed at me tapos tumalikod.

I sighed in relief pero napatitig sa buntot niyang mahaba na ngayon ko lang napansin. Andaming sugat at may nakatarak na limang shuriken.

"Wait!" tawag pansin ko na ikinatigil ng nilalang na ito.

Dahan dahan akong lumapit at hinawakan ang isa sa shuriken at agarang tinanggal yun.

*Grooaaaaarrrrr!!!!

"WRAGGHHH!!" napapikit ako ng wala sa oras nang muntikan na niya akong sunggaban. Ang lakas ng tibok ng puso ko,mabilis pa Akong huminga. Idinilat ko ang mata ko at mabangis at nakakatakot na mukha na niya ang bungad sa akin.

"I-Im sorry....I....I'm just trying to....help you...."  hinihingal na sabi ko at lumunok. Mas bumangis ang mukha nito na parang hindi naniniwala.

"I'm a.....healer." sabi ko pa na ikinatitig lang nito sa akin. Tumalikod siya at umupo.

"GROARR!!" it's like sinasabi niyang simulan ko na.

Napabuntong hininga muna ako at ikinalma ang sarili.

Ibinaon ko ng kunti ang kahoy na may apoy at umupo ng maayos. Ang dumi na ng uniporme ko.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang dalawang shuriken.

"Ready." sabi ko at mabilisang tinanggal ang apat na shuriken.

*GRRRRRROOOOAAAAARRRRRRRRR!!!!!!!

Napatakip ako ng tenga sa lakas ng ungol niya. Hingal na hingal siyang napahiga.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang buntot niya at nilagay sa lap ko. Dumaing ito dahil siguro sa lamig ng kamay ko.

Ginamot ko ito gamit ang Ice at pinunit ang kapirasong tela na ngayo'y sobrang ikli na talaga. Hindi na siya Pencil cut. Tinali ko ang mga sugat niya at kinuha ang kahoy na may apoy at isang shuriken saka tumayo. Malapit na akong maubusan ng ilaw.

Pumunta ako sa harapan niya at ngumiti. Natutulog na siya,pero ang sungay niya....

Dinugtungan ko ng Ice ang Sungay niyang putol kaya dumadaing ito ng mahina. Dahan dahan ko siyang hinawakan sa ulo at pinat ito.

"Sleep tight." bulong ko at umalis.

Habang papalakad ay tiningnan ko ang shuriken. Ganitong shuriken din mismo ang sumaksak kay Ms. Moiselle. Kanino galing ang mga ito.

"AAAAHHHHHH!!" agaran akong tumakbo sa kinalalagyan namin kanina,isa sa mga kasamahan ko iyon.

Pero nanlumo ako pagkarating ko dahil wala na akong naabutan kahit isa. Basag din Ice Cover,iniwan ba nila ako? Hindi pa man ako nakakalakad ay nanghina ako at napaupo kasabay nang panlalabo ng paningin ko.

May nalanghap akong kakaiba na sanhi na pagkawala ng aking malay.

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now