ANG NAWAWALANG KABANATA

301 18 3
                                    

Lakan Lamitan pov

Mahal ko siya ngunit mas mahal ko ang aking bayan. Hindi ko kaya makita na mawala at masira ang bayan dahil sa aking  pagiging makasarili.

Sapagkat handa ako ibuwis ang aking buhay para sa bayan at handa ko ialay ang aking buhay sa ano man uri ng aspeto alang-alang sa bayan.

“Pinatawag ko kayo upang lihim na mag-pulong at pag-usapan ang aking pagbaba sa pwesto at ang pagpalit ng aking panganay na anak bilang inyong lakan,"  anunsiyo ni Ama.

Kung aking nakakatandang kapatid ang nais niya na mamuno ay bakit niya ako pinatawag kasama ang mga agorang at konseho? Hindi ba dapat si Bagoho ang narito ngayon?

“Ginagalang namin ang iyong pasya ngunit hindi lingid sa amin kaalaman ang mga kalokohan na kanyang ginawa at ang minsan niyang pagtaksil sa bayan noong labanan sa pagitan natin at ng karatig na kaharian “. Wika ng pinuno ng mga agorang.

“  Ito’y aking batid at kaya nais ko ang aking panganay na anak sa aking unang asawa ang papalit sa aking pwesto bilang lakan “.

Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa sa narinig ko mula kay Ama.  Mahal ko ang aking bayan ngunit kahit kailan hindi sumagi sa aking isipan ang maging isang lakan.   Ang nais ko lamang ay gumawa ng isang normal na pamilya kasama ang aking mahal, si Agni.

“ Ngunit Ama, tiyak na ikakasama ng loob ni Bagoho ang iyong naging pasya. Ako’y naging saksi kung paano niya ipinaglaban ang ating bayan at kung paano siya naging mabuti ng anak sa inyo.  Anak man siya sa labas kailangan mo maging patas. Siya ang mas karapat-dapat sa trono “.

Nagkasala man siya sa bayan kailangan parin siya bigyan ng pagkakataon upang patunayan muli ang kanyang sarili. 

Kahit gaano pa kasama ang isang tao, may karapatan parin ito magkaroon ng isang pagkakataon upang magbago.

“ Hangal! Ipapahamak lamang ng iyong mga kapatid lalo na si Bagoho ang bayan . Ikaw lamang ang nag-iisa ko na anak na wagas at puro ang pagmamahal sa bayan. Kung hindi kakikilos tiyak na mawawasak ang kaharian na binuo ng ating lahi. Mamili ka ang bayan o ang sarili?! “ ngayon ko lamang nakita si Ama na nagalit sa akin.

“ Lamitan, alam ng buong konseho ang binabalak mo na pag-iisang dibdib sa iyong kasintahan ngunit alalahanin mo ang mga tao na masasaktan at mga buhay na maaring mawasak sa kapabayaan mo. Konsensiya mo na lamang ang hahabol sa iyo kapag nagkataon “.  May lungkot na sabi ng pinuno ng konseho.

Alam ko ang kayang gawin ni Bagoho sa bayan ngunit paano naman ang aking sarili kasiyahan? Kailangan ba ako lagi ang mag sakripisyo para sa bayan?

“ Nawa’y pag-isipan mo ang ating napag-usapan. Tandaan mo na ang bayan ang mas mahalaga sa lahat. Huwag ka maging makasarili. Ang tunay na pag-ibig hindi lamang hahamakin ang lahat kung hindi handa ito magbigay ng magandang bunga para sa kabutihan ng lahat. Sinasabi ko sa iyo, kung nais mo maprotektahan ang iyong minamahal ika’y maging makapangyarihan. “ Sabi ni Ama bago niya kami talikuran.

Kung sakali man na ako’y maging isang lakan ay hindi ko mapapabayaan at kailangan isakripisyo ang aming pagmamahalan ni Agni.

“ Bagani, Lamitan, kailangan kayo ngayon ng ating mga kawal “ hinihingal na sabi ng tagapag-salita ni Ama.

“ Maari ko ba malaman kung bakit? “

“ Sugatan ngayon si Bagani Bagoho at ang iyong mga kapatid. Wala na namumuno sa labanan kaya kailangan kayo pumunta doon at tulungan ang ating mga natitirang kawal “ wika niya.

Hindi na ako nag-abala na mag dalawang-isip. Umalis na ako at pumunta sa labanan. Nasugpo namin ang mga kalaban ngunit nasakop nila ang silangan ng kaharian. Dahil sa dami ng tauhan na nalagas wala kami lakas upang bawiin ang aming pag-aari.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now