Hindi ko na sila pinagsalita pa at naglakad nalang kung saan ko nakitang nagpunta 'yong tomboy at agad ko naman s'yang nakita na papunta sa garden kaya naman sinundan ko s'ya ng tahimik. Nanatili lang akong nakatingin sakan'ya hanggang sa maupo s'ya sa may damuhan sa ilalim ng puno.

Doon ko lang napansin na walang dumadaan o nagpupuntang estudyante dito. Hmm, kahit ako ay hindi pumupunta dito dahil makipot ang daan papunta--

"H'wag mo 'kong titigan."

Agad akong napapitlag ng magsalita s'ya habang nakatalikod. Sinong kausap n'ya? Ako ba?

Naglabas naman s'ya ng sigarilyo at akmang sisindihan na 'yon kaya naman bago pa n'ya mailagay 'yon sa bibig n'ya ay lumapit ako sakan'ya at tsaka kinuha 'yon bago itapon sa malayo.

Asar naman akong tumingin sakan'ya at ng masalubong ko ang tingin n'ya ay ako din ang umiwas ng tingin dahil napakatalas n'yang tumingin!

"Ano ba! Nakakadalawa ka na ha!" Sigaw n'ya kaya naman napaatras ako bigla. Bakit ba ang siga ng tomboy na 'to?!

"B-bawal manigarilyo dito sa school, napakabobo mo naman!" Sigaw ko pabalik sakan'ya bago naupo sa isang puno malapit sakan'ya, kaharap kumbaga. Tumingin ako sa relos ko at nakita kong 12:30pm na, 30 minutes pa bago magsimula ang klase. May oras pa ako para mang-asar hehehe.

"Alam ko 'yon syempre!" Sigaw n'ya at bugnot na kumuha ng isang stick ng sigarilyo. Sisindihan n'ya na sana 'yon ng hatakin ko sa kamay n'ya ang lighter bago itinago 'yon sa loob ng pants na suot ko dahilan para magtama nanaman ang paningin namin. Tinignan n'ya ako ng masama kaya naman napalunok ako.

Bakit ba nakakatakot salubungin ang mata ng tomboy na 'to? Ayoko lang naman ng amoy ng sigarilyo at gusto ko lang din naman s'yang inisin!

"Ah, so alam mo at inaamin mong bobo ka gano'n ba?" Tanong ko na ikinakunot ng noo n'ya lalo.

"Alam kong bawal--alam mo? Sasamain ka sa'kin!" Sabi n'ya habang itinuturo pa ako kaya medyo natawa ako. Pikon din pala 'tong isang 'to. "Sawa ka na bang mabuhay ha?" Tanong n'ya at tsaka ako inismiran. Pero...bakit parang may laman 'yung pagtatanong n'ya?

"Bakit ka ba naninigarilyo ha? Ang baho baho ng amoy n'yan eh." Sabi ko habang nakatingin sakan'ya na animo nangdidiri.

"Oh, eh ayaw mo pala ng amoy bakit ka nandito ha? Wala namang pumilit sayyo na sundan ako eh." Tanong n'ya at tsaka kumuha ng posporo. Aba't talaga naman!

Akmang lalapit ako sakan'ya ng bigla n'yang idireterso sa mukha ko ang paa n'ya pormang nakasipa kaya naman napabalik ako sa pagkakaupo ko. Tsk!

Kinuha ko nalang ako cellphone ko dahil bigla 'yong tumunog, may nag text.

FROM: 09*******75

SPEND TIME WITH YOUR FAMILY.

"Ano naman ibig sabihin neto?" Mahinang tanong ko sa sarili ko pero agad na napaubo bigla dahil sa usok na bumuga sa mukha ko.

*cough* "Gago ka ah! Lumayas ka nga dito!" *cough cough* Sigaw ko sakan'ya. Nakita ko naman s'yang tatawa tawa kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Bakit? May pangalan mo ba 'tong lugar na 'to at pinapaalis mo ako ha? At h'wag mo akong tignan ng masama, hindi mo ako matatakot sa gan'yan." Sabi n'ya na para bang nakikita n'ya akong nakatingin sakan'ya kahit na sa malayo sya nakatingin. May powers ba 'tong babaeng 'to?

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now