"Dilston!" malakas kong tawag sa kaniya. Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti Mabilis niya akong dinaluhan. "Kamusta ka na? Ang tagal na din nang huli kitang nakita!"

Bago niya ako sagutin ay nagbigay-pugay siya sa aking harap. Tumayo siya nang tuwid. Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. That jet black hair color and ivory white skin. Especially his hazel brown eyes. "Binabati kita, Rini sa pagtuntong mo sa iyong tamang edad, pati na sa iyong espesyal na kaarawan." marahan niyang sabi. "Hindi ko akalain na titingkad ang kagandahan mong taglay."

Naku, lumipas lang ng mahabang panahon, marunong nang mambola. Tinuruan siguro ito ni Otis. "Ikaw naman, mas tumingkad ang pagiging makisig mo." tumigil ako nang panandalian. "Pero, seryoso ba itong nakikita ko, Dilston? Kasama ninyo sina Luth at Heidi. Ibig sabihin...?"

Muli siya napangiti saka tumango. "Aksidenteng nakita ng aking magulang ang mga kapatid ko habang masayang naglalaro sa hardin ng palasyo noon. Ako ang nagpaliwanag, kinumbinsi ko din sila na hindi sila sumpa tulad ng sinasabi ng grupo ng mga hukom. Pero may isa lang din ako ginawa kaya nagawa nilang tanggapin ang mga kapatid ko at pormal nila idineklara bilang parte sila ng mga Albelin."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-anong ginawa mo?" umahon ang kuryusidad sa akin.

"Sinabi ko sa kanila na bibitaw ako bilang tagapagmana kung hindi nila magawang tanggapin ang aking mga kapatid. Pero, sa tingin mo ba, tama ang ginawa ko? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na malaking tulong sila sa oras na uupo na ako sa trono at tatanghalin bilang bagong Emperador ng Oloisean."

Mabilis akong tumango. "Tama talaga ang ginawa mo, Dilston. Salamat at nakinig ka sa payo ko." hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. Hindi nakarating sa akin ang balita tungkol sa mga Albelin, o sadyang inaalagaan nila ang privacy nila?

Lumapit sa amin ang Emperador ng Oloisean. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti, kasabay na nangingislap ang kaniyang mga mata. "Binabati ko ang nag-iisang prinsesa ng Cyan sa importanteng gabi na ito. Binabati kita sa iyong kaarawan, Prinsesa Styriniana."

Nagbow ako sa harap niya. "Maraming salamat, mahal na Emperador ng Oloisean."

"Ngayong nasa takdang edad ka na..." lumihis ang kaniyang tingin. Bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay. "Vencel! Aking balae!" mabilis siyang umalis sa tabi namin para daluhin at guluhin na naman ang Emperador ng Cyan. Okay, walang nagbabago sa kaniya. Sadyang makulit pa rin.

"Pagpasensyahan mo nalang ang aking ama, Rini." dagdag pa ni Dilston. Humihingi ng dispensa.

Umatras nang kaunti ang aking katawan. Iwinagayway ko ang mga palad ko sa ere saka ngumiwi. "Hindi ko na iniitindi ang mga biro ng iyong ama, ang mahal na Emperador, Dilston. Walang problema."

"Maraming salamat, Rini."

"Rini," isang baritonong boses ang narinig ko sa aking likuran. Sabay kami napatingin ni Dilston sa direksyon ng boses. Natigilan ako nang makita ko ang isang matangkad. Hindi na tulad dati na maputi siya dahil mas maputi siya ngayon! Ang akala ko ba ay matindi siya magsasanay doon o sadyang iniiwasan niya ang matinding training niya sa ilalim ng mainit matirik na araw? Medyo mahaba na ang kulay ash blonde niyang buhok. Pero ang mas kapansin-pansin ay ang maladagat ang kulay niyang mga mata. "Kamusta ka na?" matamis siyang ngumiti sa amin.

"C-Calevi...?" may halong pag-aalangan at pagkamangha sa aking boses nang banggitin ko ang kaniyang pangalan.

Mas lumapad siyang ngumiti. "Ako nga, Rini. Tulad ng pangako ko, bumalik ako at naririto na sa harap mo."

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na nga ang unang prinsipe na napalapit sa akin, bilang isang kaibigan. Ang prinsipe na pinangakuan ko na tutulungan ko siya sa oras na may kakayahan na akong tulungan siya sa hinaharap. Ang isa sa mga motivation ko para maging malakas. Kasama na din doon sina Dilston at Otis.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now