**

Seryoso at isa-isa binabati ni Otis ang mga bisita. Sa totoo lang ay wala siyang gana na kausapin o magtagal sa bulwagan. Alam niya din kasi kung anong mangyayari sa oras na tumagal pa siya. Madalas ay pag-uusapan tungkol sa politika, meron din na magsusuhesyon ng batas o hindi kaya halos isubsob ang mga anak na babae ng mga Opisyal palapit sa kaniya upang maisayaw niya lang ito o magbigyan niya ito ng pansin.

Habang kinakasap siya ng mga ito ay pasimple siya nagnanakaw ng sulyap upang mahagilap kung nasaan si Rini. Pero bigo siya. Hindi niya makita ni anino nito. Bigla siya ginapangan ng pag-aalala. Kung kanina ay masaya pa sila nakarating dito, saka na naman muli ito nawala. Sinubukan niyang sulyapan ang direksyon kung nasaan ang mga Eryndor, hindi rin nila kasama si Rini.

Umaapaw na ang pagkabahala sa kaniyang sistema. Gustung-gusto na niya iwan ang mga taong kaharap pero hindi niya alam kung papaano siya makatatakas sa mga ito.

"Ipagpatawad mo, Prinsipe Otis. Nais sana kita makausap." bigla niya narinig ang boses ni Calevi.

Napukaw ng mga kaharap niyang bisita ang papalapit na prinsipe ng Severassi.

Halos gusto nang suntukin ni Otis ang hangin dahil saktong-sakto ang dating nito. Lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Pero ang mas ipinagtataka niya kung bakit mas sumeryoso ang mukha ng kababata ngayon. Akala mo ay may galit ito sa kaniya o may ginawa siya na hindi dapat.

Puwesto ito sa kaniyang tabi. May ibinulong ito sa kaniya. "Umalis ngayon si Rini, bumalik muna siya sa kaniyang silid pampanauhin. Sinadyang tinapunan ng pulang alak ang kaniyang damit na dahilan magkaroon ito ng malaking mantsa." aniya.

Kusang kimuyom ng kaniyang mga kamao nang marinig niya ang balita. "Sino ang may gawa nito sa kaniya?" matigas, mas sumeryoso ang tono ng kaniyang boses.

"Anak ng bisconde," sabay lihim na itinuro nito sa direksyon ng babaeng nagtapon ng alak sa damit ni Rini.

He secretly gritted his teeth. Nabuhay ang panggagalaiti niya nang makilala niya kung sino ang may kagagawan ng pambabastos sa nag-iisang prinsesa ng Cyan. Hindi katanggap-tanggap ito. "Ako na nag bahala sa kaniya," mahina niyang tugon, ang anak ng bisconde ang kaniyang tinutukoy. "Patawad ngunit maiiwan muna kita, Calevi."

"Walang problema."

Walang salita na tinalikuran niya ang mga opisyal na kinakausap niya. Ang tanging gusto niya sa ngayon ay puntahan kung nasaan man naroroon si Rini. Nais niyang humingi ng tawad sa ginawa ng kaniyang kababayan sa babaeng pinakamamahal. Kung alam niya lang na ganito, eh di sana naiwasan niya ang mga posibilidad na mangyayari. Oo, ito ang unang beses na magkakaroon ng mga bisita ang mga Cairon lalo na't mga dayuhan ang mga ito. Kaya hindi na nakakapagtaka na ganoon ang ipinakita ng mga bisita.

Malapit na at maiiwan na niya ang bulwagan nang biglang lumapit sa kaniya si Egos. "Kamahalan," pormal nitong tawag sa kaniya. Patuloy silang naglalakad.

"Dalhin mo sa piitan ang anak na babae ni bisconde Rein. Ikuwesyon ninyo kug bakit ginawa niyang bastusin ang nag-iisang prinsesa ng Cyan. Hindi katanggap-tanggap ang ipinakita niyang pambabastos sa mga bisita ko." matigas niyang utos sa kaniyang kanang-kamay.

"Masusunod po, Kamahalan. Pero..."

Kusa siyang huminto sa paglalakad. Seryoso niyang tiningnan ang kausap. "Pero ano?"

Bago siya sagutin nito ay may ipinakita ito sa kaniya. Isang maliit na papel. Nagtataka siyang tanggapin ito. "Ipinapabigay po 'yan ni Prinsesa Styriniana bago niya lisanin ang bulwagan, kamahalan. Ipinapasabi din niya na hihintayin ka daw niya."

Binawi niya ang kaniyang tingin mula kay Egos. Binalingan niyia ang natanggap niyang papel. Agad niyang sinilip ang nakasaad.

Sa Green house. Maghihintay ako.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now