Chapter 30 (Forgive)

44.6K 1.8K 292
                                    

CHAPTER 30

"KUMAIN ka na ba, hija? Ipaghahanda kita ng pagkain. Kumain ka muna, namumutla ka. Medyo namamaga rin ang mga mata mo," anang Manang Ladia pagkalabas niya mula sa kuwarto.

Kakatapos lang niyang maligo at nagsuot na ng pantulog.

"Si Willia— ahm...si Sir William, kumain na po ba ng hapunan?" tanong niya.

Napangiwi ito.

"Ayaw na namang kumain."

Napabuntong-hininga siya.

"Pakihanda na lang po ng hapunan sa dining room, manang. Ilalabas ko si William. Susubukan kong pakainin siya ng dinner," aniya bago tumalikod at pumasok sa loob ng kuwarto ng binata.

Naabutan niya itong nakatulala sa harapan ng bintana. Nakagat niya ang ibabang labi at nag-aalangang lapitan ito.

Hindi niya dapat pinapairal ang sariling emosyon. She's here to work. William is her patient. She's his private nurse. Kailangan niyang ihiwalay ang personal niyang buhay sa trabaho.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa binata.

"Sir William, it's time for your dinner," aniya nang nasa harapan na siya nito.

Tumingala ang binata sa kaniya. Tumitig ito sa mga mata niya pero tikom ang bibig.

"Ahm...masakit pa ba ang ulo mo?" tanong niya.

Nanatili itong nakatitig sa kaniya at kapagkuwan ay umiling. Ibinuka nito ang bibig, pinilit ang sariling makapagsalita.

"My...name...W-William?" anito sa mahinang boses.

Kinagat niya ang ibabang labi at ilang beses na napakurap. Naiiyak siya pero kailangan niyang pigilan.

"Mm-mm. That's your name, Sir William," aniya, pilit na ngumiti.

Bumaba ang tingin ng binata sa kamay niya at dahan-dahan iyong inabot.

"Ka...thy..." anas nito, muling tumingala sa kaniya.

"Yes, Sir. My name is Kathy," tugon niya.

Natigilan siya nang makitang sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata.

"Di...nner," anito sa mahinang boses.

"Yes, it's time for your dinner, Sir William. You're hungry? Pinahanda ko na ang pagkain mo kay Manang Lad—"

"No. I...I want you...to j-join me. Eat w-with me..." anito na talagang pinipilit na makapagsalita.

She's happy to see him trying his best to speak. But she's more than happy to hear from him that he wants to eat with her.

"Sir, papayag ako sa gusto mo pero sa isang kondisyon," aniya sa binata.

Muli itong tumitig sa kaniya at halatang hinihintay ang isang kondisyong sinasabi niya.

"Ahm...you have to speak often. Palagi kitang sasabayan sa hapag-kainan kapag tuloy-tuloy kang magsalita. Deal?"

Dahan-dahan itong tumango. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagkislap ng mga mata nito.

"Promise 'yan Sir William, ha?" paninigurado niya.

Muli ay tumango ito.

"Tumatango ka lang, Sir, e. You should have say something and—" Natigilan siya nang hinila siya ng binata sa kamay.

Muntik pa siyang bumagsak sa kandungan nito kung hindi lang niya naibalanse ang sarili. Napatitig siya sa mukha ni William. Halos maduling siya sa sobrang lapit ng mga mukha nilang dalawa.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now