Kabanata 29

199 18 9
                                    

Babala!!!
Spg- ang kabantang ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa. Naglalaman ito ng sekswal na maaring makasira sa inyong murang isipan.

  ***

Hindi natin masasabi na mali ang isang pag-ibig kung may natutunan tayong aral mula dito. Dahil sa sakit na ito ay natuto tayong maging mas malakas at matapang. Dahil sa sakit na ito mas nakilala natin ang ating sarili at nagagawa natin ang mga bagay na akala natin ay hindi natin kayang gawin. Ang bawat sakit ay nag-uudyok sa atin para magbago at kung para sa kabutihan o ikakasama natin, ay desisyon natin iyon.

Hindi natin masisisi ang mga tao na naging masama dahil sa pag-ibig, naging biktima lamang sila ng maling pangako at ng malupit na tadhana.

Kailangan lamang natin tanggapin na may mga taong pinag-tagpo ngunit hindi itinadhana.

Nag-tagpo ang kanilang mundo upang bigyan ng kulay ang kanilang mundo at sila’y iwan upang matutunan nila na hindi sa lahat ng oras ay may darating na tao upang bigyan ng liwanag ang iyong mundo sa oras ng kadiliman. Minsan, kailalangan natin kulayan ang ating sariling mundo at matuto maging masaya… mag-isa.

Malayo ang katotohanan sa fairytale.

May darating talaga upang buuhin ang ating pagkatao ngunit aalis ng kisap mata, ngunit kahit gaano pa ito kasakit kailangan parin natin mag patuloy sa buhay at muli sanayin ang ating sarili sa yakap ng pag-iisa.

“ Hindi mo ba pupuntahan ang iyong kasintahan? “ tanong ni Agni.

Kasalukuyan kami ngayon nasa norte upang asikasuhin ang aming negosyo. Panahon na ng anihan.

“ Dito na muna ako sa iyong tabi” tapos na namin ihanda ang mga kakain ng mga magsasaka.

Kahapon ay natuto akong mag saka. Ngunit dahil sa kakulitan ni Isagani ay hindi ko na ayos ang aking ginagawa.

“ May relasyon ba si Lumad at Consorsia? “ tanong ni Inang Agni habang naka-tingin sa dalawa mula sa malayo.

Kahit sa malayo ay tanaw namin kung paano subuan ni Conrorsia si Kuya/ Tiyo. Pero halata sa mukha ni Kuya/Tiyo ang pag tutol sa kanyang mukha.

Kaka-iba ang dalawa na ito. Away bati at hindi mo mahahalata ang pagmamahalan. HAHAAHHHA.

Hindi man sila umamin nadarama namin na meron na talaga namamagitan sa kanila.

Ngunit kahit hindi nila aminin, halata naman ang pagmamahalan sa kanilang mga salita. May mga bagay na hindi na kailangan sabihin o ipagsigawan basta mahal mo at alam mo ang totoo ay sapat na ito upang ipagpatuloy ang iyong buhay o ang iyong ninanais.

“ Siguro, maaring kailangan lamang nila ng panahon at oras upang sabihin ang katotohanan.” Saad ko.

Mabuti naman na makuha din ni Consorsia ang kanyang minamahal. Kahit ano pa ang ating katayuan sa buhay lahat ay pantay pagdating sa pagmamahal,

“ Tingin ko kailangan na natin maghanda ng pinging, sigurado na hindi magtatagal ay yayayain na ni Lumad na sila'y mag-isang dibdib ng kanyang kasintahan “.  Matabang siya sa ngumiti habang nakatingin sa magkasintahan.

“ May pinag-sisisihan ka ba mula sa mga nangyari sa nakaraan? “ tanong ko sa kanya.

Nais ko dumating araw na malimutan na ni Agni ang sakit at matuto siyang hilumin ang bawat sugat mula sa nakalipas.

Hindi madali ang bawat pag-hilom ngunit hindi naman natin kailangan madiliin. Dahan-dahan lamang hanggang sa kusa humilom ang sugat.

“Wala. Lalo na kapag nakikita kita na masaya sa pililing ng prinsipe. Pagkatapos ng lahat na sakit na aking pinagdaanan ay hindi ko inaakala na magiging ganito ako kasaya. Masaya na ako na makita ka masaya at masaya na ako na makita nagkaroroon ng magandang bunga lahat na sakit at paghihirap mula sa nakaraan. Ikaw ang pinaka-magandang pangyayari na nangyari sa aking buhay. Lahat gagawin ko para sa iyo. “ naluluha niyang sabi.

IN ANOTHER LIFE (UNDER EDITING ) Where stories live. Discover now