Habang pababa sila sa malawak na hagdan ay lumapit sa kanila ang isa sa mga mayordomo ng Palasyo. Nagbow ito sa kanila bilang pagbati pero napapansin niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Panginoong Caldwell," tawag nito sa kaniya.

Nagtatakang nagpalitan sila ng tingin ni Houstin. Binawi din niya ang kaniyang tingin saka muli niya tiningnan ang mayordomo. "Anong problema?" pormal niyang tanong.

Huminga ito nang malalim bago siya tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata. "May hindi inaasahan na bisita po, ibinigay-alam niya na siya ay kapatid ng Emperador ng Jian Yu. Naririto daw po siya upang makausap ang nag-iisang prinsesa, si Prinesa Styriniana." may halong kaba nitong tugon.

Medyo kumunot ang noo niya sa kaniyang narinig. Bigla siya napaisip. Alam niya din na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng Cyan at Jian Yu. Pero bakit bigla ito napadpad sa Cyan at hinahanap si Rini? Ano ang kailangan nito sa nag-iisang prinsesa?

"Ngunit, wala ang mga presensya ng mga kamahalan dito." sambit niya. "Nasabi ninyo ba sa kaniya na wala dito ang hinahanap niya?"

"Nabanggit ko din po sa kaniya na umalis ang nag-iisang prinsesa kaya hindi sila mahaharap nito. Ngunit, gusto nilang makausap kahit isa sa mga prinsipe o ang mahal na Emperador." mas lumitaw nag pag-aalala sa mukha nito. "Hindi ko rin masabi sa kaniya na wala din ang mahal na Emperador..."

Tumango siya. "Sige, ako na ang haharap sa kaniya." pagboluntaryo niya nang wala sa oras. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng Palasyo kung nasaan ang tinutukoy ng mayordomo.

Muli sumunod sa kaniya si Houstin. Ang buong akala pa man din niya ay kakaunting utos lang ang magagawa niya habang wala ang pinagsisilbihang amo, nagkakamali pa yata siya. Tulad nito, may dumating na hindi inaasahan bisita. Ngunit may dahilan din siya kung bakit naisipan niya na siya mismo ang haharap. Upang malaman niya ang tunay na pakay nito. O hindi kaya dahil sa hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng Jian Yu at Cyan ay kinuha ng Jian Yu ang pagkakataon na ito upang mag-umpisa ng digmaan habang wala pa ang Imperial Family.

Tumambad sa kaniya ang isang lalaki. Base din sa pisikal nitong anyo ay malalaman na isa nga itong dayuhan. Kasing tangkad lang niya ito. Mahaba ang itim nitong buhok. Singkit ang mga mata at maputi ang balat na kasing kulay ng niyebe. Malalaman din niyang galing ito sa pamilya ng dugong-bughaw ay dahil sa kasuotan nito na yari sa maganda at dekalidad na tela. Maski ang alahas na suot nito, yari sa jade, ang sikat na batong-hiyas ng naturang bansa. Seryosong mukha ang ipinakita nito sa kaniya kung kaya seryoso din niya ito tiningnan.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" pormal niyang tanong, sinisikap niyang maging kalmado sa kaharap.

Bago siya sagutin ay bahagya itong yumuko. Tumingin ito nang diretso sa kaniya. "Hayaan ninyong ipakilala ang aking sarili. Ako si Yu Tang Fei, mula pa sa bansang Jian Yu. Ipagpaumahin ninyo sana sa biglaang pagpunta ko dito na walang abiso. Hindi ako naririto upang maghanap ng gulo o away. Naririto ako upang makita at makausap ang nag-iisang prinsesa ng Cyan." pormal nitong sambit.

"Ngunit sinabi na ng mayordomo na wala sa ngayon ang prinsesa. Ipagpaumanhin mo din sana ngunit, isang linggo pa ang hihintayin mo bago mo man makita ang Prinsesa Styriniana."

Mariin itong pumikit. Nakaukit sa mukha nito na para bang unti-unti nawawalan ng pag-asa. "Kung ganoon, ay wala na akong magagawa pa. Kung maaari sana ay hihingi ako ng pabor."

Muli kumunot ang kaniyang noo sa narinig. "Anong pabor ito?"

"Nakikiusap ako, sana ay maibigay-alam ninyo sa nag-iisang prinsesa na gusto ko siyang makausap sa lalo madaling panahon. Hindi man sa pagmamadali ngunit, sadyang importante ang kaniyang presensya lalo sa panahon na ito. Kinakailangan namin ang kaniyang tulong."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now