Kabanata 23

178 19 11
                                    

Some pain will take time to heal but some will leave a scars to your beautiful soul before it heal.

May mga sakit na mahirap kalimutan, mahirap gamutin at mahirap iwan ngunit hindi mo kailangan madaliin ang pag-hilom ng bawat sakit sapagkat kapag minadali mo ito maaring mag-iwan ito ng marka sa iyong pagkatao. Dumaan ka sa tamang proseso upang ang bawat sakit na iyong nadarama ay maghilom ng tuluyan. At batid ko na may bagong umaga na darating sa iyo na walang sakit at pangamba.

Panahon na upang itiklop ang kabanata na puno ng pagdurusa at pighati sapagkat ito na ang panahon upang simulan ang bagong kabanata na may bagong pag-asa at kasiyahan, hindi man ito magiging madalas ngunit hayaan mo tulungan ka ng mga taong tunay na nagmamahal sa iyo.

"Pumasok ka muna sa loob, mahal na prinsipe" halos hindi na malaman ni Ina ang kanyang gagawin.

"Kumalma ka lamang." natatawang sabi ni Ama kay Ina.

Halos hindi ako makahinga ng maluwag dahil katabi ko si Agni na wala man lang pinapakitang emosyon. Samantala si Kuya Lumad ay kanina pa madilim na pinagmamasdan si Isagani.

"Pumasok ka muna sa loob ng bahay" sambit ni Agni bago pumasok ng bahay.

Nagulat ako sa inasal niya. Owimji, baka naman pinapayagan na niya ako!

"Halika na mahal na prinsipe, at baka sabihin ng mga tao na hindi ka namin tinatrato ng mabuti" si Kuya Lumad.

Ang higpit naman niya!

"Kuya" pag-pipigil ko sa kanya.

Hindi nagtagal ay pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay.

Alam ko hindi magiging madali ang aming magiging relasyon ni Isagani ngunit ako'y umaasa na tutulungan ako ng aking pamilya.

"Ayaw kita para kay Mayari" bungad ni Agni.

Tiningnan ko si Agni na puno ng panghihinayang. Akala ko ba ay papayag na siya?

Less pain? Don't expect too much from people.

"Hayaan mo patunayan ko ang aking sarili hindi lamang kay Mayari kung hindi sa inyo rin" bakas sa boses nito ang determinasyon.

"Ayaw ko masaktan siya" may diin sa boses ni Agni.

Magkatabi kami sa kahit na upuan ni Agni samantala nasa harapan namin si Isagani na katabi niya ay si Kuya.

"Hindi ko maiipangako na hindi siya masasaktan sa amin relasyon ngunit kaya ko mangako na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya hindi lamang siya masaktan." kapag ka nagmahal kaakibat nito ang sakit. Hindi natin maiiwasan ang masaktan ngunit maiiwasan natin ang madurog at mawasak.

" Ayaw ko masaktan si Mayari " ulit niya.

Maaring takot lamang siya sa maari sa akin mangyari kapag ako nahulog at nagmahal sa isang tagapag-mana. Baka tulad ng Hari piliin niya ang kanyang bayan kaysa sa babae na tunay sa kanya nagmamahal. Ngunit ako'y naniniwala na kung tunay man minahal ng Hari ang babaeng ito ay ipinaglaban.

Ngunit paano ka makakatulog ng mahimbing sa gabi kung iyong batid na maaring mawasak ang bayan na sa iyo ibinigay at ipinagkatiwala ng iyong ninuno....

"Unawain mo sana si Agni. Alam natin lahat na kung dumating ang araw na kailangan mo pumili kay Mayari at sa Bayan, batid namin na ang bayan ang iyong pipiliin. Nais lamang namin masiguro ang kaligtasan ni Mayari kapag siya ay iyong iniwan. Ayaw namin makita siyang nasasaktan sa iyong natatamis na salita, mga pangakong hindi matutupad at sa tamang pag-ibig sa maling panahon " seryosong sabi ni Kuya lumad habang madilim ang paningin sa prinsipe.

Naiintindihan ko ang aking pamilya. Sa sakit na pinagdaanan ni Agni maaring naging protective na sila sa akin. Ayaw nila makita ako na maging tulad ni Agni.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now