🌖Moon 49:Moon Market Festival

468 22 2
                                    

Devon Solaire

Nakatanaw lang ako sa bintana namin at walang ginagawa kundi ang bumuntong hininga. Iniisip ang kaganapang nangyari kahapon. Kung galing ang mama ko sa mundo ng mortal,ibig sabihin,mortal siya? Pero ang sabi ng mga nakakataas ay hindi nalusaw ang katawan ni mama at may potensiyal ito sa panggagamot. Hmmm.

Posibleng half mortal,half lunaphile si Mama. Kuryosidad ang umaatake sa akin kung ano ba talaga ang past life nila. Sa tingin ko,nandun ang sagot sa mga bago kong katanungan.hayst.

Habang patagal ng patagal,mas nalilito na ako sa nangyayari. Ang sabi nila,'He' ang kalaban which means,lalaki ito. Pero bakit babae ang naencounter ko? Hindi lang siya iisa,marami sila.

At yung ginagamit niyang shuriken. I must ask Mama on that thing. May gusto akong malaman. Ngunit baka busy siya? Napabuntong hininga na lang ako sa naiisip

Hindi kasalanan ng mama ko kung bakit siya napunta dito. Kailangan kong linisin ang pangalan niya. That sucks Councilor Amber,kung hindi lang parte ng council ay malamang Ice statue na siya kahapon pa. Nakakabanas,hayst

"Devon,hindi ka ba sasama?" nabalik ako sa reyalidad ng may tumapik sa balikat ko. Lumingon ako at si Emerald na naka floral dress pa. Ganun din ang mga tatlo kong kasamahan. Kinunutan ko siya ng noo

"Saan kayo pupunta?" malumanay kong tanong

"Sa baba. Sa Moon Market kung saan gaganapin ang festival. I heard may parade daw mamaya" aniya at ngumiti pa sa akin. Bumuntong hininga ako at umiling.

"Kayo nalang. I rather read books" sagot ko at pumunta sa sariling kama at humiga.

"Stress ka na naman. Subukan mo kayang mag lakwatsa nang maaliw ka din" suhestiyon ni Savannah na nag memake up. Iwinagayway ko lang ang kamay ko na wala talaga akong balak sumama.

"Girls,alam niyo na ang gagawin"
Rinig kong sambit ni Courtney. Yung tono niya parang may binabalak na hindi ko magugustuhan.


~ ~ ~ ~ ~ ~


Maingay,mausok dahil sa mga streetfoods,maraming mga vendors na sinasuggest ang kanilang mga iba't ibang paninda sa mga kapwa estudyante. Maraming banderitas ang nakasabit at maraming Lunaphiles ang nandito. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ang saya dito,di'ba? Kaysa naman magmukmok ka sa dorm natin" aniya Savannah na inirapan ko lang at bumuntong hininga.

"I hate crowded places and noises. Uuwi na ako" bagot kong sambit ngunit hinawakan nila ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Sayang yang outfit mo kung uuwi ka lang. Have some fun,too,Devon. Ang kJ mo naman" nginiwian ko si Courtney sa sinabi niya.

Nandito kami sa Moon Market at oo,sapilitan akong binihisan ng blue dress above the knee. Mukha siyang sando sa taas kaya't pinatungan ko ng blue blazer suot ang 6 inches na blue sandal. Tae,ganun din kase ang sandal nila kaya ang tatangkad namin. Grabe Kung makapeke sa tangkad. Tapos hila hila pa nila ako sa kung saan kaya minsan natatapilok. Ang sakit nga ng paa ko eh. Ang dami nilang pinuntahan na hila hila lang ako. Damitan,photo booth,kainan,couple necklace at kung anu ano pa.

Tuwang tuwa pa nga sila kanina sa parada,parang mga bata. Pinarada lang naman yung mga Gods and Goddesses.

Kain sila ng kain habang ako ay pass lang din ng pass. Wala akong gana sa ganitong lugar. Maghahapon na ng umuwi kami. Pagod na pagod sila at busog na. Gusto na daw matulog. Habang ako ay hindi pa rin mapakali. It's like,someone's watching us far away kanina sa baba kaya hindi ko magawang mag enjoy.

And Savannah's missing. Hindi naman napansin ng tatlo dahil sa kapagudan. Tumayo ako at tinali muli ng maayos ang buhok ko saka tinanggal ang salamin.

Hindi ko na pinalitan ang damit at sandal ko. I must find Savannah. Baka kung anong mangyari sakaniya.

Pinindot ko ang button 1 ng elevator at sumandal muna.

Kaninang pagbaba namin sa karwahe dito sa taas ay naglakad kami papuntang dorm at pagkapasok namin,kaniya kaniya kaming punta sa kama,pero walang Savannah.

Buo pa kami sa loob ng karwahe kanina ah,di kaya pagbaba namin ng karwahe ay pasimple itong umiba ng direksiyon? Pero saan ito pupunta? Ngayong mag gagabi na? Hmmm.

Kanina ko rin napansin na pawala wala siya sa Moon Market at susulpot nalang bigla sa tabi ko. There's something with Savannah,hmm.

*Ting!

Agad akong lumabas ng elevator at patakbong lumabas sa building. Inilibot ng paningin ko ang paligid ngunit walang nakakalat na kahit anong nilalang. Mukhang nasa Moon Market pa ang iba.

Napagpasyahan kong bumalik sa parking lot ng mga karwahe dahil dun ang huling tagpuan namin. Naging alerto ako at pinakiramdaman ang paligid. I even put off my shoes dahil sagabal at maingay sa paglalakad. Walang issue sa akin ang walang sapin sa paa. Hindi naman ako maarte,psh.

Isa isa kong tiningnan ang bawat pagitan ng mga karwahe. Medyo marami ang nakaparada kaya mahirap Maghanap. Lalo na kung nagtatago pala siya.

I felt relief nang makita ang isang anino sa kalayuan. It must be Savannah. Tumakbo ako patungo dun at tama nga ako dahil siya iyon. Pero napatigil nang makitang hindi pala siya nag-iisa. May kasama itong isa pang babae-at mukhang royalty pa dahil naaninag ko ang korona nito. Hindi ko lang makita ang mukha dahil hinaharangan ito ni Savannah.

Napabuntong hininga ako. Why am I meddling with her life? Hindi ko naman siya kaibigan at hindi dapat. Pumikit ako ng mariin at tumalikod saka nagsimulang maglakad at kalauna'y nagteleport sa dorm namin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinarado iyun. Tiningnan ko pa ang mga kasamahan kong natutulog saka malalim na bumuntong hininga.

I shouldn't get attach closely with them. Na trauma na ako sa pagkakaroon ng kaibigan at ayoko nang maranasan ang sakit na narasanan ko dati. Or I'll be useless and worthless again. Hayst..

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora