Chapter 36 (Daughter)

49.2K 1.9K 230
                                    

CHAPTER 36

PABILING-BILING siya sa higaan at mahinang napadaing kasabay ng pagmulat niya ng mga mata. Hingal na hingal siyang bumangon.

Dahan-dahan niyang nilingon ang babaeng nasa tabi niya. Awtomatiko siyang napahawak sa sariling ulo.

Gun. Blood. Pain.

He was begging in his dream. He groan and looked again at Kathy.

Inabot niya ang kamay nito at dinala sa bibig niya, masuyo iyong hinalikan habang mariing nakapikit. Ilang minuto siyang nakapikit habang dinadama ang kamay ng dalaga.

Nagmulat siya ng mga mata at tinitigang mabuti ang dalaga. Hinaplos niya ang pisngi nito. His memories are starting to go back but it's all still blurry. It feels like his mind is intentionally refusing. Tila takot siyang bumalik ang mga alaala niya.

Mahina siyang napabuntong-hininga. Patuloy niyang tinitigan si Kathy at humiga sa tabi nito. Masuyong niyang dinala sa mga bisig ang dalaga.

Napangiti siya nang siniksik nito ang sarili sa kaniya na tila ba lamig na lamig ito. She feels so soft. He can feel her naked body pressing against him.

Gusto niya itong gisingin at muling angkinin. He couldn't get enough of her. Ilang beses niya itong inangkin na tila ba sanay na sanay na siya sa katawan nito. Habang inaangkin niya ito ng paulit-ulit kanina, tila memoryado niya ang lahat sa dalaga. Kung saan ang kiliti ng dalaga, kung saan dadaan ang dila at labi niya at kung saan niya dapat ito haplusin. Lahat ay memoryado niya.

Sometimes it frustrates him for not be able to remember everything and at the same time it scares him. Takot siya na baka mawala ang babaeng ito sa tabi niya.

Muli siyang napabuntong-hininga at masuyong hinalikan ang dalaga sa noo. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naligo. Dumiretso siya sa kusina at awtomatikong nagluto ng agahan.

Ilang minuto lang ay naabutan siya ni Kathy na kasalukuyang nagluluto ng almusal.

"William, dapat ginising mo ako para ako ang nagluto ng—"

"No need. Dapat ay pinagsisilbihan ang mga babae, that's my rule," nakangiting putol niya sa sasabihin nito.

Nakita niyang natigilan ito at maging siya ay nawala ang ngiti, nabigla rin sa sinabi. It feels like he had said this before.

Parang may dumaan na anghel sa pagitan nilang dalawa. Pareho silang tumahimik. Walang kibong tinapos niya ang pagluluto ng almusal. Walang imik na tinulungan siya ni Kathy sa pagdala ng breakfast nila sa dining room. Off ni Manang Ladia ngayon kaya wala ito.

Habang naglalagay ng plato sa mesa ay kanina pa niya napapansing nakangiti si Kathy. Seeing her smile melt his heart.

"Why are you smiling?" he asked.

"Nothing. It's just...you're still the same," nakangiting tugon nito.

"What do you mean?" he asked again.

"Ganitong-ganito ka rin noon. This is always your number one rule...palaging sinasabi na dapat ay pinagsisilbihan ang babae," sagot ng dalaga.

Mataman niya itong tiningnan.

"Girlfriend ba kita noon?" diretsong tanong niya.

Kaagad itong tumango, may ngiti pa rin sa mga labi.

"You even proposed," she said.

Humakbang siya papalapit kay Kathy, awtomatikong hinaplos ang pisngi nito.

"You were my fiancee, then," he murmured.

"Unofficially," she answered.

He chuckled and wrapped his hand on her waist.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now