"Ah basta, bilisan mo nang makalibot pa tayo sa oval! Tsk." Parang bata kong maktol sa kaniya.

Lumabas na siya ng silid. Sagad ang ngiti.

Sinamungatan ko siya.

"Okay, okay I'm done. Let's go?"

Sabay kaming bumaba at nagtungo sa kotse niya. Medyo na traffic pa kami kaya inis na inis ako kay Keano. Ang hinayupak ay tawa lang ng tawa.

"Wait baby, hold on." Natatawang pag-pigil niya sa akin nanang makababa kami ng sasakyan.

"Bakit?" Tanong ko.

Imbes na sumagot ay binuksan niya ang backseat ng kotse ay may kinuha mula roon.

It's a two pair of white cap. Plain lang na puti iyon, pero sa likod ay naka embroid ang pangalan naming dalawa. Napangiti ako dahil duon.

Isinuot niya sa akin iyon cap na may pangalan niya. Kinuha ko naman iyong isa at ako ang nagsuot sa kaniya. Medyo matangkad siya kaya naman bahagya pa siyang yumukod upang masuot ko ng maayos iyon sa ulo niya.

Nagulat ako ng biglaan niya akong halikan sa labi. Mabilis lang iyon, kaya hindi ako kaagad naka react. Narinig ko nalang ang kaniyang pagtawa.

Hinampas ko ang kaniyang braso. "Bwisit!" Inis kong sabi sa kaniya.

Nakarinig pa ako ng ingay mula sa ibang tao na nasa parking. Hindi ko napansing madaming tao pala rito! Nakakahiya! Naginit tuloy ang aking pisngi.

"OMG! Is that Kean?"

"Oh my! I can't believe this!"

"Shocks girl!"

Ilan lang iyon sa mga narinig naming mga sinabi ng mga taong nakakita sa ginawa ni Keano. Napakapit ako sa braso ni Keano at bahagayang isinubsob ang mukha roon. Nahiya kasi ako!

I heard him laughed. "Oh my baby is shy." He teased, earning a punch from me. Mas lalo lang lumakas ang tawa niya.

"Tara na nga." Sabi niya saka na niya ako hinitak.

Since maaga pa naman ay nagikot-ikot muna kami sa mga food stalls at ibang booths na nakapaligid sa oval ng university. We took a lot of photos.

After nang magsawa kami sa paglilibot ay napagdesisyonan naming hanapin na ang mga kaibigan namin.

Ang sabi ni Yuri kanina ay kasama nila sina Ate Lou. Saktong magte-10 PM na nang magkita-kita kami. Sobrang dami ng tao kaya naman nahirapan kami magkita-kita.

"Hi." Kumaway ako sa kanila nang makalapit kami. Bumati lang ako kina Ate Sandy tapos ay nagpaalam ako kay Keano na kina Stella muna ako.

Ito ang una naming pagkakataon na maka-attend ng lantern fest bilang mga freshmen. Nagpapicture rin kami bilang remembrance ng first lantern fest namin sa university.

Umingay ang buong oval nang sabihin na nang emcee na magsisimula na ang live bands. I heard na limang sikat na banda ang tutugtog ngayong gabi.

Nasa stage ang buong atensyon ko nang magsimulang tumugtog ang unang banda. Hindi ko napansin ang paglapit ni Keano sa aking tabi. Naramdaman ko lang siyang nasa tabi ko na nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Hindi ko na kailangan lumingon pa upang malaman ko kung sino iyon, dahil hawak niya palang ay kilalang-kilala ko na. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay ay marahan akong hinitak palapit sa kaniya.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat