"Hindi naman lahat. Huwag mo namang lahatin kaming mga lalaki...."

Napalingon naman ako kay Zeil, ngunit wala naman sa akin ang mga mata nya. Nasa malayo.

"Anong hindi lahat? Duh?" Napairap naman ako habang tumatawa ng sarkastiko. "Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki, eh. Mga manloloko. Ang primary cause of breakup kaya ay dahil sa third party," Huminto muna ako ng bahagya at umipon ng hangin sa baga, at pagkaraan ng ilang segundong pagpipigil, ibinuga ko na rin. Ang sarap sa pakiramdam. "Alam mo kayong mga lalaki talaga, hindi kayo marunong makuntento sa isa, gusto dala-dalawa, para kung wala ang isa, may reserba pa." Tulad nang nangyayari sa atin, no'ng wala ang girlfriend mo, ako ang palagi mong kasama, nasa hacienda ka palagi, palagi mo 'kong iniinis, pero ngayong andyan na ang girlfriend mo, minsan ka na lang pumunta sa bahay, ang palagi mong kasama ang girlfriend mo, at ang pinapangiti mo na ngayon ay ang girlfriend mo.

Dahil sa mga pinag-iisip ko, parang ako rin mismo ang pumapatay sa puso ko, parang ako rin mismo ang nagdadagdag ng sakit na nararamdaman ko, at higit sa lahat parang ako rin mismo ang nagpapalugmok sa sarili ko.

"Bakit 'yong bestfriend ko sa Davao loyal?" Si Zeil. Napaangat naman ako ng ulo at tamang-tama naman na nakaharap pala sa akin si Zeil at binibigyan n'ya ako ng isang malungkot na ngiti.

Davao? Taga Davao s'ya? Akala ko talaga Negros s'ya.

"Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na itawag ko sa kan'ya. Isang loyal at totoo sa babaeng minamahal n'ya, o isang tanga at martyr sa pag-ibig. Buong buhay n'ya isang babae lang talaga ang kinababaliwan n'ya, sa iisang babae lang talaga umiikot ang mundo n'ya. At alam mo ba kung sino 'yon?" Lumingon ito sa akin. Hindi naman ako umimik, dahil hindi ko naman kilala kung sino ang kinukuwento n'ya. "Childhood bestfriend n'ya, and guest what?" Medyo tumawa s'ya ng mahina. "Diba, taga Zamboanga ka? Taga Zamboanga rin ang bestfriend-slash-mundo ng kaibigan ko."

Napaiwas naman ako ng tingin.

"Oo taga Zamboanga ako." Sagot ko habang ang mga mata ay nakatutok lamang sa harap. "Pero hindi ibig sabihin na taga Zamboanga ako, at taga Zamboanga rin ang 'mundo' ng kaibigan mo, kilala ko na ang babaeng tinutukoy mo, kaibigan ko na 'yang mundo ng kaibigan mo. Ang laki-laki kaya ng Zamboanga."

Totoo naman eh, ang laki-laki kaya ng Zamboanga at hindi lahat ng tao sa Zamboanga ay kilala ko.

"Wala naman akong sinasabing gan'yan," Mahina ulit s'yang tumawa habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa akin, kaya ngayon naiilang na ako. "Ang sabi ko lang taga Zamboanga din ang 'mundo' ng kaibigan ko."

Natahimik naman ako.

"Ano ba ang pangalan ng 'mundo' ng kaibigan mo? Baka kilala ko." Ngiti kong tanong habang nakaharap sa kan'ya. Kahit natatakot ako at kinakabahan, pilit ko pa rin nilalabanan ang mapang-akit n'yang mga mata.

Napaiwas naman s'ya ng tingin habang nakangiti, hindi ko alam kung ngiti ba itong nakikita ko o isang ngisi. "Ayaw ko ngang sabihin." He said using his playful voice. "Kasasabi mo pa nga lang na malaki ang Zamboanga kaya baka hindi ko s'ya kilala." Kung kanina ang boses n'ya ay mapag aro, ngayon ay unti-unti na itong nababago. "Pero malabong hindi mo s'ya kilala..." Ang boses ni Zeil ay halos hindi ko na marinig dahil sa sobrang hina nito, at kasabay pa nito ang pag ihip ng hangin na nagpapalabo sa boses n'ya.

Magtatanong na sana ako kung ano ang sinabi n'ya kanina nang maunahan ako ni Zeil sa pagsasalita.

"'Yong babaeng mahal na mahal ng kaibigan ko, s'ya lang talaga ang nagpabaliw sa kan'ya ng gano'n. May mga naging exes naman s'ya, kaso nga lang sapilitan," He chuckled. "Pinilit kasi s'ya ng mga magulang n'ya na magkaroon na ng girlfriend para patunayan na ni hindi s'ya bakla, ever since kasi na makilala ko s'ya, hindi ko s'ya nakikitang makipagdate o manligaw ng mga babae, ang palagi lang n'yang bukang-bibig ay ang pangalan ng mundo n'ya."

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now