🌕Moon 42:Birthday

645 35 2
                                    

Devon Solaire

Katatapos ko lang magshower ngayong gabi at sinusuklay ang buhok ko. Suot ang t-shirt na mahaba ang manggas at pajama na kulay asul. Pagkatapos kong magsuklay ay sinuot ko muna ang reading glass ko o yung ginagamit kong pabilog na salamin at pumunta sa kama ko kung nasan nandun yung healing book. Magbabasa muna ako para antukin.

Alas siyete pa lang ng gabi ngunit tulog na ang apat kong kasamahan dahil na rin sa pagod. Hindi na nga sila kumain ng dinner at hindi pa sila nakabihis. Sobrang pagod talaga nila.

Bumuntong hininga ako at itinuon ang pansin sa kakahawak ko palang na libro at sumandal sa headboard ng kama.

Pero kahit anong basa ko ay ang mga sinambit ni Crush ang nasa isip ko. Mariin akong pumikit at malalim na bumuntong hininga saka ibinaba ang librong hawak ko sa maliit na table sa tabi ng kama ko.

Seryoso kaya si Crush sa mga sinabi niya? Geez,st-pid Devon! Kailan pa ba nagbiro ang isang Crush Schoenberg?! Arrgh!! Haysst......

Napamulat ako ng mata nang marinig ang kakaibang kabog ng puso ko. It was fast,and I'm curious. Does it mean....may gusto din ako kay Crush?....Wait...What?!

Napasabunot na lang ako ng buhok at umupo saka bumuntong hininga. Kailangan kong makupirma ang mga sinabi ni Crush,pupuntahan ko siya. Hayst.

Tumayo ako ng kama at sinuot ang panloob na tsinelas at inayos ang buhok at salamin kong nagulo.

Dahan dahan akong naglakad at pinihit ang doorknob saka binuksan at nagulat nang sumalubong sa mukha ko ang kamao ni Rein.

Nagkatitigan kami saglit. Agad niyang binawi ang kamay niya at ibinulsa sa bulsa ng pants nito. Napabuntong hininga ako at sinarado ang pinto saka hinarap siya.

He's wearing his crown and formal clothes or I should uniform. Nag iba na din ang kulay ng buhok nito. Well,I can see their changes.

"Done checking me?" may pang aasar na tanong nito na ikinangiwi ko lang at bumuntong hininga muli.

"Yeah. And you what I'm thinking to you,nagmukha ka nang disente sa wakas" pabalik asar ko na ikinaismid nito at inirapan ako. I chuckled a bit and smirk.

"What are his highness doing here,hmm?" may tono pa ring pang aasar na tanong ko.

"Sinusundo kita" sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"Why?"

"Basta,sumunod ka na lang" aniya at hinila ako sa kung saan. Mabilis kaming nakarating sa elevator at pinindot ang 5th floor.

"Sana naman umusbong yang pagiging gentleman mo 'no?" sarkastikong sambit ko at binawi ang braso ko saka hinimas ito. Ngiting aso lang ang ibinigay niya.

"Ano bang gagawin natin sa 5th floor?" kalmang tanong ko

Humalukipkip ito. "Correction. Sa rooftop ang punta natin"

"So,ano nga?"

"Di'ba favorite spot ni Prince Crush ang building niyo,or should I say ang rooftop dito?" he asked. Nakunot ang noo ko at tinitigan siya. Crush 's favorite spot is our rooftop? Kaya ba madalas siya dito sa building namin?

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now