Chapter 84

296 12 0
                                    

***

Zavier Yutsuko

"Hurt him... and you'll see the final me," I said with rage. Celian's eyes grew bigger and she stepped back. I stared at her coldly and grip my katana tightly. I let her torture me, I let her hurt me, I let her slap me more than once, but hurting Oxford isn't one of those.

"H-how d—"

"You know, I can make impossible to possible..."

Flashback

Nang hawakan na nila nang mahigpit si Oxford ay biglang uminit ang ulo ko. Itinapak ko ang aking dalawang paa sa mismong upuan at tumalon sa likod nito, bale nakayakap na ako sa upuan, kasabay nun ay binaril ako ng isa sa mga tauhan niyang sakto naman ag dala dala ang katana ko.

Nasaktan ko pa ang dibdib ko, but I just ignored it. Nang binaril ako nung lalake, isinakto ko iyon sa mga kadena na nakakabit sa kamay ko. Nang matanggal iyon ay kinuha ko na ang aking katana.

End of Flashback

"Get her!" nanggagalaiti niyang sigaw nang maka-get over sa nangyari. Tarantang sinunod naman siya ng kanyang mga tauhan, at sabay sabay silang tumakbo papunta sa akin. Mala-demonyong ngisi ang sumilay sa aking labi.

Pina-ikot ko sa akin kamay ang katana at sinalubong sila. Oh yeah, this is what I like.

Pinaputukan nila ako, but they're too slow.

Ngumisi na naman ako at nakita ko kung paano sila mahintakutan sa ngising 'yon. 'Yan nga, matakot kayo. You can touch everything but not my Oxford!

Hiniwa ko sa leeg ang unang sumugod sa 'kin, sumunod naman ay sinaksak ko sa tiyan. Ang iba ay pinutulan ko ng kamay o ulo, at dahil tao lang naman ako ay nasusugatan din ako. Pero wala akong pakialam.

Pinalabas nila ang tunay na demonyo.

Patuloy pa rin ako sa pagsalo at pag-atake sa kanila, pero bakit hindi sila nauubos? Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod sa aking mga kamay, paa, likod... sa buong katawan ko.

Halos lahat kami ay lumalaban, pero kapwa pagod na. Kailan ba matatapos 'to?

-

"Ang pinakamalakas na sandata sa isang gyera, ay puso... pagmamahal. Hindi mo man nahahawakan, hindi mo man nakikita, pero alam mo sa sarili mong nararamdaman mo," sabi ni Wowo habang hinihimas himas ang buhok ko.

Kakatapos lang namin sa pag-eensayo, at heto nakikinig ako sa mga paala ni Wowo.

"Talaga po? Eh bakit po gano'n?" takang tanong ko.

Marahan siyang ngumiti at pinisil ang ilong ko, napangiti na rin ako. "You'll know what it means, at the right time..."

-

Bigla kong naalala ang sinabi ng Wowo. Ito na nga ba ang ibig sabihin no'n? Na kaya mong gawin ang lahat para sa minamahal mo? Na kaya mong magpakademonyo dahil sa pagmamahal? Gano'n nga ba ka makapangyarihan ang pag-ibig?

Sa awa ng Diyos, naubos ko na rin ang nagbabantay kay Celian. At halos mandiri ako sa kalagayan ko, dahil halos naliligo na ako sa dugo.

"Now, this is the time. We'll face each other's demon," malamig na saad ko.

Humalakhak naman si Celian, at itinaas ang isang katana. Kulay abo ang hawakan at may naka-ukit na katawan ng ahas sa blade nito. "Nakikita mo ba 'to? Kung sayo ipinamana ang katana ng Lolo mo, gano'n din sa'kin. Ngayon, itutuloy na 'tin, ang laban na kinalimutan ng panahon, ang labanan sa pagitan ng ating pamilya."

Tinignan niya ang katanang hawak niya at ngumisi. "Ang nakakalungkot nga lang, ay naging magkaibigan tayo. But, I never treated you as my friend, you just fell on my trap, and I will end you as I've promised to my grandfather, brother and to my parents!"

She's My Boyish GirlOn viuen les histories. Descobreix ara