Pinili ko nalang na hindi na pansinin ang mga 'yon. Ibinaling ko nalang sa ibang bagay ang mga mapapansin ko. Dinaanan muna namin ang isa sa mga pasilyo ng Kastilyo bago namin marating ang isang malaking pinto. May dalawang kawal sa magkabilang gilid nito. Sila mismo ang nagbukas ng pinto para sa amin. Hindi tulad sa nakasanayan namin, walang anunsansyon na naganap. Hinayaan lang kami mapasok doon. Agad ko iginala ang aking mga mata sa loob ng bulwagan ng kasiyahan. Maraming iba't ibang klaseng pagkain at inumin dito sa loob. Kapansin-pansin din ang mga malalaking chadelier sa kisame, kahit ang mga ilaw na magaganda ang pagkadisensyo sa pader. Nakabukas din ang mga kurtina sa mga malalaki at malalapad na bintana ng bulwagan.

Nanatili pa rin ang pagkahawak ko kay Vencel ay may lumapit na sa aming isang mag-asawa. Isang masayang ngiti ang iginawad nila sa aming pagdating. "Ikinagagalak kong makilala ka, Emperador Vencel ng Cyan..." panimula nilang bati saka ipapakilala na ang kanilang mga sarili sa amin. But I didn't pay any of my attention to them. Instead, I'm still busying myself to praised the interior and wonderful room silently.

Nang medyo nabobored na ako sa mga naririnig kong topic nila, doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na balingan si Vencel. Nagpaalam na ako sa kaniya na maglilibot ako sa loob ng silid. Agad niya akong pinayagan dahil may assurance akong ibinigay sa kaniya. Kasama ko sina Caldwell at Houstin na nakabuntot lang sa akin dahil kinuha ko sila bilang mga bantay ko. Ginagawa kong hangin ang mga mata na nakatutok sa akin. Hindi ako pumunta rito para sila ang sadyain ko.

May mga nagilibot na mga tagapagsilbi dito. May mga dala silang inumin. Nang dumaan ito sa akin ay kumuha ako ng isa, ganoon din sina Caldwell at Houstin. Tumigil ako sa paglalakad saka itinagilid ko ang aking ulo. Pareho silang lumapit sa akin para pakinggan ang aking utos. "Iwan ninyo muna ako. Tatawagin ko nalang kayo kapag may kailangan ako." mahina kong utos sa kanila.

"Pero... Mahal na prinsesa..." may pag-alangan sa kanilang boses.

Humarap ako sa kanila na may ngiti sa aking mga labi. "Hindi lang para sa akin at sa mga prinsipe ang pagdiriwang na ito. Para din sa inyo. Hangga't naririto pa tayo, abusuhin ninyo nang makipagsiyahan." payo ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa na may pagtataka sa kanilang mga mukha. Sa huli ay mukhang wala na silang magawa pa kungdi sundin ang aking sinabi. Hindi mawala ang ngiti ko habang hinahatid ko sila ng tingin. Kahit na uminom ako ng kaunting alak mula sa hawak kong kopita ay nagawa ko pa rin silang tingnan. Pero mukhang tagumpay napukaw ng alak na ito ang atensyon ko. Masarap siya't matamis-tamis. Dahil d'yan ay muli ako kumuha nang nang naubos ko ang isang baso.

Patuloy pa rin ako gumagala sa loob ng silid nang nahagip ng aking paningin ang bulto ng isang lalaki na mag-isang nag-iinom sa isang sulok. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Sa tingin ko, ito na ang tamang pagkakataon na malapitan at makausap ko siya sa isang seryosong bagay.

"Kuya," tawag ko sa kaniya nang nasa likuran niya ako.

Naudlot ang pag-inom siya saka lumingon sa akin. Medyo nagulantang siya nang makita ko siya. "Rini," tawag niya sa akin. "Umiinom ka?" medyo hindi siya makapaniwala dahil nakita niya ang hawak kong kopita. Huh, bakit? Alam naman niyang nag-iinom ako. Kitang-kita niya 'yon noong naghahanap kami ng bagong myembro.

Tahimik akong tumango. "Ayos ka lang po ba?" diretsahan kong tanong sa kaniya.

"Oo naman, bakit, aming bunso?"

Lumabi ako't tumangu-tango. "Ayos ka lang pero ilang araw ka na pong tahimik." kumento ko. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. "Aminin mo po, kuya... Anong problema?" sa tono ko na hindi basta-basta mapapaikot.

Mas lalo siya hindi makapaniwala sa sinabi ko. Oh, did I hit... Bull's eye?

"Rini..." mahina niyang tawag sa akin.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now