Agad silang umiling. "H-hindi po, mahal na prinsesa. H-hindi lang po kami makapaniwala na... Interisado ka po pala sa mga ganyang bagay."

Nagbuntong-hininga ako. Ang akala ko pa man din ay may mali sa sinabi ko. "Kahit na isa akong dayuhan, may respeto pa rin ako kung ano ang tradisyon at kultura ang mayroon kayo." wika ko pa.

Rinig ko ang pagsinghap nila. Mas lalo sila hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Hayaan ninyo pong sasabihin po namin sa inyo kung ano po ang mga nalalaman namin sa loob at labas ng Palasyo!" bulalas pa nila.

"Siya nga pala, maitanong ko lang. Maaari bang pagkatapos ko maligo at magbihis ay samahan ninyo ako kung saan nagsasanay ang mga kabalyero?"

Siya naman ang pagtaka nila. "Syempre naman po, mahal na prinsesa. Pero... Ano po ang gagawin ninyo sa lugar ng pagsasanay?"

Hindi ako sumagot. Imbis ay isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

**

Nasa sikmura ang aking mga palad habang naglalakad kami patungo sa sinasabi nilang lugar kung saan nagsasanay ang mga kalabyero. Tahimik lang nakasunod sa akin ang head maid at ang mga maid na naka-aassign para sa akin. Alam kong nagtataka pa sila lalo kung bakit sa dinami-dami ng lugar sa Palayso ay bakit ito pa ang pinili kong lugar upang tingnan. Medyo naku-curious kasi ako kung anong klaseng militar ang mayroon ang Thilawiel. Gamay ko kasi kung anong klaseng pagsasanay na mayroon sa Cyan. Gusto ko rin malaman kung saan sila dalubhasa pagdating sa pakikipagdigma kung sakali.

Kusa ako huminto nang nasa harap ko na ang mga kabalyero na abala sa pag-eensayo. Iginala ko ang aking paningin sa piligid. Tulad ng inaasahan ko ay nag-eensayo sila nang matindi, meron din sa kanila ay kasalukuyang nagpapahinga. Napahawak ako sa aking baba saka tumangu-tango ako. Base sa aking obserbasyon, halos walang pinagkaiba istilo ang swordsmanship ng Thilawiel at Cyan. Ang pinagkaiba nga lang, mas agresibo ang mga kabalyero ng Cyan kumpara sa kanila. Naisip ko din na hindi kaya dahil kay Otis kaya sila nanalo? Wait, mukhang nakuha ko na.

Kung ang Cyan ay agresibo ang una nilang katangian sa pakikipaglaban, ang Thilawiel naman ay matindi sa kanilang disiplina. Bukod pa doon sadyang marunong din sila makinig nang mabuti sa utos at sa taktika na ginagawa ni Otis.

Ngayon ay nakuha ko na.

"Sino ang magandang binibini na ito?"

I snapped as I heard someone's voice. Tumingala ako sa malaking lalaki na nasa harap ko. Tumalikwas ang isang kilay ko nang masilayan ko ang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Okay, he looks intimidating. Hindi ako nagpadaig sa kaniya. Nanatiling seryoso ang aking mukha.

Suminghap naman sa pagkagulat ang mga kasama ko.

Medyo inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang nakahawak siya sa kaniyang baba. Para bang pinag-aaralan niya ako sa tingin niyang 'yon. "Ngayon lang kita nakita dito, ah. Tingin ko ay isa kang dayuhan..." tiningnan pa niya mula ulo hanggang paa. Ibinalik niya sa aking mga mata ang kaniyang tingin. "Mukhang naliligaw ka..."

"Huwag kang---" nagagalit na sambit ng punong mayordoma.

Inangat ko ang aking kamay para patigilin ang punong mayordoma sa pagsasalita. Tumigil siya. Pero nanatili ako nakipagtitigan sa lalaki. "Hindi ako naliligaw. Sinadya ko talagang pumunta dito. Oo, isa akong dayo. May problema ba tungkol doon?"

Naningkit ang mga mata niya. Inilayo niya ang kaniyang sarili sa akin. "Wala naman... Nakapagtataka lang kung bakit napadpad ang isang binibini na tulad mo sa lugar na ito? Sa pagkakaalam ko ay tanging ginagawa lang ng mga binibini ay lumabas at mamili ng mga magaganda at magagarbong damit."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon