Chapter 90

362 18 4
                                    

***

Nox Cantrell

I can't believe who I'm seeing right now!! I-is this my karma?

Nanatili akong tahimik habang pinapanood ang pagkain ng mag-i-ina. They look so happy, na para bang wala silang pakialam sa mundo. And who I am to interfere? My mind is in real chaos. Akala ko ba patay na siya?!

"Mommy, is the mister mad at us? He keeps staring, for almost ten minutes now," rinig kong sumbong ng batang lalake kay Zavier. Kaya napakurap ako.

He's staring at me, kung ganon... ganon na ko katagal nakatitig sa kanila?! Kahiya naman! Nagmukha akong tanga! Pati bata napansin ako! Kahiya talaga.

Umikot si Zavier at tumingin sakin. Then she flashed a sweet smile that everyone couldn't ignore. Tumibok ng mabilis ang puso ko sa hindi makontrol na paraan.

I miss her... I really do. Pero pano na ngayong may pamilya na siya? Naghintay ako sa kanya, pero bakit ganito? Sisirain ko pa ba ang pamilya niya kahit may mga anak na siya?

"Are you alright, Nox? Are you feeling sick?" may bahid ng pag-aalalang tanong niya sa akin.

Umiling ako at mabilis na ibinalik sa aking pagkain ang aking paningin. Kahit anong pilit ko sa pagpipigil ay pigil hiningang binabantayan ko ang bawat kilos niya.

I can feel her stares towards me. It's making weak. Hindi ko alam bakit pero parang ganon. But something's off about her. Something's missing and I just can't figure it out.

"O-okay, but if you feel sick. Just tell us," dagdag pa niya habang nakangiti. Bakit parang pinaparusahan ako ng mundo? Ba't may ngiti pa?!

Napangiti na lang din ako at napatango-tango. Pwede na bang manira ng pamilya? Kung yang ngiting yan ang kapalit?

"O-of course," sagot ko na lang at itinuloy ang pagkain.

"Zavier, ano ba talaga ang pagme-meeting-an natin? A-and, k-kailan ka pa bumalik?" biglang tanong ni Keana.

Kanina pa yan nagpipigil. Kanina pa siya nakatingin kay Zavier, alam kong miss na miss na niya si Zavy. Kaming lahat obviously.

"Ah, that?" sumubo siya ng steak. At hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin, pero bat ang sarap niyang tignan? Este ang steak pala.

Napa-ubo na lang ako ng wala sa oras, napatingin naman sila sa akin. Kalma, Nox. Kalma! Si Zavier lang yan, yung babaeng mahal na mahal mo!

Yung babaeng iniwan mo sa ere.

Ang tagal na non? Mapapatawad pa ba niya ko? Sa kabila ng nagawa ko, mapapatawad pa ba kaya niya ako? Nagsisi nako kung bakit ko pa ginawa yon.

"Actually, I don't know. We're just waiting for Daichie, to arrive. He's the one who arranged and invited all of us here. He didn't mention anything, when we've talked last time."

Si Zach? Ba't naman mag-aaya yon? And bakit kasali ako? Eh kapag nakikita ako non binubugbog agad eh.   Napatingin na naman ako sa kanya, at pinagmasdan siya.

She haven't changed a lot. Nag mature lang ang physical aspects niya, and dagdag na rin yung mga anak. Pero, siyang siya pa rin ang babaeng minahal at minamahal ko.

She's My Boyish GirlWhere stories live. Discover now