Kabanata 15

207 22 5
                                    

Hindi ko alam kung saan ang aking destinasyon ngunit alam ko na malapit na ako sa aking patutunguhan.

"Humawak ka sa akin ng mahigpit" utos ni Isagani babe. Kahit ayaw ko man na sumabay sa kanya ay wala na ako nagawa. Masyado delikado para magmatigas pa ako.

Dahil masyado pa ako napahiya sa katangahang ginawa ko I try to distance myself from him.

"Humawak ka sa akin ng sa ganun ay hindi ka mahulog" may bahid ng kaunting iritasyon sa kanyang boses.

Hindi na ako nagpakipot pa at yumakap na ako sa kanyang beywang. Nakakatakot din pala ang pagsakay sa kabayo.

Don't worry, mahal. Hihigpitan ko ang hawak ko sa iyo hanggang sa maging akin ka.

Chour.

"Malapit na tayo sa kaharian" pagbibigay alam ng kawal.

Dahil sa nangyari sa amin nagpasya ang prinsipe na umuwi kami na may mga kasabay na kawal.

"Halika na kayo" Saad ni Ina ng makarating kami sa aming bahay.

"Maraming salamat, prinsipe. Malaki ang iyong naitulong sa aming ligtas na pag-uwi" sabay yuko ni Ama bilang tanda ng pasasalamat at pagrespeto.

"Walang anuman. Responsibiladad ko ito bilang inyong prinsipe na kayo'y pangalagaan at ang inyong kaligtasan"

Tse! I thought I'm special.

Medj napahiya ako dun.

"Mayari..." narinig ko ang boses ni Isagani bago ako pumasok sa bahay.

Yes, Mahal?

"Bakit?" I coldly ask.

Tampopot pa ako.

"Nais ko tuparin ang aking pangako" seryoso niyang sabi.

Anong pangako?

"Huh?" sa dami ng nangyari hindi ko na maalala ang kanyang mga pinangko sa akin. At kung meron man Alayos lang kahit hindi niya tuparin. I'm used of promises that meant to broken.

"Ang aking pangako na dadalhin kita sa kaharian at ipapasyal sa sentro ng kalakalan" looking in his eyes, alam ko na siya yung tipo ng lalaki na hindi marunong sumira ng kanyang mga pangako.

The man full of his words and a man full of principles.

Mas naiinis ako sa sarili ko. Alam ko na hindi sya pa fall pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Siya ang unang lalaki na tumupad ng pangako sa akin.

Tell me kung paano ako hindi mahuhulog sa lalaking lagi nasa tabi ko?

"Ikaw ang bahala" pag wawalang bahala ko.

"Kailangan ko ng iyong permisyon"

"S-Sige" aghhhh! Nauutal pa talaga ako? Seriously, Hannah?!

"Kung ganun, ipag-papaalam kita sa iyong Ama at Ina" may galang niyang sabi.

Magalang naman siya at mapagkakatiwalaan.

"Kung ika'y napipilitan lamang na ako'y samahan at tuparin ang iyong pangako.... Huwag mo na lamang gawin" I hate when I force people to fulfill their promises . I hate when someone stay in my side due of pity.

"Napipilitan ka ba?" pangbabara niya sa akin.

"Huh?" hakdog

"Kung napipilitan ka lamang na samahan ako at pumayag na tuparin ko ang aking pangako.... Huwag na lamang. Batid ko ang bawat pag-iwas mo at batid ko rin na ayaw mo ako makasama. Paumanhin, kung ika'y napipilitan na ako'y pag-aksayahan ng iyong oras" nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang