"Porn kayong dalawa ha!" Pang-aasar ng iba kaya agad akong lumayo kay Joaquin at kumuha ng tubig. Nauuhaw ako, ano ba!

"Halik lang pala ang makakapag-patalo kay boss eh." Sabi nila kaya agad ko silang sinamaan ng tingin pero nagtawanan lang sila.

"Pa'no ba 'yan mga dudes? Amina ang taya n'yo." Rinig kong sabi ni Marcus kaya napaharap ako sakanila ay nakita kong nag-abot sila ng susi ng sasakyan, tag-iisa isa kaya naman tatawa-tawa ang kambal ng makuha nila 'yon. Nag pustahan pa talaga sila ha?!

"Anak, here's the key." Sabi ni dad kaya sakan'ya ako napatingin at agad na sinalo ang susi na inihagis n'ya. Peste! Mandurugas talaga!

Inis kong ibinaba ang tubig na ininom ko at tsaka humarap sa mga kasama ko. Lahat sila ay nanunukso ang tingin kaya mabilis pa sa alas kwatro ko si Joaquin na sinamaan ng tingin. Akala n'ya ba pagkaganda-ganda ng katawan n'ya? Puro s'ya buto!

"Catch." Sabi ko at inihagis ang susi papunta sa gawi n'ya.

"You? Cause you're falling for me?" Sabi n'ya bago sinalo ang susi. Tangina ano daw?

"Uuuuuyyyy."

"Alam n'yo kayo? Napakagagaling n'yong dumakdak hindi n'yo naman ako mapatumba. I'll give you 15 minutes to take a damn shower and then go to my room, pronto!" Sigaw ko bago naglakad palabas. Mga letche! Eto namang Joaquin na 'to, pabibo!

Pumasok ako sa kwarto ko at tsaka nag labas ng isang pares ng swimwear at tsaka ako dumiretso sa cr.

Mabilis akong naligo at saka ako dumiretso sa kwarto ko. May daan kasi doon kung saan makakapasok ako sa mga walk in closet ko.

Nag suot ako ng itim na two-piece swimsuit at tsaka nag suot ng itim na cycling at jacket. Kumuha ako ng mask sa nadaanan kong walk in closet at pati na din at sunglasses at pang tali sa buhok.

Nag-lagay ako ng sunscreen bago lumabas. Naabutan ko silang hihingal-hingal at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok.

"Anong meron, boss?" Tanong ni Yuan. Napagmasdan ko ang mga suot nila, mga naka pantalon at kulang nalang ay mag suit na talaga sila. Tsk.

"Sure kayo ayan na ang isusuot n'yo?" Tanong ko sakanila habang pinasadahan sila ng tingin. Wala pa naman kasi silang clue kung saan kami pupunta kaya ganyan ang itsura nila.

"Bakit insan? Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko na 'yon pinansin at dinampot ko nalang ang tatlong telepono ko sa lamesa bago nag lakad sa bookcase.

Nang makarating kami sa secret room ay sabay-sabay kami nagsikuha ng baril. Naglakad ako ng hostler sa magkabilang hita ko at pati na din sa paa ko.

It's almost 4:30pm and we need to go now. Nag lagay ako ng dalawang handgun sa bulsa ng hoodie ko bago ako humarap sakanila. Lahat sila ay may mga hawak ng baril at may mga hostler na din, maging si dad kaya binuksan ko na ang case kung saan nandoon ang boton para mabuksan ang pinto sa mga sasakyan ko.

Kinuha ko ang susi ng Ford Transit ko at tsaka naunang maglakad papasok sa driver's seat.

"Ano pang inaantay n'yo d'yan? Pasko? Pumasok na kayo, walang makupad!" Sigaw ko kaya sabay-sabay silang napatakbo papasok. Nag suot ako ng seatbelt at binuksan ang makina.

Naisip ko na daanan namin sina Mrs. Lexington at ang bunsong kapatid ni Joaquin para naman makapagpahinga din sila.

Base sa impormasyon na ibinigay ng tauhan ko sa'kin ay walang tigil si Mrs. Lexington sa pag-aasikaso ng mga papeles at naiwang trabaho ni Ruix. Habang ang kapatid naman ni Joaquin na si Cale ay laging nakakulong sa kwarto, it's been a while since the last time that i talk to that kid.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now