“Oy, hindi ah. Tss, dun ka nga hyung.” Pagpapaalis ko sa kanya.

Ayaw nya akong tantanan kaya nauwi kami sa paluan. Ang kulit kasi ng hyung ko na ito. Sa huli, tumigil na rin sya dahil kailangan nya pang magensayo ng wushu. Sya na si Tao ngayon kaya kailangan nyang pag-igihin sa wushu. Kawawa naman ang troll king ng exo.

“Payo lang mula sa gwapong si Chen. Bago ka gumawa ng hakbang, siguraduhin mo munang wala kang masasagasaan ha?”

Yun lang ang sinabi nya tsaka umalis na. naiwan akong, nakatunganga sa sofa. Nasa dorm na kami, pero ang iba sa amin, nageensayo pa rin. Ako, wala lang. di naman kasi nalalayo ang gawain ko kay Chanyeol hyung. Rapper din ako katulad nya. Yun nga lang, pigil ang pagpapakitang gilas ko sa pagsayaw dahil baka magtaka ang mga tao na gumaling sumayaw si Chanyeol hyung.

“Kai”

Napalingon ako sa likod ko. nandoon si Lay hyung, este Chanyeol hyung. Oo, si Chanyeol hyung nga.

“Hyung” pagbati ko sa kanya.

“Kamusta?” tanong nya.

“Ah okay lang ako hyung.” Nagtaka pa ako, bakit sya nangangamusta? Hindi naman ganun si hyung eh.

“Okay, badtrip ka kasi kanina nung dance practice. May problema ka ba?” halos magsalubong ang kilay ko sa mga tinatanong ni hyung. Masayahin si hyung pagkausap pero bakit ang seryoso naman ata nya ngayon?

“Ah yun ba hyung? Naiinis lang ako kasi napagalitan na naman si Kris hyung sa dance practice. Syempre kahit hindi naman talaga ako yung may kasalanan, di ko pa rin maiwasang masaktan tuwing pinapagalitan si hyung. Ako yun eh, katawan ko yun. Pangalan ko ang sinasambit tuwing pagagalitan sya. Kahit si Kris hyung yon, ako yung nasaktan ng sinabi ng instructor na ‘hindi dapat si Kai ang main dancer ng grupong ito’. Alam mo yun hyung? Indirect, ako yung natamaan. Ginagawa ko naman yung best ko eh.”

Paglalabas ko ng sama ng loob.

“Naiintindihan kita Kai. Kaya maswerte ako dahil ikaw ang napunta sa katawan ko dahil alam kong aalagaan mo at iingatan mo yan.” Sabi nya sabay tapik sa balikat ko.

“Salamat sa pagtitiwala hyung.”

Namayani muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“May isa pa akong itatanong Kai.” Seryoso nyang tanong. Walang bahid ng emosyon ang mukha nya.

“Ano yun hyung?” agad kong sabi. Pakiramdam ko, hindi maganda ang kalalabasan ng usapan ito.

“Do you like Harriet?”

Parang nabingi ako sa tanong nya. Hindi agad ako nakasagot, bakit ganyan ang tanong ni hyung?

“A-ah, ano hyung. Ah, ewan… Oo, gusto ko sya. Haha, lahat naman tayo gusto sya diba?” nauutal kong sabi. Shit, tama ba ang sinabi ko?

Tumango-tango naman sya. “I see.”

“Uh bakit mo pala natanong hyung?” nagtatakang tanong ko.

“Because I like her…” He said emphasizing the word ‘like’. “…and I’m planning to pursue her. I’m just checking the competition kung meron man. At dahil sa sinabi mo, hindi naman siguro ako dapat ma-bother right? Kai, I really do like her.”

Parang tumigil ang mundo pagkasabi nya nun. Is he telling me to back off? “Ganun ba hyung. Edi… goodluck na lang. Susuportahan ka namin.”

“Thanks Kai. Aasahan ko yan.” Sabi nya tyaka tumayo. Pero bago sya umalis ay sinabihan nya pa ako.

“And one more thing Kai. Please, wag ka muna sanang lumapit sa kanya. I’m a very possessive person, at ayokong may lumalapit na iba sa pag-aari ko.” then he left. Naiwan akong tulala. Shit, layuan si Harriet? He’s asking for an impossible thing.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon