Chapter 25 (Painful Heart)

41.5K 1.6K 282
                                    

WARNING: Sensitive and triggered scenes ahead. READ AT YOUR OWN RISK.

CHAPTER 25

NAGISING siya mula sa haplos sa kaniyang mga hita. Kaagad siyang nagpupumiglas pero mahigpit ang pagkadena sa magkabila niyang mga kamay at mga paa.

Awtomatikong ibinuka ng lalaking nasa harapan niya ang mga hita niya. Naikuyom niya ang mga kamao at kagat ang ibabang labi na tiniis ang nakakadiring haplos nito sa maselang parte ng katawan niya.

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang makarating sila sa Maynila. Unang beses niyang makarating sa Maynila at nakipagsapalaran siya, gustong makapaghanap ng maayos na trabaho para makatulong sa lola niya.

Ang buong akala niya ay maayos na ang lahat. Ang sabi sa kanila ay handa na ang lahat para makapagtrabaho sila bilang katulong sa ibang bansa pero hindi niya akalain na ang kalbaryo pala ang sasapitin niya.

Niloko sila ng babaeng tumulong sa kanila. Hindi totoong dadalhin sila sa ibang bansa. Binenta sila na parang mga laruan lang. Binenta sila sa lalaking ito at pinaglaruan, tinuring na parang hayop.

"N-Nasaan a-ang kasama ko?" lumuluhang tanong niya.

"Relax, she's safe. You told me to spare her, right? Kapalit nitong katawan mo?" Ngumisi ang lalaki at dumukwang, hinalik-halikan siya sa leeg.

Muli siyang nagpupumiglas.

"Sshhh, relax lang, hmm? Nawala na ang bisa ng droga. Mamaya...tuturukan kita ulit. Sa susunod, kakaibang droga ang ituturok ko sa'yo. Sa ngayon, damhin mo muna itong ituturok ko sa'yo balang-araw..." bulong nito sa tainga niya.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya habang nakangising kinikiskis nito ang pagkalalaki sa mga hita niya maging sa maselang parteng bahagi ng katawan niya.

"Ang sarap. Tangina...ang sarap..." Para itong nauulol, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya. Alam niyang lulong sa droga ang lalaking ito.

Lahat-lahat ng iyon ay tiniis niya hanggang sa naramdaman niya sa mga hita ang likidong nilabas nito sa pambababoy sa katawan niya.

Tumatawang kinalas ng lalaki ang kadena sa mga kamay at paa niya at kapagkuwan ay tinurukan siya ng droga sa pangalawang pagkakataon.

Nang umalis ito ay impit siyang umiyak, niyayakap ang sarili. Sinubukan niyang gumapang kahit ramdam na ang epekto ng gamot. Ginawa niya ang lahat para makarating sa kabilang kuwarto kung nasaan ang kasama niya.

Naabutan niya itong nakatulala sa gilid. Umiiyak na sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at sa nanginginig na labi ay hinalikan niya ito sa noo.

"Konting tiis pa, hmm? Konting tiis pa. Makakatakas din tayo dito. Pangako, pangako ko sa'yo, ililigtas ka ni ate. Kapit ka lang, naririnig mo ba ako? Gagawin ko ang lahat-lahat, makatakas lang tayo dito," aniya, hinahaplos ang buhok nito.

Awang-awa siya sa hitsura nito. Ilang araw na itong nakatulala, halos wala nang reaksyon sa tuwing binababoy ito ng mga kalalakihang iyon. Ginagawa niya ang lahat para lang sa kaniya ibaling ang atensyon. Sasaluhin niya ang lahat, tumigil lang ang mga ito. Hindi bale nang siya ang babuyin nang babuyin, huwag lang ito.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now