Chapter 11 (Moan And Mine)

57K 1.8K 264
                                    

CHAPTER 11

HINDI niya alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya habang nakatungtong siya ngayon sa malaki at malapad na bahay ni William.

Kanina habang sa biyahe ay hindi niya magawang makipagtalo sa binata dahil nasa likuran lang nila si Katie. Hindi tamang makipagtalo sa mismong harapan ng mga bata kaya mas pinili na lang niyang manahimik.

Ayaw din niyang umiyak ang bata dahil ang sakit talaga ng iyak nito kaninang nagpaalam si William. Ngayon ay tulog na tulog ang bata sa mga bisig ni William.

"Wait me here. Ihahatid ko lang siya sa kuwarto," anang binata.

"Sama ako," aniya, hinawakan ang laylayan ng damit ng binata na ikinabigla nito.

Tila nagulat ito sa inaakto niya na para bang hindi iyon normal.

"Takot ka ba?" natatawang tanong nito.

Napangiwi siya.

"Sobrang laki kasi nitong bahay mo, nakakatakot," diretsong tugon niya.

Mas lalo itong natawa.

"Walang multo dito. Hindi ka nga natatakot gumala tuwing gabi sa dalampasigan kapag naroroon tayo sa isla," anito, nginisihan siya sabay lapit ng sariling mukha sa mukha niya. "Damn, that was so adorable, Kathy. Ang cute mo..." anas nito.

Inirapan niya ang binata.

"Ipasok mo na sa kuwarto si Katie. Bukas na bukas ay uuwi rin kami, ha? Babalik na ako sa is—"

"No, you will stay here for a couple of days or weeks with this little angel, Kathy," agaw nito sa sasabihin niya.

Ilang beses pa siyang napakurap, namamangha sa diretsong pagsasalita nito ng ingles.

"Ayoko," mariing tanggi niya, nagmamatigas.

"I won't let you get out of here," tugon nito, nagmamatigas din.

"Mag-aalala si lola kapag hindi ako makauwi kaagad," iritadong sabi niya.

"I will call Hunter. Ipapasabi ko na magkasama tayo dito para hindi siya mag-alala."

Napatitig siya sa binata. Talagang ayaw nitong magpaawat.

"Bahala ka sa buhay mo. Ikaw ang magbantay kay Katie, ha? Kapag umiyak 'yan ikaw ang magpatahan. Huwag mong tatawagan ang mama niyan kung hindi mo kayang panindigan ang—"

"I don't need to call her mom because you're here beside her," agaw na naman nito sa sasabihin niya pero sa pagkakataong ito ay seryoso na ang guwapong mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

"Ha?" Tila ay bigla siyang naguluhan.

Umiling ito. "Let's go."

Nauna nang umakyat ang binata sa hagdan ng bahay. Kaagad naman siyang sumunod. Nalulula siya sa laki at linis ng bahay. Parang nakakatakot maglakad-lakad doon dahil maraming babasagin at mukhang mamahalin pa ang mga kagamitan. Kahit nga ang umapak kanina sa pamamahay nito ay nag-aalangan pa siya dahil sa sobrang gara ng bahay ni William.

Naroon na siya sa pinakita at pinaalam ng binata na mayaman ito pero hindi niya inaasahan na ganito kayaman si William.

"Bahay mo talaga 'to?" Hindi niya mapigilang itanong. Hindi niya alam kung bakit parang pamilyar ang lugar na ito sa kaniya.

"Hmm-mm..." tugon ng binata habang binubuksan ang kuwarto.

"Mag-isa ka lang dito? Sobrang laki ng bahay mo bakit doon ka nagtitiis sa isla? Inip inip ka ba talaga sa buhay mo? Wala ka pang asawa o kasintahan? Baka marami kang babaeng dinadala dito at bigla akong sabunu—" Natigilan siya nang bigla siya nitong hinarap.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now