Tumungo nalang si Fay kaya naman hindi na ako nakapagtimpi kay sir at sumagot na.

"Excuse me but that's a little too much sir." I said.

"Omg, walang galang!"

"Grabe, anlakas ng loob!"

"Ngayon lang may sumagot kay sir ng ganyan grabe!"

"What do you expect from a squatter!"

"Hu ar yu?" Tanong ni sir sa'kin. Langyang accent 'yan.

"Estudyante mo ho." Sabi ko at tsaka sumandal sa upuan. Dinig ko ang bulungan nila dahil sa inaasal ko pero wala akong pakialam. Sobra na ang pamamahiyang ginagawa n'ya at sinasabi kay Fay.

Kailangan mo din naman akong mapansin so anong mawawala sa'kin if i add up a little entertainment?

"Aba bastos kang bata ka ah. Stennap!" Sigaw n'ya pero hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. Tanginang kaartehan 'yan, stennap daw.

"Stand up daw te." Bulong ni Vince sa'kin. Napalingon naman ako sakan'ya dahilan para mahagip ng paningin ko ang apat na pugo sa likod. Si Joaquin ay akala mo nanalo sa loto kasi kung makangisi ay abot noo n'ya. Mukha tuloy s'yang si IT. Habang 'yong tatlo naman ay animo nagtataka sa'kin.

Tumayo ako at tsaka tumingin ng deretso kay prof dahilan para magulat s'ya. Pa'no gulat 'te?

"Talagang matapang ka ha. Tignan natin ang tapang mo sa lessons natin ngayon." Sabi n'ya at tsaka binuklat ang libro n'ya. Dalawang libro ang dala-dala n'ya kanina. Science 11 and 12, pero ang binuklat n'ya ay pang grade 12, tsk akala ko ba lesson namin?

Nagsimula ang malakas na bulungan kaya naman napahalukipkip nalang ako habang nag aantay ng itatanong ni sir. Hindi n'ya yata ako nakikilala kaya napapailing-iling nalang na tinignan ko si sir na nagbubuklat ng libro.

Baka magmukha na akong mayabang nito ha?

***

Joaquin's PoV

Lumabas na ang prof namin at hindi naman daw pupunta ang adviser namin kaya pwede kaming lumabas at gumala. May naisipan naman akong kalokohan kayan agad akong tumayo at humarap kina Lucas.

"Tara. May bu-bwisitin tayo." Sabi ko at kinuha ang bag ko.

"Saan tayo bro?" Tanong ni Marco. Tinignan ko lang s'ya at nginitian ng nakakaloko kaya naman napakunot ang noo n'ya.

"Hindi pa naman tapos ang klase ng grade 11 dude, sa'n punta natin?" Sabat naman ni Marcus.

"Basta." Sabi ko at naglakad na papalabas. Hindi naman na umangal si Lucas at sumunod nalang din.

Habang naglalakad kami ay dinig na dinig ang mga tilian sa bawat classroom na madadaanan namin. Gwapo ko talaga.

Habang naglalakad kami at s'yang paglabas ng isang section ng grade 12 kaya medyo napahinto kami sa paglalakad. Teka... s'ya yung lalaki na kung makatingin sa'kin kanina ang sama ah. Nakatingin lang s'ya sa'kin bago nagsimulang maglakad papalayo. Psh.

Pumunta kami sa classroom kung saan nakita ko kanina si Fay noong pabalik ako sa classroom. Psh, kung makapagtanong sila kanina grabe, akala mo may ginawa akong krimen.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now