Chapter 23 (His Dinner)

41.3K 1.5K 178
                                    

CHAPTER 23

"WHAT? Nasa Tagaytay ka rin?" tanong niya habang pababa sa kotse niya.

Kasalakuyan niyang kausap sa cellphone ang nakakatandang kapatid.

"Yeah, I'm here." Awtomatiko siyang tumingin sa nagsalita.

Tumingin siya sa rest house at doon ay nakita niya si Kuya Warren.

"Kuya Warren," aniya, kaagad itong nilapitan.

"Saw your message quiet late. Hindi ko sinabi sa'yong nandito ako sa Tagaytay. Hindi ko naman alam na pupunta ka dito," anang kuya niya, lumampas ang tingin sa balikat niya.

Lumingon siya at nakitang naglalakad ang mag-ina sa kinaroroonan nila.

"Is that her?" His brother asked.

Tumango siya at humakbang patungo sa dalawa. Awtomatiko niyang binuhat si Katie. Si Kathy nan ay nakita niyang alanganing humakbang nang mapatingin kay Kuya Warren.

"Don't worry, he's my brother. Ipapakilala kita," aniya sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.

Tumango si Kathy. Napatingin siya sa kamay nito nang mahigpit siyang hinawakan ng dalaga. Napagtanto niyang natatakot si Kathy. Ngayon lang nito nakita ang kapatid niya at lalaki pa. Hindi ito masyadong nakikipag-usap sa mga lalaking hindi nito kilala.

Masuyo niya itong kinabig sa beywang at marahang hinalikan sa noo ang dalaga. Nagulat ito sa ginawa niya.

Nakangiting lumingon siya sa kapatid.

"Kuya, meet my girlfriend, Kathy. And this little angel here is Katie," pinakilala niya ang dalawa.

Ang kuya niya ay awtomatikong inangat ang kamay para makipag-kamay kay Kathy.

"I'm Warren, William's older brother. Nice to meet you, Kathy," sabi nito sa dalaga.

Alanganing inabot ng dalaga ang kamay ng kapatid niya pero awtomatiko niyang hinawakan ang kamay ni Kathy bago magdapo ang mga kamay ng dalawa.

"You don't have to shake hands, right, kuya?" aniya, pekeng nginitian ang kapatid.

"Makabakod, huh?" Ngumisi ang kapatid niya sabay tingin kay Katie.

Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ni Kuya Warren nang mapagmasdan si Katie.

"Hello po, Tito Warren!" masayang bati ng bata, kinawayan pa ang kuya niya. "My name is Katie po, five years old. Maganda po ako at matalino. Mabait din po ako, Tito. Nice to meet you po. Ang pogi pogi mo po, Tito! Magkamukha po kayo ni Papa," patuloy ng bata.

Mahina siyang natawa. Maging ang kapatid niya ay nabigla sa pagiging makuwela ng bata. Tila natulala pa ang kapatid niya kay Katie.

"It's cold here. Doon tayo sa loob," aniya dahilan para mapakurap ang kuya niya.

"Oh, yeah. Let's go." Nauna na itong pumasok sa loob ng rest house.

Sumunod naman sila. Pagdating sa living room ay binaba niya si Katie. Muli niyang tiningnan ang kuya niya at nahuli itong nakatitig sa bata.

"What's wrong, kuya?" tanong niya nang makalapit sa kapatid.

Umiling ito.

"Nothing. There are some groceries here. Let's make some barbecue. Si Erixelle, kanina pa gustong kumain ng barbe—"

"Erixelle? Your wife?" Gulat na tanong niya.

Natigilan ito sabay ngiwi.

"Yeah, I brought her here," tugon ng kuya niya.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now