Kinuha ko ang susi ng Ferrari ko bago inilabas ang pang-palit ko. Tinanggal ko ang jacket na suot ko at nagsuot lang ng sando, patong sa sports bra ko. Nagsuot din ako ng jogging pants bago itinali ang buhok ko at naglakad na papalabas. Nasaan kaya si dad?

Naglakad na ako papabalik sa training room at tsaka ko 'yon malakas na sinipa.

"I'll give you 5 minutes to take me down. Ang makakapag-patumba sa'kin, makukuha 'to." Sabi ko at iwinagay-way sa daliri ko ang susi. Kita ko naman na kumislap ang mga mata nila kaya napangisi ako.

"Woah teka, totoong tattoo ba 'yan insan?" Tanong ni Marcus bago lumapit at hinawakan ang likod ko. Nice, ang bilis ng mata n'ya.

Tumango ako kaya halata ang pagka-mangha sa mata ng dalawa pero yung mga bibe naman ang nakangisi lang. Magpapabibo nanaman 'tong mga 'to eh.

"Madaming tattoo si Bella, h'wag kayong palilinlang sa maamong mukha n'yan." Sabi ni Jester kaya sinamaang ko s'ya ng tingin. Epal.

"Talaga insan? Patingin pleaseeee." Sabi ni Marco. Tsk. Tumingin ako sa orasan ko at 3:10pm palang naman, may oras pa.

Binigyan ko ng dirty finger si Jester bago ibinulsa ang susi. "Ngayon ko lang ipapakita to kaya tumingin na kayo." Ngingisi-ngisng sabi ko.

Nagtanguan naman sila at maging ang tatlong bibe ay tumingin. Ang alam lang nilang tattoo ay ang sa likod at sa hita ko pero...madami pa talaga akong nakatagong tattoo.

Ibababa ko na sana ang sando ko pakanan pero biglang bumukas ang pinto ng training room kaya agad kong binunot ang baril ko sa bewang at itinutok 'yon doon.

"Woah! Wait anak ako lang 'to." Sabi ni dad habang nakataas ang kamay kaya ibinaba ko ang baril ko.

"Sorry dad. Reflex." Sabi ko kaya natawa s'ya.

"Pwede ko din bang makita 'yang mga tattoo mo anak? Napadaan kasi ako eh at narinig ko na ipapakita mo 'yang mga tattoo mo." Sabi n'ya ng nakangiti kaya tumango ako.

Agad akong tumalikod at idinulas ang sando at bra ko pakanan dahilan para lumantad ang tattoo ko sa likod.

"'Yan ang unang tattoo ko noong 15 years old ako. Yes, bata ako napasok sa ganitong...sitwasyon at naging si Majesty ako ng nagpatattoo na ako n'yan, officially. Palatandaan na ako si Majesty, ang nag-iisa." Sabi ko bago humarap.

Kita ko na tatango-tango sila kaya isinunod kong itinaas ko ang jogging pants ko hanggang sa hita.

"This is a skull with a bullet on it's forehead. Ala-ala ko noong una akong nakabaril sa ulo. I felt nauseous at first but i realized that i did it because he killed hundreds of my men."

Ibinaba ko 'yon at nakita kong nag taas ng kamay si Joaquin kaya tumingin ako sakan'ya.

"Ano?" Tanong ko.

"Hindi ka ba naguilty?"

"Hindi. Because i know that i did the right thing. Ikaw, hindi ka ba naguilty?" Tanong ko sakan'ya at nakita ko ang paglunok n'ya kaya napangisi ako. Clearly, hindi n'ya din alam kung bakit hindi s'ya nagi-guilty sa mga pag patay na ginawa n'ya, especially to his own father.

Umiling lang s'ya bago nanahimik kaya sunod na itinaas ko ay ang sando ko hanggang sa ilalim ng panloob ko.

"Butterflies. It symbol for rebirth and resurrection. You see, i almost died, countless times but I'm still here. Masamang damo daw kasi ako." Sabi ko kaya natawa sila. Agad akong napairap kasi pabor sila na sinabi ko.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now