Chapter 6 (Blurred Memories)

46.3K 1.7K 194
                                    

CHAPTER 6

WILLIAM gently place Kathy's head on his chest when he saw her beside him after he woke up. Dahan-dahan lang siya dahil mahimbing pa rin itong natutulog. Nakakatawang isipin kung paano nitong magawang matulog pagkatapos ng kapusukan nilang dalawa kagabi.

Masyado siyang napapabilib ng babaeng ito. Sa lahat ng mga babaeng nakilala niya, si Kathy ang palaban. Wala yata sa bokubolaryo nito ang umatras. Ang apoy sa pagitan nilang dalawa ay mas lalong tumitindi, mas lalong lumalagablab.

Hindi niya napigilang pagmasdan ang mukha nito. Nawawala ang pagiging leon ng dalaga ngayong tulog na tulog ito. Isang misteryo ang babaeng ito sa paningin niya.

Abala siya sa mainit na tagpo nila kagabi pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga naghilom nang sugat sa likod nito. Napakarami nitong peklat sa likod at maging sa bandang dibdib ng dalaga.

Gusto niyang malaman ang dahilan kung paano at saan nakuha ng dalaga ang mga peklat na iyon. Muli ay binigyan na naman siya ng palaisipan. Napakarami niyang napapansin kay Kathy.

Nanatili siyang nakatitig sa dalaga. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito kasabay ng pag-alpas ng mahihinang daing.

Akmang gigisingin niya ito nang marinig niyang nagsalita ang dalaga habang nakapikit. She's...begging for help.

"Kathy..." Mahina niya itong niyugyog sa magkabilang balikat.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata at mabilis na lumayo sa kaniya na ikinabigla niya. Sumiksik ang dalaga sa gilid at may takot sa mga matang napayakap sa mga tuhod.

"Kathy..." mahinang tawag niya sa pangalan nito.

Gusto niyang lapitan ang dalaga. He didn't move when he noticed that she's in defensive mode. He saw how she trembled and cried. For the first time, he saw how vulnerable and weak she is right now.

"N-Nasaan tayo?" tila naguguluhang tanong nito.

Maging siya ay biglang naguluhan. It seems like Kathy's mind is somewhere else.

"Kathy, nasa—" natigilan siya nang lumapit ito sa kaniya at bigla na lang hinawakan ang mga kamay niya.

"B-Bangin...n-nahulog ako sa bangin. May humahabol sa'kin. Marami sila. Hindi nila ako titigilan. Iligtas mo ako. Iligtas mo ako. Pakiusap, itago mo ako. Itago mo ako!" Halos nagwawala na ito, sunod-sunod na napaluha.

There, he saw that so much pain in her eyes again. Her eyes that always seeking for help and comfort. This scene is...very familiar.

"Kathy..." Awtomatiko niya itong kinabig at dinala sa mga bisig niya, masuyong hinaplos ang nakalugay na nitong buhok.

Unti-unti ay tila kumalma ito. Sa isip niya ay nagmumura na siya. Alam niyang binabangungot ang dalaga pero ang mga lumabas mula sa bibig nito ay tumatak sa isip niya.

Nang maramdaman niyang kumilos ang dalaga ay mabilis niya itong pinigilan.

Just stay in my arms for a while and let me give you the comfort you want.

Gusto niyang isatinig ang nasa isip pero nanatili siyang walang imik. Inaasahan niyang magrereklamo ito, ipakita ang kagaspangan at maangas na ugali pero nagulat siya nang niyakap ng mga kamay nito ang katawan niya.

Mas lalo siyang nabigla nang mas lalo nitong sinubsob ang mukha sa dibdib niya na tila ba doon ito nakatagpo ng kakampi at sa dibdib niya ito naging komportable.

Napangiwi siya sa malakas na tibok ng puso niya. Nanatili nilang yakap ang isa't-isa. Hindi siya nagtangkang magtanong dahil alam niyang iyon ang gusto ng dalaga.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now