Chapter 40 (Impregnate)

53.2K 1.7K 175
                                    

CHAPTER 40

"WILLIAM."

He looked at the the man beside him and automatically smiled at his brother. Kadarating lang nito sa isla kasama sina Drew at Ragian.

"Ginabi kayo, kuya. Is everything okay?" he asked.

"Yeah, everything's okay," tugon nito at tinitigan siyang mabuti. "Ayos ka lang ba? Hindi sumasakit ang ulo mo?" tanong nito.

Tumango siya at ngumiti.

"I'm good, kuya. Palagi naman akong naka-monitor and there's no something wrong with my head anymore. I will take good care of myself, I promise," he assured him.

Ginulo nito ang buhok niya.

"Dapat lang. Ang dami kong sinakripisyo para sa'yo, alam mo ba 'yon?" anito, mahina siyang tinapik sa balikat.

"Alam ko, kuya. Kaya nagpapasalamat ako ng sobra," tugon niya sa nakakatandang kapatid.

"Imagined how scared I was when I heard the gunshot and I saw you inside your room, almost dead," anang kapatid, napapailing ngunit medyo namumula ang mga mata.

Tila piniga ang puso niya. He knew how his older brother sacrificed everything for him. Mula noon at hanggang ngayon, ito palagi ang nagsasalba sa kaniya.

"I'm sorry for being a weak brother, kuya," maluha-luhang sabi niya.

"No, you're not weak. You are strong, William. I envy you always, don't you know that? Because you always stand for yourself. Hindi ka nagpapahawak sa iba. Ayaw mong iba ang nagdedesisyon para sa buhay mo. You are very strong, William. Nagkataon lang na...nagmahal ka at nasaktan. Hindi ka na nakapag-isip ng mabuti pero naiintindihan ko. Just promise not to do anything like that anymore, William. I was so scared and even blame myself because I left you alone back then."

Tuluyang napayugyog ang magkabilang balikat niya. Awtomatiko siyang niyakap ng nakakatandang kapatid. Mahina siyang umiyak sa balikat nito na parang isang batang paslit na naghahanap ng kalinga.

"Salamat sa lahat-lahat, kuya. Hindi mo pinabayaan ang negosyong naiwan ko. You shouldered everything. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo. At alam ko rin na...ikaw ang dahilan kung bakit muli kaming nagtagpo ni Kathy. You planned all of this, right? Sinadya mong kunin siyang private nurse ko," aniya at tumingin sa kapatid niya.

Ngumiti ito at pinunasan ang mga luha niya.

"I would do anything for you. I actually talked with Kathy's grandfather years ago. Palagi kaming nag-uusap at nagkikita. Hindi iyon alam ni Kathy at ayaw na rin ipaalam ng lolo niya. It took a long time to make you both meet with each other again. Kathy's grandfather knew that his granddaughter is still in love with you all these years. Palagi akong nakikibalita lalo na tungkol sa mga bata, sa mga pamangkin ko."

Napatitig siya sa nakakatandang kapatid. He did all of those things for him. Nakakasiguro siyang mahirap din ang lahat para sa kapatid niya.

"Babawi ako sa lahat-lahat, kuya. Babangon ako at mas lalong maging matibay. Hindi ako magpapatalo. Aayusin ko ang lahat-lahat," pangako niya sa kapatid.

Mahina itong natawa at muli siyang tinapik sa balikat.

"Just focus on your family, little brother. I know that this time, Kathy won't leave you behind. I saw how she looked at you earlier," his older brother teased him.

Ngumiti siya, punong-puno ng saya ang puso. Napapansin din niya ang klase ng tingin ni Kathy mula pa kanina. Patay-malisya nga lang siya pero ang puso niya ay tila tinutunaw. Kasalukuyang kasama ng fiancee ang mga kapatid nito, si Thea na asawa ni Zach at ang iba pa.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now