🌖Moon 50:Last Day

438 23 0
                                    

Devon Solaire

Ito na ang huling araw para mag saya. Kakatapos lang ng announcement tungkol sa gaganapin na 'Mission:Hunting Spirits' sa mga natalo at napili na ang mga pupunta sa misyon at ang mga nanalo ay aalis na rin bukas. Kaya sinusulit na ng mga estudyante ang pagpasyal sa baba.

Aalis na si Crush bukas tapos hanggang ngayon di ko pa rin siya nakikita. Saan bang lupalop ng Luna napunta ang lalakeng iyun?!

Habang patagal ng patagal ay namimiss ko rin siya--hayst. Nababaliw na ata ako.Agad akong umiling at bumuntong hininga. Baka may importante lang siyang ginagawa. Hayst...

"Devon—"

"Isa pang pilit niyo,palalayasin ko na kayo sa dorm na ito" malumanay ngunit banta kong sambit sa kanilang apat. Nakatanaw lang lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang nasa labas. Kunti lang ang mga estudyanteng palakad lakad. Halos mabilang ko na lahat ang mga estudyante sa labas dahil sa kaboringan. Tapos wala pang Crush,saklap.

"Kaysa naman magmukmok ka dito maghapon?! Ang boring mo" komento ni Emerald kaya nilingon ko siya at bumuntong hininga

"I'd rather read books" tugon ko lang at tumayo saka tumingin sa wall clock. Malapit na naman ang pananghalian.

"Ayaw mo talagang sumama?" tanong pa ni Courtney na ikinailing ko lang at malakas na bumuntong hininga.

"Hindi na ba kayo makakapunta sa Moon Market ng wala ako?! Magiging pabigat lang ako dun. Umalis na kayo" pagtataboy ko at pumunta sa tabi ng kama ko sa may study table at pumili ng libro sa ibaba nun.

"Hayst. Ang tigas rin ng ulo mo?! Nag aalala lang kami kasi mag isa ka lang dito? Paano kung pasukin ka ng secret admirer mo?!" nag hihisterikal na sambit ni Heaven. Bumuntong hininga ako at napatampal sa noo.


"Speaking of secret admirer" agaw pansin ni Savannah kaya napalingon kami sakaniya na nag memake up.

"May nakita akong sulat at isang stemmed rose sa pintuan natin. Wait. Nandito yun eh...........Oh! Here!" aniya pa nang makalkal ito sa kaniyang kabinet at agarang ipinabot sa akin. Kinunutan ko siya ng noo at tinitigan ng taimtim.

Ngayon ko lang napansin na may kamukha siya. Sino nga ba yun?

" Basahin mo na yang sulat nang kiligin din naman kami" suhestiyon ni Emerald at pinalibutan ako. Mga 'to!

Kinuha ko yun pati ang red rose saka napabuntong hininga. Hindi ko type ang rosas,sa totoo lang.

'Devy' may sulat ito sa harap.Ang galing ng pagkaka calligraphy.

Alam ko na kung kanino galing ito.

Tahimik ko itong binasa at biglang kumabog ang puso ko sa bilis nang mabasa ang huling pangungusap sa baba.

"Anong sabi?" excited na aniya ni Heaven. Pasimple akong lumunok habang titig na titig sa sulat.

"W-wala. Di ba aalis na kayo? Alis na" pag iiba ko ng topic at tumingin sakanila. Hindi naman sila naniwala.

"Weh? Patingin nga" bago pa mahablot ni Courtney ay agad ko itong nilakumos.

"Yah! Ang damot mo!" ngusong aniya nito.

Moon Academy (Under Revision)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt