Chapter 81

233 14 0
                                    

Third Person

Napatulala si Zavier at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Hindi dahil sa benteng katao na nakatutok ang mga baril sa kanya kung hindi sa taong nasa gitna na kumakaway at ang siyang bumabati sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi maproseso ng utak niya ang lahat. Hindi siya sigurado kung kukunot ba ang noo niya, manginginig ba ang tuhod niya, iiyak ba, susuntok ba. Ewan, naguguluhan na siya.

"C-celian?" naguguluhan niyang tanong at paulit ulit na tinignan ang mga tao sa likod at kay Celian na abot tenga ang ngiti. Hindi siya sigurado pero, tila may kung anong nabasag sa loob loob niya at hindi niya matanggap ang nangyayari.

"Hi, Sa-Sa! Do you like my surprise?" nang-aasar pa nitong tanong at hindi matanggal-tanggal ang ngiti nitong matagumpay. Nabitawan ni Zavier ang kaninang dala-dalang katana. Wala na siyang ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang pagkabigo at sakit.

Paano nagawa sa kanya ito ng sariling kaibigan? Tinrato niya ito ng totoo. Pero bakit? Ni kahit minsan ay hindi niya naisip na si Celian ang nasa likod ng lahat. Ang mala-anghel nitong mukha, ang napakalambing nitong boses.

Ang magandang pagtrato nito sa kanila ng mga kagang mates. Mas naisipan niya pa si Keana at Kiara na nasa likod ng lahat dahil sa mga kahina-hinalang galaw nito, ngunit.. nasa tabi niya lang pala ang dahilan ng kaguluhan ng buhay niya.

Ang taong isa sa mga pinagkatiwalaan niya. Hindi niya maatim at masikmura ang ideyang si Celian pala.. Celian lang pala ang ahas na balak siyang tuklawin. "Tie her up, higpitan niyo para hindi makatakas. May sa surot pa naman 'yan, at nakakatakas na lang," malamig na utos nito sa mga tauhan.

Agad na nagsisunuran ang mga inutusan niya at dali daling tinalian si Zavier. Hindi lang basta tali ngunit kadena, dahil baka makawala. Hindi na nakapagpumiglas si Zavier dahil hindi maproseso ng utak niya ang nangyayari.

Hindi niya matanggap tanggap. Parang pinapatay siya sa loob loob niya. Sino ba naman ang sasaya matapos traydurin ng sariling kaibigan. Kinamkam ang yaman niya, halos mapatay ang kapatid niya, at ang mas malala ay pinatay nito ang isa sa mga best friends ni Zavy.

"Go," utos ulit ni Celian na tumango pa. Tumango rin ang isa sa mga lalakeng nasa likod ni Zavy at binatukan siya. Huling nakita ni Zavy ang nakangising mukha ni Celian bago siya hilahin ng dilim.

-

Nox Cantrell

Sinubukan kong iginalaw-galaw ang aking mga braso. Nangangawit na kasi. Φθψκ! Ba't ako nakagapos?! Mas sinubukan ko pang maggalaw galaw, but no avail. Sobrang higpit ng pagkakatali nila sa akin.

I heard some foot steps coming from the right side, kaya lumingon ako sa side na 'yun.

"Uy! Paparating na raw si boss at ang mga kasama natin! Dala dala na nila ang gusto ni Boss!"

"Talaga ba? Ang galing talaga ni bossing ano?"

"Nga eh. Hirap pa namang hulihin ng taong 'yun, pero akalain mo? Nahuli siya ni Boss?"

Halatang halata ang pagkamangha sa mga boses nila. Sino ba ang pinag-uusapan nila? "Hey! Both of you! Kalagan niyo ko!" sigaw ko. Pero hindi man lang sila sumagot.

"Bingi ba kayo ha?! Sabi ng pakawalan niyo ko dito!"

Imbis na sagot ang makuha ko isang maarteng halakhak ang narinig ko. Who's that? "Sino ka?" tanong ko.

"Oh dear. Nadamay pa ang isa sa mga Cantrell. Tsk.. Tsk.. Tsk.." bigla may umihip sa pisnge ko kaya napaiwas ako papuntang kanan. "Ano ba!" naiinis kong saway sa babae, but she just chuckled.

She's My Boyish GirlWhere stories live. Discover now