Kabanata 17

193 24 3
                                    


I think when we first fall in love, there's really no turning back. After we become aware of the feeling, we continue to fall in love for the rest of our lives. No matter who it may be, no matter how bad they are and no matter how painful the life they're going through, it just open us up. It changes us so profoundly that we will never be the same person once we fall in love. We never really go back to our old selves once we feel it. We have different idea of love. And some of us, after falling in love they are being wrecked and evil because of fake love, fake promises and fake seasons. But we should always remember that the true love help us grow. And once we fall in love it means we are ready to experience the painful sunset.

"Ayos ba tayo?" kasalukuyan kaming naglalakbay pauwi sa amin. At kanina pa nya ako hindi kinikibo.

Naiinis ako dahil simula ng makita nya ang liham ni Panganuron ay kanina pa siya naka-simangot at naka-salubong ang mga kilay.

"Oo naman" Amf?! Hindi man lang ako tiningnan.

"Galit ka ba sa akin?" hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para magalit sya.

"Wala akong rason upang magalit sa iyo" oo naman nga. Wala naman kasi ako ginawa para magalit siya.

"Bakit ang cold mo?" I bluntly ask him.

"Cold?" mas naguguluhan niyang tanong.

"Yang pakikitungo mo sa akin" ang hirap naman magtampo ng isang ninuno hindi ko alam kung paano susuyuin.

Wala pa GOOGLE!

"Nawa'y nagalak ka sa ating naging lakad ngayon" may bahid ng sakit sa kanyang mga mata.... Ngunit para saan?

"Masaya ka ba sa ating lakad?" hold on yourself, Hannah.

"Isa ito sa mga alaala na patuloy ko babalikan hanggang sa ako'y tumanda" mahinang sabi niya sa likod ko ngunit sapat na iyon upang marinig ko.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Paano kung isang araw ang tala na iyong minamahal ay mahulog sa ibang ginoo. Handa mo parin ba siya mahalin kahit masakit na?" ayaw ko tumingin sa kanyang mata dahil ako na mismo ang nasasaktan para sa kanya.

"Siya ang sakit na nais kung balik-balikan at pag-ibig na nais ko sugalan" kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal na hindi basta-basta mawawala.

"Kung sakali man na hindi ka mahalin pabalik ng iyong bituin nais ko malaman mo na may isang bituin na mahina man ang ningning ngunit ika'y minamahal ng tunay at wagas" at ako ang bituin na iyon. I may not perfect as her but I want to leave a mark on you before my shine vanished.

"Kung sino man ang tala na iyon ay nais ko malaman niya na maaring hindi man kami ang para sa isat-isa sa panahong ito paniguradong hahanapin ko siya sa susunod na buhay at doon ko siya wagas at puro mamahalin" at handa ako maghintay ng susunod na buhay para iyong mahalin.

"Kung ganun tiyak na siya'y maghihintay ng susunod na buhay para maging ganap ang iyong pag-iibigan" sabay ngiti ko sa kanya. At sa pagkakataong ito tunay na ang ngiting iyon.

Nagtataka ako ng biglang sumalubong ulit ang kanyang mga kilay ng sumulyap siya sa liham na binigay sa akin ni Panganuron.

"Bakit? May problema ba?" hindi ko na mapigilam ang sarili ko na tanungin siya.

"Babasahin mo ba ang liham na iyan?" sabay turo sa liham na hawak ko.

"Walang saysay kung basahin ko ito kasi eh.... Nakalimutan ko kung paano bumasa ng baybayin" Sabay hawak ko sa aking noo.

Nakakahiya! Tse! Dapat kasi nagpaturo ako kay Drea kung paano magsulat at magbasa ng baybayin.

"N-Nakalimutan" bakas sa itsura niya ang gulat. "Naalala ko na nawala nga ang iyong mga alaala kaya't tiyak na nahihirapan ka sa mga nangyayari at pinagdadaanan mo" at sa pagkakataong ito pagaalala na ang nakikita ko sa kanyang mukha.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now