Kabanata 16

210 22 19
                                    

Ang weird ng hari. The way he look at me... Parang marami siyang emosyon na gusto sabihin at iparating.

"Magandang Umaga, Prinsipe" bati namin sa kakarating na prinsipe.

"Magandang Umaga" Sabi niya ngunit sa akin nakatingin.

"Maghanda ng salo-salo" utos ng hari.

"Maiiwan ko na kayo sapagkat may pag-usapan pa kami ng konseho. Ipinagkakatiwala ko na sa inyong kamay ang aking dilag... Mahal na prinsipe". Sabay yuko ni ama.

Bakas sa mukha ni Kuya ang pagtutol pero wala din siya nagawa sa huli. Sumunod na lamang siya kay Ama patungo sa isang silid sa palasyo.

"Bibigyan ko kayo ni pribelehiyo upang mag-usap. Mayari, ituring mo bahay ang palasyo" may kakaibang emosyon ang nasa kanyang mga mata na hindi ko kayang bigyan ng pangalan. O ayaw ko lamang bigyan ng pangalan.

"Maraming salamat, lakan" kahit ama niya gan'to parin ang tawag niya sa kanya. Makikita mo ang sobrang laki ang respeto niya sa kanyang ama.

"Walang anuman. Ingatan mo siya sapagkat ako ang kikitil ng iyong buhay oras na may mangyari sa kanya na masama". Pagbabanta ni Lakan Lamitan kay Isagani.

"Hindi niyo na kailangan ako'y sabihin sapagkat alam ko na ang aking gagawin. Iingatan ko siya sa abot ng aking buhay" may diin sa bawat salita niya.

"Ikaw na ang bahala sa kanya. Mauuna na ako sa inyo" at umalis na siya.

May kakaiba sa kanyang pakikitungo sa akin. Alam ko may iba sa kanyang emosyon.

"Halika na at ipapasyal na kita" nauna na siya sa paglalakad.

"Kumain ka na ba?" binagalan niya ang kanyang lakad habang nagtatanong.

"Oo" mahina kung sagot. Magkasabay na kami naglalakad ngayon.

"Nakapag-pahinga ka ba kahapon?" he whispered.

"Oum" takte, hindi ko alam kung paano sumagot na hindi kinakabahan.

"Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao kapag hindi mo pa nakikita at nararanasan ang sakit at pighati na kasama siya." parang may hapdi siyang nararamdaman na hindi mabigkas.

"Alam ko" dahil ikaw ang nagturo sa akin na hindi lagi saya ang pagmamahal.

"Ngunit kailangan ba talaga masaktan sa bawat pag-ibig" tanong ko.

"Hindi ka tunay na nagmamahal kung ika'y hindi nasasaktan at hindi ka tunay na nagmahal kung hindi ka natuto magsakripisyo" nakita kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya.

"Kailangan ba talaga masaktan at magsakripisyo para lamang mapatunayan na tayo'y nagmahal ng wagas at puro?" well, Siguro parte na ng pagmamahal ang sakit. Dahil sa bawat sakit doon lamang tayo natuto maging malakas at matapang.

Na umibig ng tunay at wagas pagkatapos ng pighati.

If you love the rainbow after pain, why don't you fall in love after pain.

"Dahil ang pag-ibig ay hindi lamang puro saya at pagmamahal. Sa bawat pag-ibig kailangan mo maranasan ang pagdurusa at pighati habang ika'y nagmamahal. Sapagkat doon mo lamang mapapatunayan na nagmahal ka ng tunay kapag nanatili ka sa tabi ng iyong iniirog habang kayo'y nasasaktan" nasaktan na ba siya?

Napakalawak ng kanyang isip sa larangan ng pag-ibig.

"Bakit? Nagmahal ka na ba?" hindi ko alam pero kinakabahan ako habang hinihintay ang sagot niya.

Nakakainis lamang dahil may isang Binibini na handa saktan ang isang ginoo na marunong magmahal ng tunay at wagas sa mundong puno ng kasinungalingan. Isang ginoo na handa ka piliin sa bawat laban.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now