Chapter 32 (Katie)

46.7K 1.9K 426
                                    

CHAPTER 32

"ITO ang kauna-unahang pagkakataong ikaw ang kusang pumunta dito for your check-up." Gulat na gulat pa ring sabi ng doktor niya nang makita siya nito.

Sinulyapan niya ang kasamang kakapasok lang sa loob ng clinic.

"Magandang umaga po, doc," kaagad na bati ng dalaga sa doktor niya sabay ngiti.

Hindi niya napigiling sumimangot. Nang muli siyang sulyapan ng doktor niya ay ngumisi ito.

"So, why are you here? I heard you can talk already. I want to hear your voice," may aliw sa mga matang sabi nito.

Salubong ang mga kilay na sumandal siya sa kinauupuan.

"What? You can't talk?" patuloy nito.

"Shut up, Ragian," saway niya.

Mahina itong natawa. Ragian is one of his friends, they said. Hindi niya ito maalala. Wala siyang maalala sa mga kaibigan niya kaya isa-isang nagpakilala ang mga ito sa kaniya. Madalas din ang pagbisita ng mga ito sa kaniya. Nitong mga nakaraang buwan lang sila hindi nakakapagbisita dahil na rin abala sa buhay.

Nagising na lang siya noon na walang maalala. Nagising siyang sobrang mabigat ang dibdib. He always have this feeling that he don't want to live anymore. When he woke up, the first thing he thought was that there's no reason for him to live. Wala siyang maalala pero sobrang napakabigat ng pakiramdam niya at kinukuwestyon pa niya ang sarili kung bakit nabubuhay pa rin siya. He lived, he's still breathing but it feels like that he's all empty. His life feels like hell.

Pagkatapos niyang magising mula sa dalawang taong comatose, ayaw na niyang magsalita. He don't even want to walk. Alam niyang apektado ang lahat ng tao sa paligid niya. They are all worried but what can he do? Hindi niya kaya ang bigat ng dibdib. Palagi siyang walang ganang mabuhay sa hindi niya maalalang rason.

His family and his friends never told him the real reason why he got comatose for two years. They said it was an accident. Nagsasalita ang mga ito, kinakausap siya pero ni kahit minsan ay hindi siya nagsalita. He's always in daze, unable to get out from the dark that he set for himself. Kinulong niya ang sarili sa dilim, hindi binibigyan ng rasong mabuhay.

Until his new private nurse came. This woman...woke him up for some reason. The first time he saw his nurse, he felt that excruciating, he almost couldn't breathe. He wanted to know everything about her. He wanted to know why he feel this pain inside his heart everytime he look at his private nurse. He wanted to know why...he's eager to live now.

"William, nakikinig ka ba?" untag ng doktor niya.

Umayos siya ng upo at tumikhim.

"W-What were you saying?" tanong niya.

Napaawang ang labi nito at ilang beses na napakurap. Halatang hindi makapaniwalang nagsasalita na siya.

"Nagsasalita ka na nga," anito sa natutuwang boses.

Sinulyapan niya si Kathy nang maglakad ito papalapit sa kaniya.

"He can walk a little also, doc," kausap nito kay Ragian.

"Mm-mm? Yeah, I saw it earlier, Nurse Kathy. It's nice to see you again."

Naglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. They knew each other?

"Ahm...I came from this hospital, Sir William. Doc Ragian personally chose me to be your private nurse," kaagad na paliwanag ng dalaga nang makita ang tanong sa mga mata niya.

Tila gusto niyang batukan ang sarili. Of course his private nurse ay sa ospital na ito manggagaling. His private nurse should be prescribe by his doctor.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now