Chapter 80

267 17 1
                                    

Grabe, nababaliw na ako sa 2Gether The Series na BL! Panoorin niyo po kung hindi niyo pa na napapanood!

***

Zavier Yutsuko

Tumahimik ang lahat nang ibaba ko na ang telepono. Bigla bigla ko na lang nakita ang mukha ni Nox na nakangiti, and he mouthed the sweetest words I know. I love you. Napapikit ako, at hinimas ang aking sintido.

There's no way, I would let this go. My loved ones are involved now, at sila pang lahat. Hinding hindi ako makakapayag n ganun ganun na lang 'yun! Na pa-easy easy lang na dakpin nila ang mahal ko! Hindi ako makakapayag!

"Lady Akuma? What's happening?" kuryusong tanong ng isa sa mga council. Tinignan ko siya, may pag aalala ang mukha niya. Yumuko lang ako, itinukod ko ang aking dalawang siko sa lamesa at napahawak sa aking ulo.

This can't be happening! I won't let anyone to get hurt again! "We're going back to Philippines. And now, we're going to meet that someone, who dared to play with me," makahulugan kong anunsyo.

Umangat ang lahat ng kanilang paningin sa akin. Ang iba ay napangiti, ang iba naman ay tila disgusto sa aking sinabi. Napatayo ako sa aking kinauupuan, at tumalikod na. Now this is the real deal.

Napahinto ako nang may humawak sa braso ko. Hindi mahigpit, hindi rin maluwag. "Anata.. hitori janai," sabi niya tumango ako. "Domo arigatō gozaimasu." inalis ko ang pagkahawak niya sa akin.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad agad sa akin ang ilan sa aking mga tauhan. Marahan akong napangiti. I guess, ito na rin ang panahon na magkakaisa na ang pinakakatakutang Mafia at Yakuza.

"Lady Akuma! Anata hitori janai!" yumuko sila kaya napatango-tango ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malampasan ko na sila.  I feel so proud of the group that I have.

I may have lose my father but I just gained a family who accepted me for who I am, and will support me for what I do. I know, we will win this battle, cause I  have a second family who backs me up.

Marami rin akong suspect na iniisip. Nung una nga ay hindi ko naisip na magagawa niya iyon. Si.. Keana at Kiara. They are my main suspects since may kahina-hinala silang ginagawa. May instances kasi na nawawala ang isa sa kanila tuwing may nangyayari.

I know it's not right to judge, but that's the only thing I'm holding on. Sila lang ang napapansin ko, pati na rin ng mga spies ko. Yes, spies. Pinasundan ko sila, and totoo nga they are hiding something.

Pumunta ako sa aking silid, at narinig ko pa ang langitngit ng aking pinto nang buksan ko iyon.  


                                           Zavier Yutsuko

Biglang bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Marcel. "Did you get it?" pambungad kong tanong nang hindi tumitingin sa kanya dahil abala ako sa paghahanda sa aking mga damit. Pagkatapos kong isalansan ang ikahuling damit ay isinara ko na ang aking maleta at liningon siya. "Where is it?" tanong ko sabay lahad ng kamay.

He handed me an old case na kulay kayumanggi. It's a wood case na may habang dalawampung pulgada. Maingat ko iyong kinuha at inilapag na muna sa aking gilid ang aking maleta. Hinaplos ko ang ibabaw nito at binuksan.   

She's My Boyish GirlWhere stories live. Discover now