Chapter 27 (New Life)

41.4K 1.7K 473
                                    

CHAPTER 27

"KATIE, saan ka galing?" tanong niya sa anak pagkapasok nito sa bahay.

Hindi siya nito pinansin at dire-diretsong pumasok ng kuwarto.

"Katie, I'm talking to you. Tumawag ang bodyguard mo, tinakasan mo raw siya," mariing sabi niya.

Nilingon lang siya nito.

"May binili lang ako after school, mama," tugon nito.

"Dapat nagpaalam ka. Paano kung nawala ka at—"

"Mama, ten years old na po ako. I know where I live and I can manage myself. Hindi na ako bata," anito at tuluyang siyang tinalikuran.

Napabuntong-hininga siya habang sinusundan ng tingin ang anak. Limang taon na ang nakakaraan at napakalaki ang pinagbago ng anak niya.

"Let her be, hija. Ang importante ay safe ang anak mo. Kahit gan'yan siya, hindi niya ipapahamak ang sarili." Awtomatiko siyang lumingon sa nagsalita.

Kaagad niya itong nilapitan at inabot ang kamay nito. Nagmano siya sa lolo niya na nakaupo sa wheelchair.

Limang taon na ang nakakaraan. Napakaraming nagbago sa buhay niya. Nagising siya isang umaga na nasa harapan niya ito, sinabing ama ito ng tatay niya. Sinabi nito sa harapan niya na siya lang ang tanging tagapagmana nito.

Kinuha siya nito at ang anak niyang si Katie. Nagpa-DNA test pa ito para maniwala siyang kadugo niya ito.

Totoong lolo niya si Lolo Kalixto. Lahat-lahat sa buhay niya ay binago nito. Kinuha siya, nagpaalam kay lola Helen at pinag-aral siya ng lolo niya. Lahat-lahat ay binigay nito sa kaniya at kay Katie. Her grandfather gave her new life.

"Nagrerebelde si Katie, lolo," mahinamg sabi niya, umupo sa harapan nito.

Marahan nitong hinaplos ang buhok niya.

"I can see that, hija. Ikaw ang ina kaya ikaw ang mas nakakaalam kung paano mong madisplina si Katie sa paraang hindi siya masasaktan. Dumarating talaga sa puntong 'yan lalo pa at nagdadalaga na ang panganay mo at sa mga nangyari sa inyo ay hindi natin masisisi ang bata. Hayaan na muna natin siya, ha? Just guide her, hija. Magiging maayos din si Katie sa tamang panahon. Hindi pa matanggap ng bata ang lahat," masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya.

Maluha-luha siyang pumikit.

"Thank you, lolo," aniya at nagmulat ng mga mata.

Nakangiting pinunasan nito ang luha niya sa pisngi.

"Kaunting panahon na lang ang itatagal ko dito sa mundo. Sana...sana bago ay mawala ay maging maayos ang lahat. Masaya ako na nahanap kita sa wakas. Kahit sa'yo man lang, makabawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa ama mo. Mahal na mahal kita, apo," anito, mas matamis na ngumiti.

Mahigpit niya itong hinawakan sa kamay.

"Don't say that, lolo. Magsasama pa tayo ng mahabang panahon. Kaya nga po nagpursige akong mag-aral, hindi ba? Nag nurse ako para sa'yo, lolo. Para maalagaan kitang mabuti," naluluha niyang hinalikan ang kulubot ng kamay ng lolo niya.

Natatawang muli nitong hinaplos ang buhok.

"Nurse Kathy Jane Oliveros. I am so proud of you, apo. You're smart and dedicated, graduated as a cum laude and became a licensed nurse. Sobrang proud na proud si lolo sa'yo." Pinagdikit nito ang noo nilang dalawa.

"Thank you, lolo. This is all because of you. Maraming salamat po," mahinang sabi niya, mahigpit itong niyakap.

"Hmm...kailan ang start ng duty mo, Nurse Kathy?" pilyong tanong nito.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now