"Sumikip na ng konti yung mga damit ko. Baka maipit si baby." bulong ko rin

"Sabagay. Let's go!" hyper na sabi nito

Shopaholic kasi ang isang ito kaya excited. Pumili na kami ng mga damit namin at nag-fit. Konti lang ang binili ko dahil sa States na ako bibili ng ibang damit ko.

"Sigurado ka na ba sa pag-alis mo, bessy?"

"Of course. Kailangan kong umalis sa lalong madaling panahon. Nakukunsumi ako rito sa Pilipinas. Lalo na kay Kuya na kulang nalang ikulong ako sa bahay." napapalatak na sabi ko

Natawa naman siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh.

"Nag-aalala lang sayo yun. You know how protective he is."

"Tsk. Mapapaanak ako ng wala sa oras sa kanya. Bwisit." nakasimangot na sabi ko

"Bessy, hayaan mo na ang kapatid mo. Wag mo ng pansinin. Stress lang ang abot mo. Jusko! Hindi ko na kakayanin pag tinakbo ka pa ulit sa hospital!"

Ako naman ang natawa sa sinabi niya. OA talaga ang bestfriend ko.

"Scarlett!"

Sabay kaming napangiwi ni Chloe nang may sumigaw sa likuran namin. Si tita talaga minsan pinapahamak ako. Mabuti nalang at kaunti lang ang tao sa botique nila.

"Tita!"

"Kamusta ang mga magaganda kong pamangkin?" nakangiting tanong ni tita

"Maganda pa rin tita.." tumatawang sagot ni Chloe

"Loko ka talaga. Oh? Nakahanap na kayo ng mga damit niyo?"

"Yes tita. Nag-lilibot pa kami baka may makita pa kami." Sagot ko naman

"Hindi mo ba kasama ang mommy mo, hija?" tanong niya sakin

"Hindi po. May inaasikaso po sila ni Dad." sagot ko

"Eh ikaw Chloe? Asan ang mommy mo? Hindi ko na nakakabonding ang mga kapatid ko ah!"

"Nasa bahay si mommy, tita." sagot naman ni Chloe

We're not just best friends. We're cousins too. Malapit naman ako sa mga pinsan ko pero kay Chloe ako pinakamalapit dahil sabay kaming lumaki. Tatlong babaeng magkakapatid sila mama. Astig noh? Tres marias.

"Sige. Pumili na kayo at babalik na ako sa office ko." sabi ni tita bago bumeso samin

Pagkaalis ni tita nag-libot kami ulit. Nang matapos kami, nagbayad na kami ni Chloe. Kahit naman na tita namin anv may-ari nito, hindi pwedeng hindi kami magbayad. Business is business.

Papalabas na kami ni Chloe ng botique nang may mapansin ako. Ngayong buntis ako, napakasenstive ng senses ko. Hindi ko alam kung dala ng pagbubuntis ko o talagang alerto ako sa paligid. Naniningkit na napatingin ako sa paligid. Sampu. Sampu sila.

"Bakit bessy?" tanong sakin ni Chloe

Hindi ko sinagot ang tanong niya at gigil na kinuha ko ang cellphone ko. Naka-ilang ring muna bago may sumagot. Hindi ko na siya pinatapos at sininghalan ko na siya.

"Send your men away from me!"

I heard him cursed. Nanggigigil talaga ako kay Kuya. Pinadala ba naman dito ang mga bodyguards niya! Nakilala ko sila dahil sa get up nilang men in black!

[No. I will not send them away.]

"Send them away or I will f*ckin' kick their ass off of here!" galit na sabi ko kay Kuya

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon