🌔Moon 30:Boss

638 36 1
                                    


Devon Solaire

Akala ko sermon lang ang punishment,hindi pala. Akala ko natakasan ko yung sermon ng parents ko,hindi pala. Nung time kasi na hinatid ako ni Tita Desse sa dorm ko,at may kasama pa akong apat na maiingay dun. Sinabi kong maliligo lang ako at susunod din pero nakatulog ako at gabi na nagising.

"Paki abot nga Yun."

"Paki hawak 'to."

"Itapon mo muna 'to."

"Segregate mo yung basura,dear."

"Ibili mo nga kami ng pagkain sa baba."

"Tubig lang akin."

"Paki bendahan nga yung paa nung isang pasyente"

"Kunin mo ito,at ibigay sa faculty,sabihin mong tapos na" tumango ako at malalim na bumuntong hininga saka kinuha ang madaming papeles na hanggang baba ng chin ko.

Nagsimula na akong maglakad kahit pagod ang katawan ko. Nasa 2nd floor ako which is the Clinic Section,being alalay ng lahat dito. Take note dahil mag isa pa ako. Ikatlong araw ko na being slave at halos sa araw araw na Iyun ay gusto kong murahin silang lahat. Di ba nila alam na isa akong Solaire! Napabuntong hininga na lamang ako nang makapasok sa elevator at pinindot ang button 4 which is the faculties and offices.

Wait––kanino ko ito ibibigay? Geez. How st-pid am I?

Hayst. Back to the topic, Royalties nga napunishment,pano pa kaya akong healer lang diba? Anong laban ko? Hayst.

Nagsisisi tuloy akong manguha ng Id. Ibabalik ko bukas ang mga iyon para tapos na ang kontrata ko kay Professor Gill.

*Ting!

The elevator opened. Nakatungo lang akong bumukas ng may sumagi sa balikat ko dahilan na mahulog ang mga papeles. Pagod ako. Nakakawalan ng lakas.

"Can you just look where you going?!"  Bakas sa inis na sambit ko at pinulot ang mga nahulog na papeles.

"Tsk.tsk.tsk. My little Devy is tired. How's your punishment little Angel,hmm?" sa boses pa lang niya alam ko na kung sino. Agad ko itong nilingon at sinamaan ng tingin.

He smiled showing his white and complete set of teeth. Inis ko siyang binato Ng mga pinulot kong papeles at hinilamos ang mukha ko sa pagod saka bumuntong hininga. Natawa siya sa inasta ko at siya na mismo ang pumulot ng mga papeles at inayos.

"I'm not stuff to keep,so stop claiming me as yours." Diretsahamg sambit ko ngunit hindi nya iyon pinansin.

"Ang haggard mo" komento niya at hinagisan ako ng panyo na tumama sa mukha ko talaga. Bad mood ako ngayon,at mas mababad mood pa sa Lunaphile na ito.

"Umasta kang parang babae,Devy—"

"Ilang beses ko na bang itatama sa inyong tumatawag sa'kin  na hindi Devy ang pangalan ko. DEVON! D.E.V.O.N.!!"naiinis kong singhal sa kaniya at padabog na pinunasan ang mga pawis ko sa noo ko hanggang sa leeg ko. Malas pang naka uniporme akong nurse at sapatos na may takong!

Ngumiti ito at ibinaba ang papeles saka pumantay sa'kin. Nakaupo pa rin kasi ako.

Kinuha niya ang panyo niya at dahan dahang pinunasan ang mukha ko. Napatitig ako sa panget niyang mukha. Oo,panget! Nakakairita,meron ba ako ngayon?! Ba't ang init ng ulo ko?!

"Matutunaw na ako sa katitig mo" seryoso niyang sambit at itinaas ang chin ko para punasan muli Ang leeg ko. Nginiwian ko siya at bumuntong hininga.

"Ang gwapo mo" malumanay kong sambit na ikina ngiwi nito.

"I hate your calm yet sarcastic tone. Umayos ka Devy" nanliliit ang matang tiningnan ko siya. Pansin ko lang na nakaformal clothes ang Lunaphile na ito. Nag iba rin ang kulay ng buhok at mata niya. It's violet.

"Buti naman at alam mo,wala ako sa mood,Mr.. Crush Schoenberg" asik ko rito at tinampal na ang kamay niya. Umismid siya at inalalayan akong tumayo.

"Tsk. Don't be angry at me,you don't fit it,ang hinhin pa rin ng boses mo" komento niya at binuhat ang mga papeles na ikinabuntong hininga ko lang at umirap.

"Saan mo 'to dadalhin?" tanong niya. Napaisip ako at humalukipkip. " No idea. Pinadala lang sa akin para ibigay sa Faculty" sagot ko.

"O yeah. Kagagaling ko lang dun"

"Di ko tinatanong,Crush"

"Bad Devy"

"Devon!"

"Why? Devy was more fit to you,sounds cute"

"Tsk. Nagtutunog demonyo sa pandinig ko,magtigil ka,Crush" pasinghal kong sambit. Nakarating na kami sa tapat ng Faculty at bigla iyong bumukas at niluwa dun ang isang haggard na dalaga.

"Oh! Yang mga papeles. Kanina pa hinihintay ni Boss,dalian niyo" hinihingal nitong sambit.

"Saan ang table niya?" kunot noong tanong habang nakasilip sa napakadaming tables at Lunaphiles na kaniya kaniya ang ginagawa.

"Liko ka kanan at makikita mo yung transparent glass sa pinaka likod. Dun ang office ni Boss" aniya at nagmamadaling umalis.

"Tsk. Nagtanong ka pa eh dun sa mismong boss ako galing" Kinunutan ko si Crush na nakangisi at naunang naglakad papaloob kaya sinundan ko siya.

Lahat ng makasalubong namin ay yuyuko bilang paggalang sa panget kong kasama na poker face na ang mukha.

Napatungo na lang tuloy ako at bumuntong hininga. Lumiko kami at naglakad muli.

"Wala ka bang klase?" malumanay kong tanong.

"I have. But I already late 30 minutes for helping you" hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay.

"Kailangan ko na bang mag pasalamat?"

"Stop sarcasting,Devy–"

"Argh! Devon nga"

"Whatever. Btw,prepare yourself dahil ubod ng sungit at strikto ang boss" paalala niya at tiningnan akong nakahalukipkip lamang. Inirapan ko siya na ikinasmirk nito.

"Brave,huh. Let's see,How your brave ends..."pang aasar nito na ikinabuntong hininga ko lang.

Binuksan niya ang transparent door kaya sumunod din ako at kusang sinarado iyun.

"Boss" tawag ni Crush. Tumabi ako sakaniya at tiningnan ang nakatalikod na swivel chair. Inilibot ko ang paningin ko. Malawak at may living room siya,cr & bookshelves.

Ibinaba nito ang mga papeles at tiningnan ako.

Bumuntong hininga ako. "Pinabigay sa baba,Boss. Sabi nung supervisor dun,tapos na"malumanay na gatong ko. Pansin ko na nilalaro nito ang ballpen.

Nahagilap ng mata ko ang pangalan niya na naka carve sa mamahaling kahoy na binarnisan.

Denise Solaire

Saktong pagbasa ko nun ay ang pagharap ng isang lalakeng hindi ko inaasahan.

Nakatitig ito sa amin ng seryoso,lalo na sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras.

Papa...Paktay!!

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now