Kabanata 28

201 18 3
                                    

Wala ako ideya sa mga susunod na mangyayari ngunit handa ko harapin ang bukas na may tapang at paninindigan. Ayaw ko sayangin ang pagkakataon na magmahal at mahalin. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang kasiyahan ko o ang aming pag-iibigan, pero handa ako sumubok at sumugal sa walang hanggan.

Hindi ko alam kung nanaisin ko parin ba maging si Hannah o kalimutan na lamang na minsan nabuhay ako bilang si Hannah. Dati, humihinga ako pero hindi nabubuhay. Yung tipong nabubuhay na lamang ako para hintayin ang aking kamatayan pero nang dumating ako sa henerasyong ito, nakita ko ang kahalagahan ng buhay at masaya pala mabuhay kahit gaano man kadilim ang iyong nakalipas at kasakit ang iyong mga pinagdaanan at pinagdadaanan na pagsubok. It's always worth to live . No matter how wrecked we are today, as the process of healing goes on, day will come and we'll see the light that may lead us out of this dark tunnel. Life is not easy . But making our life colorful in the midst of pain is something that we can be proud of.

Oo, hindi madali ang mabuhay at hindi madali makakita ng liwanag sa gitna ng kadiliman ngunit kailangan natin mag patuloy sa buhay at huwag sumuko hanggang makakakita tayo muli ng dahilan para lumaban at sumaya.

At sa hinaba-haba ng aking paglalakbay at sa dami ng sakit na aking pinagdaanan ay dito ko lang pala makikita ang tunay na kaligayahan... at siya ang aking kaligayahan.

" Naguguluhan ako " Saad niya.

" Mali ang akin naging pasya. Alam ko na nasaktan kita at maari na hindi mo na ako tanggapin sa iyong buhay ngunit ako'y napagtanto ko na mahal kita at ikaw lamang. Hindi totoo na nagka-balikan kami ni Panganuron, ginawa ko lamang iyon upang umalis ka at iwan ako. Hindi ako karapat-dapat sa iyo sapagkat maaring maging hadlang ang ating pag-iibigan sa bayan. " naka-yuko kong sabi.

But looking at stars, makes me wonder too... after all the pain I caused to him, how can I tell to myself that I deserve him back?

" Hindi ang bayan ang magdiikta kung sino ang aking mamahalin at hindi ikaw ang magsasabi kung sino at hindi ang karapat-dapat sa akin. Ako Mayari, ako ang magdidikta kung sino ang aking mamahalin at ako ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat sa akin. At bakit hindi kita tatanggapin? Kung simula noong una pa lamang, ikaw na ang aking minahal at sa iyong ningning ako'y nahumaling ng tunay" nakita ko ang luha na dumaloy sa kanyang mukha.

Nangako ako na hindi ko siya sasaktan kapag naging akin siya ngunit hindi ko namamalayan noong naging akin na ang aking hinihiling ay hindi ko na namamalayan ay nasasaktan ko na pala siya.

Ganun naman talaga tayo, kapag nasa atin na ang ating hinihiling ay madalas binabalewala na natin.

At makikita na lamang natin ang halaga ng isang bagay o tao kapag wala na ito sa atin.

Pain, but this is the ironic of life.

" Alam ko kaya humuhingi ako ng tawad sapagkat sumuko agad ako sa atin. Bumitaw ako at sumuko. Paumanhin, kung hindi ako lumaban at kung naging duwag ako. Nais ko na malaman mo na pinag-sisisihan ko na ang aking nagawang kasalanan. Napagtanto ko na mahal parin kita at ikaw lamang." At hindi ko na kaya magmahal ng iba kung hindi lamang ikaw.

Kahit sa kabilang buhay, hindi ako magmamahal kung hindi ikaw... ang lalaking itatadhana sa akin.

" Natatakot ako na baka kapag may dumaan na mas malaking malaking pagsubok ay kisap mata mo akong iwan. Sawa na ako masaktan, pagod na akong iwan at hindi ko alam kung kaya ko pa na pakawalan ka kung sakali. Handa ako sa iyo bumalik ngunit hindi ko maipapangako na handa ako pakawalan ka ulit. Dahil kapag naging tayo, hindi ng-hindi na kita papakawalan at sisiguraduhin ko na hindi ka na makakawala ". Seryoso niyang sabi.

Handa na ako harapin ang bawat pagsubok na kasama siya.

Bawat sakit, hirap at Saya sabay namin ito haharapin.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now