Chapter 27

754 41 4
                                    

***

Zavier Yutsuko

UMUPO ako sa sofa habang pinapanood ang pagdaan ng mga movie sa screen ng TV. Nag-aya ang dalawa na mag-movie marathon kaming tatlo kaya pumayag na ako to ease my mind dahil ang gulo gulo na ng utak ko lalo na nitong mga nakaraang araw. Nag-agawan pa si Jiro at Laurence sa remote.

"Romcom nga kasi, Lau!" Asik ni Jiro at hinila ang remote papunta sa kanya ngunit hindi ito binitawan ni Laurence.

"I want to watch action! Ang boring ng romcom mo!" Hinila rin pabalik ni Laurence ang remote papunta sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang cellphone ko. Naka-connect kasi ang tv namin sa cellphone ko kaya pwedeng-pwede kong kontrolin ang TV at ilipat ito sa movie na gusto kong panoorin. Nagsimula na ang movie na napili ko at laking gulat naman ng dalawa dahil hindi pa sila natatapos mag-agawan ay nagsimula na.

"Idiots, manahimik na kayo. Magsisimula na yung movie." Ani ko at inirelax ang likod ko sa sandalan ng couch at kumuha pa ng kumot upang ilagay sa paa ko.

Nagsimula na ang movie at background music pa lang ay mahahalata mo ng horror ang pinili ko. Evil dead ang napili kong panoorin, kasi maganda naman. Gore but very nice.

"Ano yan?! Bat horror?!" Gulantang na tanong ni Laurence.

"Iba na lang, Pareng Javier! Huwag yan!" Tutol din ni Jiro. I chuckled at them, nagtulungan pa talaga sila sa pag tutol sa gusto ko. Nang magpakita na ang unang nasapian sa evil dead ay agad na napaupo ang dalawa sa kanya kanya nilang pwesto na may hindi kaaya-ayang mga reaksiyon.

"Oh come on, stop being coward. Pelikuka lang yan!" Natawa pa ako. Para na silang matatae nang tumahimik bigla. They got the throw pillow na nakita nila and used it to cover their faces.

"Ilipat mo na kasi yan!" Naiinis nang sigaw ni Laurence sa'kin. Tumawa ako sa kanya ngunit hindi ko siya pinakinggan.

Ang ganda na nang pinapanood namin, nasa may part na na masasapian na si Mia. But I don't know what happened, something came into my mind making me stop.

It was his words again. Natulala na lamang ako kahit nasa exciting na part na ng movie. Mabuti na lang ay hindi ako napapanson ng dalawa. I'm aware and wide awake. Pero kinukuha mismo ng salita niya ang atensyon ko sa mundo.

Parang kinuha ako ng sarili kong mundo at paulit-ulit kong naririnig ang boses niya.

"You don't smile like that, when talking to me."

Napakunot ang noo ko at sa hindi malamang dahilan at parang may kung anong lumilito sa puso ko. Why do I feel bothered? Ano bang pakialam ko sa sinasabi niya?

I focused my attention on the movie in front of me at sumubo ng strawberry. "You don't smile like that, when talking to me."

"What the fuck is wrong with me?!" Bulalas ko. Sa hindi sinasadyang pagkakataon.

"Hey what's wrong, Zavy?" Napalingon sa akin si Jiro at Laurence na may nag-aalalang mga mukha. Napatitig na lang ako sa kanila. Gumawa ako ng kahihiyan just because of his words?! Ni wala nga siya dito at gawa lang yun ng utak ko!

Umiling ako. "Don't mind me, may pumasok lang sa utak ko. Excuse me," ani ko at umalis. Nagtaka pa sila dahil sa ikinilos ko ngunit hindi ko na ininda pa iyon I badly need consultation right now. Mababaliw na ako.

I went to my room here in TIL in instant and grabbed my phone near me. I dialled Papa Jo's digits. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko.

"Yes, anak? Do you need anything?" As usual his calming voice made me calm. Umupo ako sa kama ko habang nasa tenga ko pa rin ang aking telepono.

"Pa, I think I need to go back there. Or maybe transfer to US!"

[Why, hija? Did something bad happened there? Want me to come? I can book--]

"Papa, I have something to tell you. I think I'm sick, my heart is not in a good condition anymore. It beats rapidly when I'm with that someone and then my head replays the voice of that someone over and over again! It is making me crazy!!" Nababaliw kong saad na umabot pa sa tipong sumisigaw na ako sa loob ng kwarto, mabuti na lang at sound proof ito.

Papa Jo laughed at me or to what I've said. Taka naman akong napatingin sa cellphone ko. Baka hindi lang ako ang dapat na magpa-consult, isasama ko na rin ang Papa ko. He seems crazy to, maybe this is because of our work?

[Hija, you're good, you're fine. Having that 'kind' of feeling is normal because you're normal! You called me for this? Seriously, Zavier? Normal lang magkagusto sa isang tao--" With what I've heard I immediately ended the call even though it seemed rude.

Gusto?!

Just because his voice is ringing in my head endlessly gusto agad?

Just because I can't get him off of my head, may gusto agad ako sa kanya?

Just because my heart beats rapidly by just his mere presence, gusto ko na agad si Oxford?!

Hindi pa pwedeng.. hindi ba pwedeng ano..

My phone suddenly rang in the midst of 1v1 between me and myself. Inis kong tinignan ang cellphone at hinintay na tumigil ito dahil unknown number ito, but the damn bastard didn't even gave up and stayed.

I lost my patience so I picked it up and answered the call. "Who the fuck are you, and why are you fucking intruding my peaceful night?!"

[Ahh, hi, Zavy? Na-istorbo ba kita?] Napatigil ako at nanlalaking matang tumingin sa screen ng cellphone kong may on-going call.

[Zavy? Hello? S-still there?] Napatigil ako sa saglit. Seconds ago I was just thinking about this guy, and now his DAMN CALLING ME?!

"O-oxford?!" Napalunok pa ako. Why am I stuttering?! Naiinis na talaga ako sa sarili ko.

-

OUR NIGHT became, blissful for no reason. It just happened. I answered his call, and we talked till three am in the morning na para bang hindi kami magkikita kinaumagahan. I didn't expect to enjoy his company, but I really did.

Eventually, I don't have any plans in sleeping but his voice began to fade. I waited for a couple of minutes, which is very rare to me kasi maliit lang ang pasensya ko. Ten minutes had passed and no him talked then I heard a faint snore.

Tinulugan ako ng gago pero napangiti pa rin ako. I ended the call. Anong sabi? "Walang tulugan?" But he slept.

He talked about some random stuff, kahit yung mga walang kwenta ay kinwento niya. Sobrang daldal niya kumpara sa kung ano yung inaasahan ko sa kanya. He seemed cold and harsh the way he walk and base on his physique.

But the Oxford whom I talked with is a whole different him. Hindi ko alam pero sa tawagan na nangyari ay nakangiti lamang ako na hindi ko na namamalayan pa. I'm unexpectedly happy with what happened and I don't even know why.

Basta ang alam ko, something's going on within me connected to Oxford.

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

She's My Boyish GirlWhere stories live. Discover now