🌗Moon 62:Hugged

381 22 3
                                    

Devon Solaire


"Congratulations sa ating lahat!!" Blessary shouted and cheered for everyone. Hindi naman ako dapat kasali sa kasiyahang ito.

Tinaas nila ang kanilang mga baso at nagsanggaan saka uminom. Ininom ko na lang din ang akin.

Nandito kami sa rooftop ng Heal Building. Nagkakasiyahan. Kasama sina Heaven,Courtney,Emerald at Savannah sa akin at naki enjoy. Nandito rin sina Wyeth,Sin,Scale,Hunter,Rein,Art,Jales,Novel,Hafirsa,Sapphire,Blessary,Shawn at Crush.

Nakasandal lang ako sa gilid ng gabayan ng rooftop habang hawak ang baso ng juice at tinitingnan sila.

I sighed.I can saw each of them improved a lot. Nag iba ang mga kulay ng buhok at mata nila,kahit yung mga naghunting ng mga spirits ay lumakas at nagbago din. Mukhang napalaban din sila.

Well,kahit naman walang nagbago sa akin ay atleast marami akong natutunan. Hindi nga lang ako makasabay sa kasiyahan nila dahil bumabagabag pa rin sa akin yung nasa tapat ng dorm ko kanina.Hayy.

Napailing na lang ako at ipinagsawalang bahala ang nangyari saka tinuon ang pansin sa mga kasamahan.

"Sana....manalo tayo sa digmaan at buo pa rin tayo. Lalo na't nadagdagan tayo ng apat!"aniya Blessary na ang tinutukoy ay ang mga apat kong kasamahan.

Nandito nga rin si Dush eh. Kinuha na pala ni Crush ng papunta na sila dito sa HB. Sila pa mismo ang nag set up ng ganitong event.

Yung plano kong sorpresahin si Crush ay nawala na. He even changed a bit. Kung dati ay kinakamusta ako, ngayon ay hindi na ganun. Binati niya lang ako tapos nilagpasan.Akala ko ba kami na? Ba't parang ako lang yung nag aassume? Binigay nga ni Crush yung sisiw kay Blessary nang hiningi niya. Tapos iniba yung pangalan.

Blush. Yan na ang bagong pangalan ng sisiw.

Hayst,ang sakit rin pala.

"Cheers!!"

"A penny for your thoughts." agad akong napalingon sa katabi ko and it was Shawn. Ang tagal na simula nung mag usap kami.

Napalalim na ata ang pag iisip ko dahil hindi ko man lang napansin na lumapit si Shawn.

"W-wala lang. Napagod lang ako." pagsisinungaling ko saka uminom.

"Tsk! Did you meet him? Stan Yeon." sambit nito. Napalingon ako sa mga kasamahan ko. Kumakain na sila ngayon at tuloy pa rin ang tawanan at kwentuhan.

"It's not him....." halos pabulong kong sagot. Napatango ito at ininom ang hawak niyang juice.

"Ba't hindi ka makisaya dun?" pag iba ko ng topic at tumingin sakaniya at bumuntong hininga.

He looked at me. His famous grin plastered on his lips. "Malungkot ka. Dadamayan kita."

"I....Hayst.... I'm fine."

Nilagay nito ang baso sa gabayan ng teresa at nagulat ako ng kinuha nito ang baso ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Napatingin ako sakaniya na nakakunot noo.

"Mahirap labanan ang tinadhana,Devon." mas nagulat ako ng yakapin niya ako. Para akong natulos sa kinatatayuan. Parang walang nakakakita sa amin at hindi napapansin sa tabi.

Mas humigpit ang yakap nito. Ang yakap ni Shawn,ay pamilyar. Isinandal ko na lang ang sarili ko sa dibdib niya at gumanti ng yakap.

"Thank you...." I whispered while bowing my head. Mas siniksik ko pa ulo ko sakaniya at mas humigpit pa ang yakap nito. I feel warmed and safe in his arms. I closed my eyes and heavy sighed.

Moon Academy (Under Revision)Kde žijí příběhy. Začni objevovat