Chapter 16 (Excruciating Pain)

44.5K 1.7K 123
                                    

CHAPTER 16

NATIGILAN ang kapatid niya nang makita siyang naghihintay sa loob ng opisina nito. Awtomatiko siyang kumaway bilang pagbati at kapagkuwan ay umupo siya sa swivel chair ng kuya niya na para bang siya ang boss doon.

"What brings you here? Kumain ka na? Let's go outside, I'll treat you to the nearest restaurant and-"

"Sure," kaagad na pagpayag niya.

Muli ay natigilan ito. Alam niyang nagtataka ang kapatid sa inaakto niya ngayon. Hindi ito sanay na ganito siya. Mas lalong hindi ito sanay na siya mismo ang lumapit. Ito ang kauna-unahang pumasok siya sa sarili nitong opisina.

"May...problema ba?" mahinang tanong nito.

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at tumayo. Nauna siyang naglakad patungo sa pintuan ng opisina nito.

Nilingon niya ang kapatid.

"Let's go...kuya..." aniya, bahagyang ngumiti.

Napakurap ito at kapagkuwan ay tumango sabay dali-daling humakbang patungo sa kaniya. Sa kotse ng kuya niya na rin siya sumakay. Tinatamad na siyang magmaneho.

Nang makarating sa restaurant ay kaagad siyang tinanong ng kapatid kung ano ang gusto niyang kainin.

"Sorry, I really don't know what kind of foods that you like so-"

"I can eat anything. I don't have allergies like you," he said and shrugged his shoulders.

Tumango ito at tinutok ang mga mata sa hawak na menu. Habang naghihintay sila sa mga inorder ng kapatid ay kumunot ang noo niya nang makitang mataman itong nakatitig sa kaniya.

"What?" Kinuotan niya ito ng noo.

Napangiti ito.

"I'm just happy that you're here. Ito ang kauna-unahang beses na...lumapit ka sa'kin. I thought you always hated me," tugon ng kuya niya, nagkibit-balikat.

"Why would I hate you? We just don't get along as brothers but I never hated you," nakasimangot na tugon niya.

"You hate me because I am the most favorite, I guess?" nakangiting sabi nito.

Ngumisi siya.

"Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang pinaka-paborito, Mr. Warren Ramirez," tugon niya na ikinatawa nito.

"Mm-mm? So, what can I do for you, William Ramirez? Hindi ka lalapit sa akin kung hindi importante, tama ako, hindi ba? You looked bothered. Is everything fine? Alam ko rin na hindi pera ang problema mo because I know that your own business is going well," sabi nito, tila pilit siyang binabasa.

"How did you know that my business is going well?" tanong niya, sumandal sa upuan.

Nagkibit-balikat ang kapatid niya.

"You're very good and very talented in fixing different of engines and you love cars so when I saw you started the W Motor Cars, I knew that it will be a big success. Look at you now, you became a multi-billionaire with your own money. You became successful after those struggles. Without the support of our parents, you managed to to build your own empire, William." Kumislap ang mga mata ng kuya niya.

Napatitig siya sa mga mata nito. The emotions in his eyes, the way he speak, it was like...he's very proud of him. That's what he saw in his eyes. Ni wala siyang makitang inggit sa mga mata ng kuya niya. Sa nakikita niya ngayon, proud ito sa kung paano siyang tumayo sa sarili niyang mga paa nang walang anumang hininging tulong mula sa pamilya niya. Kuya Warren was praising him.

"I will take that as a compliment, kuya," aniya, nag-iwas ng tingin, bahagyang nag-init ang buong mukha.

It was the very first time that he heard his older brother praised him so he felt overwhelmed. They didn't get along so well since in their family, his older brother is always the good man and he is the black sheep, the most hard headed, the one his parents couldn't control.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now