Kabanata 27

173 15 5
                                    

Alam ko na nasasaktan ko si Isagani ngunit balang-araw malilimutan niya din ako at makakahanap din siya ng mas deserving na babae. Yung karapat-dapat sa bawat sakit, ligaya at luha niya. Isang babae na hindi siya iiwan at sasaktan tulad ng ginawa ko sa kanya ngayon. At kapag nangyari ang bagay na iyon ay malugod ko ito tatanggapin kahit masakit. Ayaw ko maging tulad ni Agni na nabuhay sa sakit at maging bitter. Ako ang bumitaw, kaya magiging masaya ako sa oras na makita niya ang babae na iibigin siya habang-buhay.

Masaya siguro kapag nahanap natin ang lalaki na mamahalin tayo sa kagipitan at makakasama natin sa bawat laban ng buhay, yung tipong hindi ka iiwan at ipaglalaban ka ngunit kahit nais man natin sila makasama kailangan natin tanggapin na ang buhay ay malayo sa mga fairytale na ating nakagisnan ng tayo ay mga musmos pa lamang. Mas madami ang sakit kaysa sa ligaya at mas maraming dahilan upang sumuko kaysa sa lumaban.

Tragic, right? But we need to accept the fact. Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makikisama ang tadhana sa ating mga plano.

Malayo ang mga bituin para marinig ang ating pangarap at hiling.

"Saan ka ba galing? Nag-alala kami sa'yo. Bakit ka umalis ng hindi nagpapa-alam?" bungad ni Agni ng pumasok ako sa amin Tahanan.

Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Consorsia at ni Lola.

Sa loob ng isang araw madaming nagbago sa buhay ko. Hindi ko inaakala na ganito pala kabilis magbago ang buhay.

" Nagpahangin lang". Mahina ko na usal.

Kunot ang kanilang mga noo. Gusto ko saktan ang aking sarili dahil ang sakit-sakit pero gusto ko din yakapin si Agni at sabihin sa kanya kung gaano kasakit ng lahat. Panigurado na mas masakit pa ang kanyang pinagdaanan at wala man lang nasa tabi niya noong mga oras na iyon.

"Hinanap ka ng iyong Ama at kapatid. Sana nagpa-alam ka." Siguro naninibago parin si Lola kaya hindi niya namalayan ang kanyang sinabi.

"Paumanhin." sabay yuko ko.

Pagod na ako. Nakakapagod. At sa Sobrang pagod ko kahit bakas ng emosyon ay wala sa akin makita.

Sinuri ako ng mabuti ni Agni.

"Mag-pahinga ka muna sa iyong silid sapagkat may pag-uusapan tayo mamaya. Kailangan mo muna kumuha ng lakas para maka-usap ka namin ng masinsinan." saad ni Agni.

"Sa susunod huwag mo iyon uulitin." mahinhin na sabi ni Lola.

Tumango na lamang ako at pumasok na sa aking silid.

Ang dami nangyari sa araw na ito. Kung ang totoong Mayari kaya ang nasa katayuan ko ano kaya ang gagawin niya? Magugulat ba siya sa nalaman niya na Ina niya pala si Agni? Mamahalin niya rin ba si Isagani tulad ng pagmamahal ko? Ganun niya ba talaga ka mahal si Panganuron para kitilin ang sarili niyang buhay? Well, kamahal-mahal naman talaga si Panganuron.

Ang sakit ng buong ulo ko kaya madali ako nakatulog. At nagising na lamang ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Sa tagal ng panahon ko nabubuhay sa dilim, hindi ko inaakala na ganito pala kaganda ang liwanag at ang araw.

I spent so long in the darkness that I almost forgotten how beautiful the sun is.

Kahit masakit ay bumangon na ako. Nakita ko ang aking pamilya na kumpleto kumakain.

"Kumain ka muna" wika ni Inang Agni habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking kainan.

Magkasalubong ang mga kilay ni Kuya Lumad kaya nagtaka ako kung bakit. Si Ama naman at halata na may sasabihin ngunit mas pinipili niya ang manahimik.

Ang weird?

"Huwag ka na tumulong sa pagliligpit, Mayari." saway sa akin ni Lola.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now