Chapter 02

998 24 1
                                    


KC

Nakauwi ako ng bahay ng maaga at walang tao. Pero maya maya dumating si mommy.

"Hi Princess, how's first day of work?" sabay halik nito sa akin.

"Okay naman my, lahat orientation lang. Observe doon and observe dito. So far I like the environment." kwento ko kay mommy.

" That's good to hear. Pinaka importante sa isang employee ang work environment nito. If he/she likes it, meaning he can work properly kasi magiging comfortable ka." Tahimik akong nakikinig dito. Magaling kasi si mommy sa mga kaechosan na yan.

"Nag snack kana?"

"Hindi ako nagugutom my. Maybe later I will eat. Akyat muna ako sa room ko." hinalikan ko ito at umakyat na ako.

Humiga agad ako sa bed ko pagkapasok na pagkapasok. I'm tired, I tried to close my eyes pero ang nakikita ko ang bughaw na mata ng doctor na yon. Ang pogi talaga niya. Baka pamanaginipan ko pa ito.

Makatulog na nga muna saglit. Minutes passed by pero hindi pa rin ako makatulog. Ano ba ito, gusto ko mag nap lang sana. Antok dalawin mo naman ako please.

Hindi pa rin ako makatulog kaya kinuha ko ang phone ko at pinaglaruan ito. Naglaro ako ng mobile legends. Bigla kong naalala yong sinabi ni CL kanina. About sa dating app. mmmh. Matry ko nga, baka lang okay.

I installed dating.com from apple store. Then I signed up. My code name was Dolly. Ginaya ko lang naman ang sabi sa akin ni CL. Yong thumbnail ko ay a picture of my neck wearing my favorite necklace. A black necklace with a pendant of a stethoscope with a heart on it.

I put a description about me not in detail.  Tapos ang dami agad nagmessage. Sabi ni CL piliin ko daw. Binasa ko muna isa isa. Wala naman akong type lahat kasi parang flowery words ang mga sinasabi. Hindi kapani /paniwala. Parang forwarded to many. Binasa ko pa rin lahat. Ang gagwapo nga naman. Totoo kaya ang mga mukha nito.

Maya maya may nakatawag pansin sa akin. Picture ng anime character at may message siya. His codename is Golem. Alam ko na codename kasi pang anime. Yong iba siguro mga mga real name ang nilagay.

Binasa ko ang message nito. Walang mga pakeme. As in real siya. Simple and sexy na normal na sinasabi ng kachat.

Golem:
You got a sexy neck Dolly. Wanna chat with me?

Me:
Hi! Sure. Waz up?

Golem:
Just bored and got nothing to do. You're a Filipina right?

Me:
Yes I am. How about you?

(Sending failed)
(You need 10 credits in order to send a message.)

Oh My God! Paano 'to? Bitin naman. Need ko bang mag subscribe? Ask ko muna si CL baka kasi scam 'to.

Me:
loves, busy ka?

I waited ilang minutes pero wala pa rin reply. Kainis talaga itong si CL ang tagal magreply.

Maya maya nagreply na ito.

CL Loves:
Hindi naman masyado bakit?

Me:
Nagtry ako sa dating app na sinasabi mo may nakachat na ako kaso hindi ko maisend ang reply ko need daw ng credits? Is it safe to use mga CC?

CL Loves:
Yes loves, u need to make a subscription. Check mo yong promo try mo muna. Then ayain mo sa labas na lang niyo icontinue ang chat chat niyo kaso pricey siya masyado sa loob ng app.

A Lust To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon