Prologue

79.8K 2.4K 287
                                    

Disclaimer:

Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya.

Ang istoryang ito ay orihinal na gawa ni Rosas Vhiie. Ang sinumang mangopya ng walang anumang pahintulot mula sa may akda ay mapaparusahan.

This story may consists of violence and sensitive topics or scenes.

🔞 This is R-18 🔞

PROLOGUE

MALAKAS na dumapo sa pisngi niya ang palad ng sariling ama.

"Wala kang utang na loob, William! Hindi ka na tumino! Bakit hindi mo sundin ang kuya mo, ha? Masunuring anak at—"

"Masunuring anak, mabait, responsable at matalino. Dad, paulit-ulit na lang ba? Wala na bang iba? 'Yan na lang palagi ang lumalabas sa bibig mo sa tuwing pinapagalitan mo ako," pinutol niya ang sasabihin nito.

"Talagang bastos kang bata ka!" Sinuntok siya nito sa panga, napaatras siya at pinahid ang dugo sa gilid ng bibig.

Naikuyom niya ang mga kamao at mahina siyang natawa. Masama niyang tiningnan ang ama.

"Ano, lalaban ka, ha? Susuntukin mo rin ako? Sige, suntukin mo ako! Suntukin mo ang sarili mong ama!" malakas na sigaw nito.

Humigpit ang pagkakakuyom niya sa mga kamao at humakbang patungo sa ama niya. Bahagya itong napaatras nang umangat ang isa niyang kamao pero imbes na tumama iyon sa mukha ng ama niya ay ang matigas na pader ang malakas niyang sinuntok.

Paulit-ulit niya iyong sinuntok hanggang sa dumugo ang kamao niya.

"Anak, tama na!" Mabilis siyang nilapitan ng ina at niyakap mula sa likod.

Dahan-dahan siyang tumigil, hingal na hingal. Marahas niyang inalis ang kamay ng ina at hinarap ito maging ang kaniyang ama.

"As what I had said, I won't marry that woman, dad. Hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman gusto. Look at my older brother right now. You forced him to marry someone na hindi naman niya mahal! Nakikita niyo ba siyang masaya? Hindi! You're controlling us! For what? Para sa lintik na kayamanan niyo? Wala kayong ibang minahal kundi pera! Puro na lang pera! Pera na lang ang sinasamba niyo sa pamamahay na ito!" sigaw niya.

"You—"

"I don't care if you control my brother or me. Pero sana...sana ang bunso naming kapatid ay bigyan niyo ng kalayaan. She's my only princess, mom, dad. Hayaan niyo naman sana siyang mamuhay ng malaya," napapagod na hiling niya sa dalawa.

Nag-umpisa ang argumentong ito nang buksan ng ama niya ang paksa tungkol sa nalalapit niyang kasal pero ang usapang naghahanap rin ang mga ito ng lalaking ipapakasal sa bunso niyang kapatid na babae ay hindi niya matanggap. Puro na lang pera ang tumatakbo sa isip ng mga magulang!

"Ginagawa naman ito para sa inyo, anak. Ayaw naming maghirap kayo at—"

"Kaya ba parang mga laruan na lang kami na basta-basta niyong binebenta, ha, mom? Mga anak niyo kami! Isipin niyo man lang sana ang nararamdaman namin. Wala kaming kalayaan sa pamamahay na ito! Ang dalawa kong kapatid ay sunod-sunuran sa inyong dalawa!" muling sigaw niya.

Humakbang ang ama niya at muli siyang sinuntok.

"Kami ang masusunod sa pamamahay na ito!" sigaw nito.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now