Epilogue

77.7K 2.5K 490
                                    

Another story has ended. Thank you so much sa pagsama sa akin sa kuwento ni William at Kathy. It was a roller coaster of emotions. A bumpy ride not only for the two main characters but for the author herself and for the readers. Thank you everyone for the unending support. Congratulations to all of us. Another completed story unlocked!

See you the soonest on my next stories, Ruthless Slave and Sweet Obsession. Let's all keep bleeding!

Special mention to you Ate Kathy Jane Oliveros Lugo for letting me use your name. I hope this story inspires you and teach you to be always strong in everything. Always trust our Almighty God. Hinding-hindi Niya tayo pababayaan.

I love you, my dearest readers!💛

EPILOGUE

"MAMA, what happened po?" tanong ng anak habang sumisilip sa nakabukas na bintana ng bridal car niya.

Natatawang napakamot siya sa buhok. She's wearing a wedding gown right now. Pinagtitinginan na siya ng mga dumaraang sasakyan at maging mga tao sa paligid.

"Bigla na lang tumirik itong sasakyan, anak," natatawang tugon niya.

She didn't bring her phone to call her groom or anyone. Alam niyang naghihintay na ang lahat sa pagdating niya sa simbahan. Kanina pa silang naririto. Inaayos na ng driver ang bridal car pero mukhang matatagalan pa ito.

"Papa can wait naman po yata, mama," anang anak.

Mahina siyang natawa. She doubt it. Noong nakaraang araw pa itong atat na atat sa araw ng kasal nilang dalawa.

She can imagined William's face right now. Halos kalahating oras na siyang late. Ayaw din naman niyang sumakay ng taxi para makarating na doon sa simbahan. May cellphone ang driver niya but unfortunately, hindi niya alam ang numero ni William.

Mahina na lang siyang natawa. Gusto niyang kabahan ang mapapangasawa niya. Siguradong iniisip na nito ngayon na hindi siya sisipot sa kasal.

"Mama, come back here po. Mainit po diyan sa labas," anang anak niya.

Natatawang nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Hindi naman gaanong mainit, anak. Okay lang ako. Matatapos na rin siguro ang pag-aayos ng driver sa sasakyan. Let your papa wait for us," nakangiting sabi niya sa anak.

"Mama, for sure po papa is so kabado na right now. Isang araw din po kayong hindi nagkita ni papa dahil pinagbawal kayo ni lolo, hindi po ba?" humagikhik ito.

Natatawang kinurot niya ang tungki ng ilong ni Katie.

"Sumbong kita kay papa, ha? Pinagtatawanan mo siya," biro niya.

Muli itong humagikhik.

"I love you po, mama!" Malutong siyang hinalikan ng anak sa labi.

"Mahal din kita, anak," masuyong tugon niya.

"Papa is waiting and Wayne is with him. Your two men are waiting for you, mama. They are both waiting for us," masayang sabi ng anak niya.

Natatawang muli niya itong kinurot sa ilong. Sandali niya itong iniwan at tiningnan ang driver.

"Manong, ayos ka lang ba diyan?" tanong nito.

"Yes, Miss Kathy. Ayos na ayos po. Pasensya na sa aberya. Hindi ko na-check ng mabuti itong sasakyan. Sorry kung naging pabaya ako, Miss Kathy," hinging-paumanhin nito.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now