Chapter 17 (Heal)

43K 1.6K 137
                                    

CHAPTER 17

PILIT niyang inaaninag ang mukha ng babae habang hinahaplos niya ang hubad na katawan nito. Kahit anong gawin niya, hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito.

He shouldn't brought her here. He was about to bring this woman to the nearest police station earlier but she was begging not to call the police.

He's high in drugs. The woman is not safe with him but still, she kept begging not to call anyone. She's already naked after he stripped her. She kept begging but he couldn't hear what she's saying clearly. All he can see is her tears right now.

Sa nanginginig na mga kamay ay pinilit niyang bumangon mula ibabaw ng babae. He shouldn't touch her. He couldn't control his own mind. Touching her body made him feeling hot even more. He's so...thirsty.

Pilit niyang inaabot ang sarili niyang sinturon, hingal na hingal. Lumayo siya sa babae kahit sobrang init ng pakiramdam niya.

Paulit-ulit siyang napamura habang tinatali ang sarili niyang mga kamay gamit ang sinturon. Hapong-hapo niyang isinandal ang sarili sa likuran ng nakasarang pintuan.

Nang mapansing bumangon ang babae at gumalaw ay marahas siyang napamura.

"S-Stay...away from me," mahinang babala niya.

Nanginginig ang buo niyang katawan. Lutang na lutang ang pakiramdam niya. Sobrang init. Napakainit sa pakiramdam. Tila uhaw na uhaw siya. Napakasakit sa pakiramdam. Matinding kontrol ang ginawa niya sa sarili. Malakas at paulit-ulit niyang inuuntog ang ulo sa matigas na pinto na tila ba makakatulong iyon para bumalik siya sa tamang katinuan.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakatali sa sarili niyang mga kamay hanggang sa nag-angat siya ng tingin, sa harapan niya ay ang babaeng hubo't-hubad. Titig na titig siya sa mga mata nito. Biglang kumabog ng napakalakas ang puso niya. It can't be. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Alam niyang hindi siya nagkakamali. They are...in the same situation.

"Tang...ina..." mariin siyang napamura.

Paunti-unti ay nagiging klaro ang mukha ng babae sa paningin niya. Kathy? Bakit...nasa harapan niya si Kathy?

Takot na takot niya itong tiningnan, hindi matanggap ang nakikita. Malakas siyang sumigaw.

"William..."

Nagising siya sa mahinang tapik sa pisngi niya. Nagmulat siya ng mga mata at sumalubong sa kaniya ang mukha ni Kathy.

Napakalakas ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa dalaga. Ilang beses siyang napakurap. Bakit ganoon ang panaginip niya? Bakit...nasa panaginip niya si Kathy?

"Bakit natutulog ka dito sa bangka mo? Mainit dito," kunot-noong sabi ng dalaga.

Awtomatiko siyang bumangon at niyakap ito ng mahigpit. Napasinghap ito sa ginawa niya, halatang nagulat.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito.

"I had a very bad dream," tugon niya.

Mahina itong natawa at kumalas mula sa yakap niya.

"Panaginip lang 'yon, William. Bakit kasi tanghaling tapat ay natutulog ka dito? Namumula tuloy ang balat mo," anito, napapailing.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang makabalik sila dito sa Isla Fontana. He had a hard time saying goodbye to Katie. The poor child cried while bidding goodbye to them. Nangako siya sa bata na pupuntahan niya itong muli.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now