Chapter 39

991 23 1
                                    

***

Kc

Happy Birthday to you...

Happy birthday!

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa ingay. Akala ko kung anong ingay. Mga boses na kumakanta. Pagmulat ko ng aking mata nakita ko ang aming kwarto na puno ng balloons with LED lights inside at mga bulaklak. Ang liwanag ng buong kwarto dahil sa lights na nagmumula rito.

Pagtingin ko sa harap nakita ko sina mommy Eva and daddy. Pati si mommy Meriam and kuya Erric. Si nanay Lilian may dala dalang instrumentong kumakalansing. Caleb is beside Allen may dalang cake na may bouquet of balloons din while Allen is holding a bouquet of white roses and dried lilac.

"Happy birthday, baby!" masayang bati sa akin ni Allen. Inalalayan niya akong tumayo at agad na niyakap. He kissed me infront of them.

"Happy birthday, Cassie." Bati naman ni kuya Erric sa akin at yumakap din. Lahat sila isa-isang lumapit sa akin. Bumati at yumakap.

Hindi ko mapigilang ang umiyak. Mas naging emotional ako nitong nakaraang buwan. Malaki na rin ang aking tiyan, pitong buwan na ito kaya naman tamad na tamad akong bumangon. Madalas din akong moody kaya si Allen lahat ang sumasalo sa paiba iba kung attitude.

Naging okay na kami ni Allen after ng gabing 'yon. Ipinaliwanag niya sa akin lahat. He had a post traumatic stress disorder due to the accident. Kaya hindi madaling tanggapin na malaman na siya pa ang naging rason para masayang ko ang limang taon ng aking buhay. Sinisi niya ang kaniyang sarili. Kaya mas naging malala ang kaniyang kalagayan.

Naalala na rin niya lahat ng pinagdaanan namin simula ng bumalik ang bangungot niya gabi gabi. He's on therapy for a couple of months kaya nagpahinga itong magduty. Si kuya Erric ang umako sa lahat ng responsibility ni Allen pansamantala.

About Bettina. They are friends, for him. But Bettina fell in love with her and she's emotionally unstable kaya ayaw itong masaktan ni Allen. She had some suicidal tendency. Kaya kinailangan pa niyang ipaliwanag ng masinsinan ang tungkol sa amin para madali nitong matanggap. May pinagsamahan din kasi sila as friends kahit paano.

Things are way better now. Except for CL. Hindi pa rin ito nagigising. Would you believe na buntis pala ito. Kaya masyado ang pag-aalaga ng mga doctor dito. Mas mauuna nga itong manganak sa akin. Bubuksan ang tiyan niya by next month via CS ang gagawin sa kaniya. I have this feeling that CL is only fighting for her baby. Alam niya siguro na buntis siya bago ito ma coma. She refused to take any medication that time. Alam niya kasi makakasama sa anak niya. Luca chose CL over the baby. But CL made a letter. They need to make the baby alive no matter what happened kaya wala na naman nagawa si Luca kung hindi sundin ang kagustuhan nito.

Mas masaya sana kung magigising lang ang aking matalik na kaibigan. Kaya pati si kuya Steve hindi ko mahagilap. Nasasaktan ito sa sinapit ng kaibigan namin.

"Are you happy?"biglang may yumakap mula sa aking likuran at bumulong. Nasa may balcony kami. Lumabas kasi ako at nagpahangin sandali.

I owe everything to him. Tinitiis niya ang mga tantrums ko. Halos para akong baby kung ituring niya.

"Of course I am. Super happy. Thank you, hon. Alam ko pagod kana kakaalaga sa amin ni baby. You even made my birthday special." Humilig ako sa kaniyang dibdib.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now